Pagkatapos nga ng thirty minutes ay inihatid na ako ni Debbie. Masaya ako kahit papaano.
“Debbie, pasensiya ka na kung dahil sa akin hindi ka masiyadong nag-enjoy sa party mo,” wika ko nang makalabas na ng sasakyan.
“Ano ka ba? Para ka namang others. Hindi no, t’saka sanay na ako sa ‘yo. Hindi mo lang alam kung gaano kasaya ang party ko. Kulang iyon kung wala ka. Huwag ka ngang nega,” saway niya sa akin.
Napangiti naman ako nang tipid.
“Saglit lang.”
Pigil ko sa kaniya nang akmang babalik na siya sa loob ng kotse.
“Bakit? May itatanong ka ba tungkol sa pinsan ko?” nakangising tanong niya.
Nag-abot naman ang kilay ko at natawa.
“Hindi,” sagot ko at kinuha ang maliit na paper bag sa loob ng dala kong bag.
Ako pa ang gumawa ng paper bag para kumasya. Kinuha ko naman iyon at ibinigay kay Debbie.
“Ano ‘to?” aniya at tila nagtataka pa.
“Happy birthday, hindi puwedeng wala kang regalo sa akin. I love you, my BFF,” wika ko at malapad na nakangiti sa kaniya.
Bumusangot naman siya at ilang sandali pa ay umiyak.
“Grabe ka na! Alam mo naman na kahinaan ko ang mga ganito. Thank you, Lana,” aniya at niyakap ako.
Napangiti naman ako at hinaplos ang kaniyang buhok.
“Sige na, balikan mo na ang mga bisita mo roon. Salamat Debbie,” wika ko.
Tumango naman siya at napasinghot pa.
“Thank you rin, Lana. Good nighty girl,” sambit niya at kumaway na sa akin.
Kumaway na rin ako at pumasok na sa loob ng bahay. Paniguradong narinig nila mama at papa ang sasakyan kaya bukas na ang pinto.
Pagpasok ko ay busy pa sila sa kaniya-kaniyang laptop.
“Hello, hindi pa kayo tapos? May maitutulong ba ako?” usisa ko sa kanilang dalawa.
“Minamadali na nga namin anak. Don’t worry about us, patapos na rin ‘to. Sige na, matulog ka na at may klase ka pa bukas,” sagot ni mama.
“Sure?”
“Oo, sige na. Kaya na namin ‘to ng mama mo,” dugtong naman ni papa.
Tumango naman ako at hinalikan na sila sa pisngi t’saka ako pumasok sa loob ng kuwarto ko.
Nakaharap sa kalsada ang bintana ang kuwarto ko kaya lumapit ako roon para isara nang maayos. Mahirap na.
Natigilan ako at napakunot-noo nang mapansin ang sasakyan sa labas. Ilang sandali pa ay bumaba ang driver at may hawak iyong in can na inumin at tiningnan ako. Itinaas niya ang inumin niya at nginitian ako.
T’saka ko lang napansin na si Mayor Blue iyon.
Sa inis ko ay isinara ko na kaagad ang bintana.
“Ano kaya ang ginagawa niya rito?”
Nagbihis na ako at nag-half bath. Pagkatapos ay humiga na sa kama at natulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda na para pumasok. Maaga ring nagising si mama at papa.
“Lana, baka hindi kita madaanan mamaya at may meeting kami. Baka gabihin na rin kami ng mama mo,” saad ni papa.
“Okay lang po, magpapahatid na lang po ako kay, Debbie,” sagot ko.
“You know what? Debbie is really a life saver,” wika naman ni mama.
Napangiti na lamang ako.
Pagkatapos nga naming mag-breakfast ay hinatid na nila ako sa university na pinapasukan ko. I’m taking up education too. Parehong teachers ang mama at papa ko. Kaya siguro gusto ko ring maging kagaya nila.
“Bye, Lana,” saad ni mama.
“Bye,” sagot ko naman at pumasok na sa loob.
Habang naglalakad ay pokus lang ako sa dinadaanan ko. Sanay ako na mag-isa at tanging si Debbie lang ang kaibigan kong maituturing simula pa nu’ng high school.
“Lana, good morning!”
Napalingon naman ako at nakita si Raze. Tumango lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Lana, nakita kita kagabi sa party ni, Debbie. Gusto sana kitang lapitan kaso nahihiya ako,” aniya at nakangiti pa.
Tinikwasan ko lang siya ng kilay at hindi na nagsalita.
“Gusto kitang lapitan para sana kausapin kaso hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin sa ‘yo,” dagdag niya pa.
“You did me a great favor,” sambit ko.
“Huh?”
Huminto naman ako sa paglalakad at ganoon din siya.
“By not talking with me kagabi. Walang interesting sa ‘kin at mabo-bore ka lang na kausap ako kaya tama lang na hindi mo ako nilapitan kagabi,” wika ko at nauna na.
Kita ko naman na napakamot pa siya sa ulo niya.
Nang makarating sa room ay kaagad na umupo na ako sa unahan. Kailangan nasa unahan ako at hindi puwedeng ma-miss ang bawat leksiyon. Yes, I’m aiming for a latin honor. I’m a little bit pressured dahil parehong Magna c*m Laude ang parents ko. They’re the standard.
“Hoy! Lana!”
Umayos naman ako sa aking pagkakaupo at napakunot-noo nang makita ang grupo ni Ashley. Ano na naman kaya ‘to?
“Bakit?” sagot ko at kinuha ang libro ko para magbasa.
Kinuha naman niya iyon kaya nakaramdam ako ng inis. Tumayo at kinuha iyon pabalik.
“Aba! Ang tapang mo ah. Ano ha? Nagmamalaki ka na dahil matalino ka?” aniya at tila nang-uuyam pa.
Tiningnan ko naman siya at natawa nang pagak.
“Hindi ko kasalanan kung iyan ang feeling mo. Kung feeling mo nagmamalaki ako dahil matalino ako, it’s my pleasure,” sagot ko at umupo na ulit.
“Kunwari pa, akala niya siguro hindi natin nakita kanina na magkausap sila ni, Raze,” wika naman ng kasama niyang si Becca.
Natawa naman ako at napailing. Mauubos ang oras ko sa kanila kung papatulan ko kaya hinayaan ko na.
“Kaya nga, kunwari demure. Kunwari inosenti pero may kakatihan din pa lang tinatago,” sabat naman ni Layla. Nagkunwari naman akong walang narinig. Sanay na ako sa pangba-badtrip nila sa ‘kin halos araw-araw.
“Mana ‘yan sa nanay niya panigurado. Naalala niyo si Myca? Hindi ba ex ng mommy niya ang ama niyang naturingang teacher. Sinulot lang naman ng mama niya ka—”
“Bawiin mo ang sinabi mo,” gigil kong sambit.
“Aba! Matapang,” ani Ashley.
“Hindi ako pumapatol sa inyo dahil wala namang kuwenta ang arguments niyo. Hindi ko kasalanan kung lapitan ako ni, Raze. Kung gusto mo isaksak mo siya sa baga mo Ashley. Tigilan mo na ‘yang delusions mo at lumalala ka na. Huwag na huwag niyong idadamay ang parents ko dahil mas malala ang parents niyo. Hindi ko na kailangang isa-isahin dahil posted sa social media accounts niyo ang problema niyong magpapamilya. Hindi ko ugaling makipag-away, kaya sa susunod na idamay niyo ulit ang parents ko huwag kayong umasang hindi ko kayo papatulan,” inis kong saad.
“Iba na ngayon ah. Parents lang pala katapat ng prinsesa,” ani Layla.
“Kung masaya kayong pag-usapan ang parents niyo, ugali niyo ‘yon. Hindi ko rin naman kayo masisisi kung bakit ganiyan ugali niyo. Inuugali niyo kasi ugali ng magulang niyo,” sagot ko.
“Aba! Sumusobra ka na ah,” sambit ni Myca.
“Nasaktan ka?” ani ko at sinamaan sila ng tingin.
“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?”
Sabay na napatingin naman kami sa hamba ng pintuan nang makita si Debbie. Kunot na kunot ang noo at umupo na sa tabi ko.
“Masiyadong matapang ‘yang kaibigan mo ngayon, Debbie. Akala mo kung sino. Porket matalino, basura rin naman ang ugali,” wika ni Ashley.
“Wow ha! Coming from you talaga?” ani Debbie at tinikwasan pa ng kilay si Ashley. Parang nabahag naman ang buntot nito.
“Matapang lang naman ‘yan dahil sa ‘yo. Pero ang totoo, paniguradong kapag nakatalikod ka, bina-backstab ka niyan. Alam niyang gusto mo si Raze pero makati rin. Nilapitan lang naman siya kanina at nag-usap pa sila,” saad ni Layla.
Napahawak na lang ako sa ulo ko at parang may pumitik doon.
“Patience, patience, patience,” paulit-ulit kong sambit.
“Puwede bang tigilan niyo na si Lana? Ubos na ubos na ang pasensiya ko sa inyong apat. Ugali niyo ‘yang nagba-backstab-ban. Huwag niyo kaming isali. Isuksok mo sa esophagus mo si Raze, Ashley. T’saka ikaw Layla, akala ko ba ayaw mo ng maging kaibigan itong si Myca dahil tinalo ka niya? Ikaw rin Becca, akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nagpakalat ng screenshot ng convo niyo ni, Ashley tungkol sa cheating?” saad ni Debbie.
“Ano?” galit na sambit ni Ashley.
“Ang pe-perfect niyong barkada no? Mahilig kayong manira ng araw ng iba, pero nagpaplastikan naman kayo. Tsupe nga kayo!” sambit ni Debbie.
Ilang sandali nga ay nagsagutan na ang apat.
Napailing na lamang ako.
“Alam mo, dapat matagal mo ng inireklamo ang apat na ‘yan. Binu-bully ka palagi,” reklamo ni Debbie.
“Kailan ba ako nagpapa-bully sa kanila? Lumalaban naman ako ah,” sagot ko.
“Kahit na, kung hahayaan mo lang sana ako tinaekwondo ko na ang mga salagubang na ‘yon,” aniya.
Natawa naman ako at napailing.
“Hayaan mo na, sayang sa oras,” sagot ko.
Ilang saglit pa ay ngumisi na siya at tiningnan ako.
“Ano ‘yan? Iba ang ngiti mo, nawe-weirdo-han ako,” saad ko sa kaniya.
“Ano’ng meron sa inyo ng pinsan ko?” aniya.
She’s grinning like a dog.
“Ha?”
Naguluhan ako sa tanong niya.
“Pinsan mo?”
She rolled her eyes at me.
“Oo, the one and only Mayor Blue,” aniya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
“M-Mayor Blue?”
Napaigtad naman ako nang tusukin niya ang tagiliran ko.
“Akala mo siguro hindi ko malalaman na nag-usap pala kayo kagabi ha. I’ve checked the CCTV footages. Gusto ko lang sana makasigurado na okay ka at walang buang na umaaligid sa ‘yo. I know how much you hated Raze’s guts and bigla siyang nawala kagabi. Tapos iba ang makikita ko, Kita ko iyong pa-back hug ni, Asul,” aniya at tila kilig na kilig pa.
“Debbie, ano ba? You got the wrong impression,” saway ko sa kaniya.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko sa sobrang hiya. Umiinit ang pisngi ko.
“Hala! You’re blushing, ano? Gusto mo ba si Asul?” aniya at nginitian ako.
“Huwag ka ngang ganiyan. Matanda na siya, t’saka hindi ko siya type. He’s my pet peeve. Naiinis na ako,” wika ko sa kaniya.
Kita ko naman na tinutudyo na naman niya ako.
“Kaya pala kunwari ihahatid lang tayo kagabi, iyon pala gusto niya sigurong malaman kung saan ka nakatira,” aniya at umayos sa pagkakaupo.
“Ha?”
“Hindi ko pala nasabi sa ‘yo kagabi na nakabuntot sa ‘tin si Asul kagabi. Ang sabi niya, para sigurado raw na nakauwi ka nang maayos yiiieeee,” aniya.
Natigilan naman ako at napakunot noo.
“Kaya pala nakita ko siya kagabi sa labas. Sa susunod huwag kang papayag sa ganoon ha. Baka ano ang isipin ng mga magulang ko sa akin. Sabi mo nga ‘di ba? Bad sa mental health ang pinsan mo,” sambit ko.
“Hmm, oo sadly. Bad sa mental health, pero good naman sa eyesight. Pogi kaya ng Kuya Asul ko. Walang pangit sa pamilya namin,” aniya at tuwang-tuwa pa nu’ng tumango ako.
“Pero ‘di nga? Ayaw mo talaga sa kaniya?” panganglaro niya.
“Pogi nga ang pinsan mo, balahura naman. Notorious chick-boy kaya sigurado akong hinding-hindi ko siya magugustuhan,” sagot ko.
“Sabagay, iyong isang pinsan ko ang crush mo eh. Kahit ganiyan ‘yang record ni, Kuya Asul aminin mong sobrang competent niyang politician. Hindi lang kasi namin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niyan kaya hinahayaan lang namin. Wala kaming magagawa dahil masama magalit,” aniya.
“Bakit?” tanong ko.
“Uy! Curious siya, iba na ‘yan,” tukso niya sa ‘kin.
“Bahala ka nga riyan, Debbie. Sabing wala nga iyon kagabi. Mukhang tingin sa ‘kin ng pinsan mo, new prospect eh kaso hindi nagtagumpay kaya ganoon. Hindi ko siya gusto, okay? I hate him,” matigas kong saad.
“Okay, sabi mo eh,” aniya at tila hindi pa sang-ayon.
“Bahala ka nga,” inis kong sambit. Tawang-tawa naman siya.
“Joke lang!”