“Lana,” nakangiting ani ni tiya sa ‘kin. Kunot ang kaniyang noo nang makita ang dala kong bag. Siguro na rin dahil sa namamaga kong mga mata. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” usisa niya sa ‘kin. Kababakasan ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Ngumiti lamang ako nang pilit at umiling. Nakahinga na rin ako nang maluwag dahil hindi na niya ako pinilit pang tanungin. “Ahm, sige. May dala akong siopao rito. Kainin mo muna ‘to at mamaya pa ang bus papuntang pier. Alas-kuwatro y media pa iyon dadaan,” sambit niya. Tinanggap ko naman iyon at kinain. Ito lang ang unang pagkain na nakain ko buong araw. Umupo siya sa tabi ko at tila nagmamasid lang. Hindi rin siya nagsasalita. Siguro ay dahil na rin sa sitwasiyon namin. Pumeke siya ng ubo at nginitian ako. “Simple lang ang buhay roon sa

