Chapter 4

2266 Words
Pagkatapos nga naming kumain ay nakatanggap ako ng text mula kay mama na mauna na akong kumain at may pakain sa school nila. Nag-text lang ako na kasama ko si Debbie at pauwi na rin. Somehow, they feel at ease knowing na kasama ko pa rin ngayon si Debbie. Takot kasi silang iwan akong mag-isa sa bahay kahit na safe naman ang subdivision namin. “Bestie, puwede bang magpahatid ka na lang kay, Kuya tonight? Kanina pa kasi nagpaparamdam ang tiyan ko,” reklamo niya at bumusangot. Kanina ko pa nga siya napansin na pabalik-balik ng CR. “Ano ba kasi ang kinain mo kanina?” usisa ko sa kaniya. “Napasobra yata ako ng sushi kanina. Ang sarap kasi eh,” aniya. Napailing naman ako. “Magta-taxi na lang ako,” saad ko. “Naku! Hindi puwede no, malalagot ako kay, Tita at Tito. Baka mapaano ka pa sa daan. Gabi na rin,” sagot niya at napahawak na naman sa tiyan niya. Napailing na lamang ako at tumango. “Sige na, mag-CR ka na. Uwi na rin ako,” sambit ko. “S-Sige, t-take care bestie! Magpahatid ka kay, Kuya ha!” sigaw niya at kumaripas na naman ng takbo pabalik sa CR. Kinuha ko na ang bag ko at tumingin sa paligid. Hindi ko mahagilap si mayor. Lumabas na ako ng bahay at kung hindi ko siya makita maghihintay na lang ako ng taxi sa labas. “Where are you going?” Napalingon naman ako at nakita ang lalaking nakatayo sa gilid at naninigarilyo. Kaagad na inapakan niya iyon at namulsa habang nakatingin nang derikta sa akin. “U-Uwi na ako,” mahinang sagot ko. “Get in,” seryosong aniya at pumasok na sa loob ng kotse. Medyo nag-aalangan pa ako na pumasok. “I hate waiting,” dagdag niya pa. Napalunok naman ako at umupo na sa tabi niya. Nakatingin lang ako sa gilid habang bumibiyahe kami. “Baka magka-stiff neck ka. Hindi naman ako pangit para iwasan mo ng tingin,” aniya. “Ha?” Natigilan ako nang mag-abot ang aming paningin. Lalo kong natitigan ang napakagandang abuhin niyang mga mata. “Wala naman kasing interesanteng tingnan,” sagot ko at ibinaling ang tingin sa harap. Pansin ko pa ang pagtaas ng kilay niya. “You’re hard to get,” he stated. “Of course! Hindi ako kagaya ng mga babae mo,” sagot ko. “How did you know about my women?” tanong niya. Natawa naman ako sa tanong niya. “May cellphone ka naman at unlimited ang wifi mo. Puwede mong i-search ang sarili mo,” sagot ko. “Nakita mo rin ba lahat ng mga na-accomplished kong mga projects?” aniya at halatang nagmamalaki. “Dapat lang, tax ‘yan ng taong-bayan,” wika ko. “You’re so harsh,” komento niya. Nilingon ko naman siya na nakatutok lang ang tingin sa daan. “You’re just twenty pero mukhang pasan-pasan mo na ang mundo sa kamalditahan mo. Seems like you’re a misandrist,” aniya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano ang ibig mong sabihin? FYI, mapili ako sa mga taong gusto kong pakisamahan. It’s my right at walang sino man ang puwedeng magdikta sa ‘kin kung sino ang puwede kong kaibiganin. Just because I don’t mingle with boys, doesn’t mean I’m a man hater,” inis kong saad. “How about a man?” tanong niya. “Ano?” Nagugulohan ako sa kaniya. “I’m relieved that you don’t mingle with boys. Then how about a man? I’m man enough to stand with you anyway,” nakangiting sambit niya. “Hindi ako natutuwa sa jamming mo sa ‘kin. Puwede ba? Spare me. I don’t like flirting, at lalong hindi ako nakikipag-flirt. You’re just wasting your time, MAYOR,” sagot ko at in-emphasize ko pa ang mayor. “If it’s you, I don’t care wasting my time. And it’s Blue,” seryosong wika niya. Inuubos niya ang pasensiya ko sa totoo lang. Naikuyom ko ang aking kamao at nginitian siya nang plastic. “Hindi kita type. Gwapo ka nga, mayaman at kilala. Pero ayaw ko sa matanda. Wala akong planong pumasok sa isang relasiyon kung ikaw man lang din,” deriktang sambit ko. Nilingon niya naman ako. “Huwag kang magsalita nang tapos, you might regret it later. Subukan mo kaya ako, bago mo ako sabihan na matanda,” sambit niya. Napaikot ko naman ang mata ko. Hindi ko na siya pinansin at hindi na rin naman siya nagsalita pa. Pagdating nga namin sa bahay ay bumaba na ako. Sakto rin naman na kararating lang din ni mama at papa. Nagulat pa ako nang bumaba si Blue at tinabihan ako. “Nice, meeting your parents na kaagad,” aniya. Napipilan naman ako sa sinabi niya. “Magandang gabi, mayor,” bati ni papa. Kaagad na nagmano naman ako sa kanila. “Inihatid ko na ang anak niyo. Hindi nakasama ang pamangkin ko dahil nagka-LBM,” seryosong wika niya. Kung titingnan mo ay talagang kailangan mong galangin dahil talagang kagalang-galang ang aura niya ngayong kaharap ang mga magulang ko. “Pasensiya na po mayor at naabala pa po kayo. Maraming salamat sa paghatid sa anak ko,” nakangiting sambit ni mama. “It’s nothing, she’s my cousin’s best friend. Kung ano man ang mangyari sa kaniya sa daan kargo namin ‘yon,” aniya pa. “Pasok po muna kayo sa loob,” wika ni papa. “Thank you, but I have to go. May kailangan pa akong puntahan,” sagot niya at nagpaalam na. “Salamat po ulit, ingat ka po sa daan,” saad ni mama. Nu’ng makaalis na nga ay pumasok na kami sa loob. “Mabait nga talaga iyang si mayor ano,” komento ni papa. Napataas naman ang kilay ko. “Mabait nga, responsableng mayor pero hindi naman mapagkakatiwalaan pagdating sa babae,” saad naman ni mama. “Ano ka ba? Ganoon talaga kapag guwapo at mayaman. Single naman siya, malaya siyang gawin ang gusto niya. Isa pa, mismong babae ang lumalapit sa kaniya,” sambit naman ni papa. “Are you hearing yourself? Babae ang anak mo ha, baka nakakalimutan mo,” asik ni mama. Natawa naman si papa. “Eh ikaw anak, may manliligaw ka na ba?” usisa sa akin ni papa. Mabilis na umiling naman ako. “Wala pa po sa isip ko ‘yan,” sagot ko. “Tama, sa edad mong ‘yan ay magpokus ka muna sa pag-aaral mo. Nandiyan lang ang mga manliligaw mo sa dami ng tao sa mundo. Importante na tapusin mo muna ang pag-aaral mo at hindi natin hawak ang panahon. Mas maigi na may bala tayo,” saad niya. Sang-ayon naman ako roon sa sinabi ni papa. Pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko at nagbihis. Nagpunas lang ako at nang matapos ay humiga na sa kama ko at kinuha ang aking cellphone. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kung hindi ang mga GC lang ng mga subjects namin. Napakunot-noo ako nang makita ang text galing sa unknown number. Tanging hi lang naman iyon kaya dinelete ko na. Wala rin naman akong load. Kinabukasan ay foundation day na ng university na pinapasukan ko. Okay lang na matagalan ako dahil wala namang klase. Wala rin naman akong event na sinalihan dahil president ako ng English club. Lahat ng mga gagawin ay naisalansan ko na nang maayos. Bandang alas-diyes na ako umalis at kailangan ang presensiya namin dahil may mga bisita at iilang preparations na hinanda ng iba’t ibang club. Pagdating ko nga sa gymnasium ay umupo na ako at naaninag ko na si Debbie kasama ang mga ka-club niya. Kasali siya sa Dance club nitong university kaya hinanda ko na rin ang cellphone ko para kuhanan siya ng litarto habang sumasayaw. Isa-isa na ring tinawag ang mga guests at natigilan ako nang makita si Mayor Blue Virgon. Halos sambahin siya ng mga staff ng eskuwelahan. Rinig na rinig ko rin ang mga bulungan ng mga estudyante. Halatang kilig na kilig na makita siya. “Hi, Lana!” Napalingon naman ako at nakita si Raze kasama ang mga kaibigan niya. “Puwede ba kaming umupo rito?” tanong niya pa. Alangan naman na sagutin kong hindi puwede kaya tumango na lamang ako. Sana lang ay huwag niya akong kausapin at ayaw ko talagang makipag-usap sa kaniya. Ramdam ko pa ang sama ng tingin ng ibang higher at lower years sa akin. “Mabuti na lang at nakita kita,” ani Raze. “Bakit? May kailangan ka ba sa ‘kin?” tanong ko sa kaniya. Nagsimula na ang mga performance ng bawat clubs at nakatuon lang doon ang tingin ko. Hindi ako makapag-focus. How I wish na umalis na sila. “Wala naman, buo lang talaga ang araw ko kapag nakikita kita,” sagot niya. Pakiramdam ko nagsitaasan ang balahibo ko sa sobrang awkward niya. Tiningnan ko naman siya at inilingan. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at napakunot-noo nang mapansing galing sa unknown number na naman. “Pangit ng katabi mo.” Napatingin ako sa harap at nakita si Blue na hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Paniguradong binigyan ‘to ni Debbie ng number ko. Inis na ini-off ko naman ang cellphone ko at pinasok iyon sa bag ko. Ang sakit nila sa ulo. Bandang alas-dose nga ay lunch na. Napag-isipan kong umuwi na lang muna at wala na rin naman akong maiaambag na tulong at okay na lahat. Kinuha ko na ang bag ko at dumaan na sa back gate dahil walang katao-tao. open kasi sa lahat ang university ngayon at ang front gate ay punuan talaga ng mga tao. Nakahinga ako nang maluwag nang iilan lang ang nakikita ko. Paglabas ko nga ay naglakad pa ako kunti para maghintay ng taxi nang may kotseng huminto sa tapat ko. “Uwi ka na?” I saw Blue smiling at me. “May nakakatawa?” asik ko. “Sungit mo naman,” aniya. Inis na inirapan ko lamang siya at naglakad na. Nakasunod naman siya sa ‘kin. “Tumigil ka nga. Kung hindi ka aalis sisigaw ako ng kidnapper,” banta ko sa kaniya. “Sino ang maniniwala sa ‘yo? May kidnapper bang sakay sa isang jaguar na sasakyan?” wika niya. “Get out of my sight. Hindi ka na nakakatuwa,” inis kong sambit. “Natutuwa ako sa ‘yo eh, lalo na kapag galit ka. Lalo kang gumaganda,” aniya at nginitian na naman ako. Gusto kong puknitin ang ngiti sa labi niya. “Puwede ba? Tigilan mo na nga ako. Please lang,” gigil kong sambit at pumara na ng traysikel. Walang taxi kaya traysikel na lang. Basta makaalis lang at maiwasan ang pagmumukha niya. “The more you hate, the more you love raw. Naniniwala ka ba sa quote na ‘yan?” aniya pa. “Kapag nasapak kita gamit ang palakol baka malaman mo kaagad ang sagot,” inis kong sagot at sumakay na ng traysikel. Inirapan ko pa siya at tinalikuran. Rinig ko naman ang tawa niya. Habang nakaupo nga ay napatingin ako sa side mirror ng traysikel at nakita pa si Blue na nakangiti at kumaway pa sa ‘kin. Mabilis na iniwas ko naman ang tingin ko. Habang nasa biyahe nga ay pabalik-balik lang ang hitsura niya sa utak ko. I find it weird pero napapangiti ako sa kagaguhan niya. “Ano ba?” saway ko sa sarili ko at huminga nang malalim. I bit my lips to stop myself from smiling. Pagdating ko nga sa bahay ay nag-lock na ako ng pinto at dumeritso sa kuwarto. Gusto kong matulog. Nag-load ako saglit sa sim ko at nag-text na lang din ako kay mama na nakauwi na ako para hindi na mag-alala pa. Nakatayo ako sa tapat ng bintana at napakunot-noo nang makita ang hindi pamilyar na sasakyan sa labas. Mukhang nagmamasid pa rito sa bahay. Kaagad na sinugod ng kaba ang dibdib ko. Ilang sandali pa nga ay may tatlong lalaking bumaba. Mabilis na ni-lock ko ang pinto ng aking kuwarto at tinawagan ang number ng kung sino man. “H-Hello?” mahinang sambit ko. Napalunok ako nang marinig ang pagbukas ng pinto sa labas. “Miss me?” Napapikit ako nang marinig ang boses na ‘yon. “M-Mayor, n-nasaan ka? P-Puwede mo ba akong puntahan dito sa bahay?” mahinang saad ko. “I can’t hear you. Bumubulong ka ba?” Napapikit ako at ramdam ko ang malakas na pagtahip ng aking dibdib. “M-Mayor Blue, I-I need your help. May mga taong nakapasok sa loob ng bahay. Please be quick, nasa kuwarto ko ako ngayon,” naiiyak kong sambit. Ilang sandali pa ay rinig ko ang katahimikan. “Hello? Hello? Nandiyan ka pa ba? Please naman oh, tulungan mo ako,” sambit ko at hindi na napigilan ang sarili ko na pumiyok at maiyak. “Shh, don’t cry. I’m coming,” malamig niyang sambit. “Relax, okay? Magtago ka muna. Darating agad ako, don’t cry,” dagdag niya pa. I nodded kahit na hindi naman niya ako nakikita. Mabilis na nagtago ako sa ilalim ng kama at napapikit nang marinig ang pagbukas ng pinto. Rinig ko pa ang tawanan ng mga lalaki. “Akala siguro hindi mapasukan ang bahay ng gagong ‘yon.” Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sariling makagawa ng ingay. “Bulaga!” Pakiramdam ko ay umalis ang aking kaluluwa nang makita ang nakangising mukha ng lalaki sa akin. “Akala mo ba hindi kita nakita kanina?” aniya at ngumisi na parang demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD