“Uwi ka na?” tanong sa akin ni Debbie. Tumango naman ako.
“Oo, matatagalan kasi ang parenst ko mamaya. May meeting yata sila,” sagot ko.
“Hatid na kita,” sambit niya habang nakangisi.
“Lagi naman eh, nahihiya na ako,” busangot kong wika.
Inirapan naman niya ako.
“Shut up, Lana,” saway niya sa ‘kin at hinila na ang kamay ko palabas ng university.
Ilang sandali lang naman ay sumakay na kami sa kotse niya.
“Wala kang driver?” usisa ko.
“May lakad si Manong kasama ang mommy,” sagot niya. Tumango lamang ako.
Habang nasa biyahe nga ay nakatingin lang ako sa labas at nakangiti. Ang lakas ng music ni Debbie at EDM pa. Nakangiti lang siya sa ‘kin nang biglang gumilid siya.
“Bakit?” usisa ko.
“Wait lang, I feel odd,” sagot niya at bumaba.
“Damn!” aniya at napahawak sa noo niya.
“Bakit? Ano ang nangyari?” usisa ko at bumaba na rin.
Nagkatinginan kaming dalawa nang makitang flat ang gulong at nasa gilid pa kami ng kalsada.
“Kapag minamalas ka nga naman oh,” reklamo niya at kita ko ang inis sa mukha niya.
“Wala pa yatang humihintong taxi rito banda,” saad ko.
Ngumisi naman siya.
“It’s fine! Tawagan ko na lang si Kuya. Pauwi na rin naman siya eh. Doon pa rin ako uuwi sa bahay nila kaya sabay na lang tayo,” aniya.
“Ha?”
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil may kausap na siya sa kaniyang cellphone.
“Maghihintay kami rito ha. Yes, I’m with Lana,” aniya at tiningnan pa ako t’saka ngumiti.
Matapos nilang mag-usap ay nilapitan na niya ako.
“Hinatyin na lang natin si Kuya Asul. Papunta na siya rito. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakauwi,” wika niya.
Napalunok naman ako ng laway ko. Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas at bumilis ang pagtahip ng dibdib ko.
Ilang sandali pa ay naaninag na namin sa hindi kalayuan ang mamahaling sasakyan na papalapit sa aming kinaroroonan. Nang makahinto ay siya namang pagbaba ng windshield ng sasakyan at bumalandra ang mukha ni Mayor Blue Virgon. Nakasuot pa ito ng specs. I almost forget how to breathe seeing how breathtakingly handsome he is.
“I’ll get your car towed later. Get inside,” seryosong sambit niya.
“Thank you, Kuya. You saved us today,” ani Debbie at hinila na ako papasok sa loob ng sasakyan.
Tahimik na umupo lang ako sa gilid at napatingin sa labas. Pakiramdam ko may nakatingin sa ‘kin kaya kahit nangangalay na ako ay wala akong pakialam.
“Debbie...”
Napatingin naman ako sa harap at kaagad na nag-abot ang tingin naming dalawa sa rearview mirror. Kita ko naman ang pagtaas ng labi niya at napahawak pa sa baba niya saglit at itinuon na ulit ang tingin sa pagmamaneho.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Debbie na nakapikit at may sout na headphone.
“She’s fast asleep,” wika ni mayor.
Napalunok naman ako.
“K-Kaya nga po,” sagot ko at itinuon na ulit ang tingin sa labas.
Napakunot noo naman ako nang makitang hindi kami pauwi sa bahay.
“A-Ahm, uuwi ako sa bahay namin,” saad ko.
“Hindi pa naman uuwi ang parent’s mo ‘di ba? I’m sure they’ll be late. Sa amin ka na mag-dinner,” aniya.
“True, sa amin ka na mag-dinner,” nakangiting sabat ni Debbie.
“Akala ko ba tulog ka?” asik ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya at sinundot ako sa aking tagiliran.
“Char-char lang ‘yon, nakikinig lang ako sa usapan niyo ni, Kuya Asul,” aniya at tinawanan ako.
“Walang nakakatawa,” mahinang sambit ko.
“Sus! Nahiya pa, nakita kita kanina nakatitig sa kaniya. Akala mo siguro ‘di ko napansin no?” aniya at talagang tinutudyo na naman ako.
“Tumahimik ka nga, nakakahiya. Baka ano ang isipin niya,” bulong ko pa at napatingin sa harap.
Mabilis na naiwas ko na naman ulit ang aking paningin at talagang iniinis na naman ako ni Debbie. Tawang-tawa siya na tila ba tuwang-tuwa rin ako. Gusto ko na siyang kurotin.
Pagdating nga namin sa bahay ni mayor ay nagulat ako nang mabilis na bumaba si Debbie at tumakbo.
“Naiihi ako, Kuya ikaw na bahala kay, Lana!” sigaw ni Debbie.
Napapikit na lamang ako sa sobrang kulit niya. Napatingin naman ako kay Mayor Blue na nakataas naman ang kilay sa ‘kin.
“Bakit? May problema ka sa ‘kin?” tanong niya.
Mabilis na napailing naman ako. Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Bigla-bigla naging seryoso. Ayaw kong makipag-usap sa kaniya. Tinalikuran ko na siya at nauna na ring maglakad.
“Bakit mo ako iniiwasan?”
Napaigtad ako nang maramdamang nasa likuran ko na siya. Hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
“A-Ano ba ang kailangan mo sa ‘kin?” kinakabahan kong tanong.
I can feel him grinning behind me.
“Sa tingin mo ba kapag nalaman ni, Debbie ang ginagawa mo matutuwa siya?” mahinang sambit ko.
“Bakit? Ano ba ang ginagawa ko sa ‘yo?” aniya at tinawanan ako.
Napakunot-noo ako at nilingon siya. Kita ko na parang tawang-tawa siya sa reaksiyon ko.
“Relax, I’m just messing with you. You look so tensed,” wika niya at tinikwasan ako ng kilay.
Pumamulsa siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng pagkainsulto lalo pa nang makita ko ang disgusto sa kaniyang mukha.
“You’re pretty, but you’re not my type,” aniya at nginitian pa ako bago iniwan.
Napanganga naman ako sa narinig mula sa kaniya at natawa nang pagak.
“Ang feeling mo! Hindi rin kita type. Ayaw ko sa mga gurang na tulad mo,” inis kong sambit at sinamaan pa siya ng tingin t’saka mabilis na naglakad papasok.
“What did you say?”
His tone sounds annoyed and I don’t care. Wala akong pakialam sa kaniya at para na akong sasabog sa inis ngayon. Akala niya!
“Do I look old to you? Parang sinasabi mong walang kuwenta ang pera ko para sabihan mo na matanda na ako,” aniya habang nakasunod sa ‘kin.
“Wala akong paki,” sagot ko naman.
“Nag-away kayo?”
Natigilan naman ako, t’saka ko lang napansin na nakapasok na pala ako sa loob. Napatingin naman ako kay Debbie na tila naghihintay ng sagot mula sa ‘kin.
“I’m just eight years older than your best friend pero natatandaan na sa ‘kin. Iba magmahal ang matanda, baby,” aniya at kinindatan pa ako t’saka umakyat na.
Napahawak naman ako sa ulo ko at pakiramdam ko ay sasabog na ako sa inis at galit.
“Lana,” excited na sambit ni Debbie.
“Not now, please,” mahina kong wika.