Chapter 5

2062 Words
“Touch even the tip of her hair and you’ll see.” Napaangat ako ng tingin at mabilis na lumabas sa ilalim ng kuwarto ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Blue nang hilahin ng lalaki ang buhok ko. “At saan ka pupunta?” ani ng lalaki. Hilam ng luha ang mata ko at nanginginig na napatingin kay Blue. Nakatayo lang siya at blangko ang ekspresiyon ng mukha. “P-Please tulungan mo ako,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Tumawa naman ang lalaking nakahawak sa ‘kin at ramdam ko ang dulo ng kung ano man iyon sa aking tagiliran. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. “Huwag kang lalapit,” sambit ng lalaki nu’ng humakbang si Blue palapit. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya. “Magpapakamatay ka ba?” asik ko kahit na takot na takot na. Kumunot lamang ang noo niya sa akin. “Isa!” sigaw ng lalaki at akmang kakalabitin na ang gatilyo nang sa isang iglap lang ay nasipa na ni Blue ang kamay niya dahilan para tumilapon ang hawak nitong baril. Mabilis na hinila niya ako palayo at basta na lang pinagsusuntok at sipa ang lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay tao. Nakanganga lang ako habang nakatingin kay Blue. Hinila niya pa ang mga paa nito at kahit na sumagi pa sa kanto ng semento ang ulo ay wala siyang pakialam. Sumunod naman ako sa kaniya at nakita ang dalawa pa na kasamahan nitong wala ring malay. Tiningnan naman niya ako at nilapitan. Nagtaka pa ako nang hawakan niya ang mukha ko at braso. “I’m glad I came right on time. Sa susunod, huwag kang uuwi kung wala kang kasama rito. Buti na lang hindi naka-silent mode ang phone ko. Paano kung hindi ko napansin na tumatawag ka? For Pete’s sake what will happen to you?” galit niyang sambit. Tumulo lang ang luha ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot ko. “H-Hindi ko naman alam eh. Malay ko ba,” sagot ko at suminghot. Kita ko naman na biglang lumambot ang ekspresiyon niya at niyakap ako. “Shh, don’t cry. Sa susunod huwag ka munang umuwi rito sa bahay niyo kung walang tao. I already called the police. We’ll make it sure na mabubulok sa kulungan ang mga ‘to. Call your parents para malaman nila kung ano ang nangyari,” aniya pa. Ilang sandali lang naman ay magkasunod na dumating ang mga police at ang mga magulang ko. “Kristine!” Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila at doon na napahagulgol. “Diyos ko!” ani mama at napaiyak na rin. Niyakap ko siya nang mahigpit at ilang minuto rin bago ako kumalma. “Mr. Beltran, gusto kang makausap ng mga police. I already talked to them. Mamaya ay hihingian din ng statement si Lana,” seryosong wika ni Blue. “Mayor, maraming salamat po sa pagligtas sa anak ko. Utang namin sa ‘yo ang buhay niya. Kung hindi dahil sa ‘yo baka kung ano na ang nangyari sa kaniya,” umiiyak na sambit ni mama. Pinunasan ko naman ang mata ko at tiningnan siya. Taos-puso ang pasasalamat ko sa kaniya. Puwede naman niyang balewalain ang tawag ko kanina dahil sino ba ako? Pero sinagot niya at pinuntahan pa rin ako. “M-Maraming salamat po, mayor,” saad ko. Kita ko pa ang pagtikwas ng kilay niya sa akin kaya napakunot-noo ako. “Walang ano man ‘yon, Mrs. Beltran. Mabuti na lang at nakatawag agad itong anak niyo sa ‘kin. Hindi na safe ang bahay niyo lalo na kung wala kayo. Suggestion ko lamang bilang mayor na rin ng lugar. Kung matatagalan kayo sa pag-uwi ay hayaan niyo na lang siya na pumirmi sa bahay kasama si Debbie. May driver naman kami, saka na namin siya ihahatid kapag nakauwi na kayo,” saad niya. Tumango naman si mama. “Maraming salamat sa concern, mayor. Maraming salamat talaga,” ani mama. Ilang sandali pa ay tinawag si mama ni papa. Naiwan naman kaming nakatingin lamang sa kanila sa unahan. Lumayo pa sila kaunti kaya napakunot noo ako. Bakit kailangan pa na lumayo? May hindi ba ako dapat marinig? “Mayor? Really? After all I did to you tatawagin mo pa rin akong mayor?” asik niya sa ‘kin. “Ha? Alangan namang tawagin kita sa buong pangalan mo na nandito si mama,” wika ko. “Why not?” “Mapapagalitan ako. Sasabihin pa niya wala akong respito sa ‘yo. Isa pa, magtataka sila kung bakit tinatawag kita sa pangalan mo,” sagot ko. Nagdikit lamang ang kilay niya. “Is that how you show gratitude towards someone who saved your life earlier?” aniya at halatang gini-guilt trip ako. “Eh ano ba ang gusto mong itawag ko sa ‘yo?” tanong ko. He grinned while looking at me. “Darling,” sagot niya. “Siraulo ka pala eh,” wika ko. Tumawa naman siya. “Bakit? Maganda naman pakinggan ang darling ah,” aniya. Napapantastikuhang tiningnan ko naman siya. “Subukan mo kayang sabihin ‘yan sa harap ng mga magulang ko,” inis kong saad. Tumawa naman siya. “Puwede naman kung gusto mo,” aniya. “Gago ka ba?” saad ko. “Ganda mo eh, nakakagago,” sagot niya. Nawe-weirdo-han ako sa kaniya. Isang sandali hindi ko siya makilala dahil sa lamig ng awra niya, isang sandali naman ay para siyang baliw. Hindi halatang mayor siya sa mga pinagsasabi niya sa akin ngayon. “Ayos ka ah,” asik ko at inirapan siya. “Sabihin mo lang kasi na thank you Blue. Mahirap bang sabihin ‘yon? Off duty na ako ngayon at hanggang alas-kuwatro lang ako sa trabaho. Ba’t mo pa ako tatawaging mayor?” aniya pa. “Pinagti-trip-an mo na naman ako. Puwede ba? Totoong malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo. Hindi ko nga alam kung paao ka pasasalamatan. Huwag ka lang maging weird para okay tayo,” wika ko pa. Seryosong tiningnan niya naman ako. Napalunok ako dahil mas gusto kong ganoon siya kaysa ngayon na sobrang seryoso at iba ang kalamigan sa mukha. “Then, say thank you Blue,” saad niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at hindi ko kayang salubungin ang tingin niyang naghihigop ng kaluluwa. Wala na ang bakas ng kaaningan niya kanina. “T-Thank you, B-Blue. Bahala ka na nga,” sambit ko at tinalikuran na siya. Hindi ko kayang malapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga sa lakas ng tahip ng dibdib ko. “I’m glad that you’ve calmed down now. I’m just messing with you,” aniya at nakangiting nilapitan ako. Ginulo niya pa ang buhok ko. “You have to take care of yourself next time. Hindi natin hawak ang panahon. Mabuti sana kung nasa malapit lang ako,” aniya pa. Napipilan naman ako. “Alis na ako, gabi na. Good night, baby girl,” aniya at kinindatan pa ako bago tumalikod at pinuntahan ang mga magulang ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makaalis na siya. Ilang minuto lang naman ay sumunod na ang mga pulis pagkatapos akong kausapin. Pumasok na kami sa loob ng bahay at kita ko ang matinding pag-aalala ni mama at papa sa akin. “I’m sorry anak, we’re so sorry,” sambit ni mama. “Wala kayong kasalanan Ma, Pa. Talagang nasaktuhan lang na tayo ang puntirya ng mga hayop na ‘yon,” sambit ko. “Buti na lang napuntuhan ka kaagad dito ni, Mayor Blue. Ang laki ng utang na loob natin sa kaniya,” saad ni papa. “Sandali, may number ka ni, Mayor? Sabi niya kasi kanina tumawag ka sa kaniya kaya nagmadali siyang puntahan ka rito sa bahay,” wika ni mama. Hindi naman ako nakasagot kaagad. Naghahanap ako ng irarason. Ayaw ko naman na maghinala ng kung ano ang mga magulang ko sa ‘kin. “N-Nakitawag kasi si Debbie kanina. Saktong ang unang number ang napindot ko kanina. Hindi na rin ako nakapag-isip nang maayos basta na lang akong nagpindot,” paliwanag ko. Alam kong masama ang magsinungaling pero kailangan kong gawin iyon. Ayaw kong maghinala sila sa akin. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa ‘yo, Lana,” sambit ni papa. “Okay na ako Pa, don’t worry,” saad ko. “I told you already, Ramon. Hindi na tayo safe rito. Tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Hindi lang tayo ang pinupuntirya ng mga ‘yon, pati na ang anak natin. Walang kasalanan si Lana,” wika ni mama. “Ano ang ibig niyong sabihin, Ma? May hindi ba ako alam?” usisa ko. Natahimik naman silang dalawa at nagkatinginan. “Sumagot naman po kayo, ano ba ang nangyayari?” giit ko pa. Huminga naman nang malalim si papa at tumabi sa ‘kin. “Binigyan kami ng death threat ng papa mo, anak. Kumalma ka lang, okay? Inaayos na lang namin ang mga papers. Aalis tayo rito. Sigurado akong hindi na nila tayo matutunton kapag umuwi tayo roon sa probinsiya ng lolo at lola mo. Kung saan ako lumaki,” saad ni mama. Kumunot naman ang aking noo sa narinig. “Ha? Ano po ang ibig niyong sabihin? Bakit may death threat?” “Nagalit ang tatlong estudyante na ibinagsak namin ng papa mo. Actually, hindi lang naman kami. Marami kaming mga teachers na bumagsak sa kanila dahil unfair naman kung ipapasa namin sila tapos hindi sila pumapasok. Nagalit, akala namin mase-settle sa Principal’s office kaso nalaman namin na ang isa roon ay anak pala ng kilalang head ng sindikato. Imbis na ma-resolve ay lalo pang lumala. Pagkatapos nu’n ay isa-isa na kaming nakakatanggap ng death threats. Nag-resign na ang isang kasama namin, kaya para makaiwas kailangan nating umalis anak. Ito lang ang paraan namin ng papa mo para maprotektahan ka. Lalo na ngayon, itong nangyari sa ‘yo. Kung wala si mayor paniguradong hindi namin mapapatwad ang sarili namin,” malungkot na sambit ni mama. “H-Hindi ba po may pulis naman? Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa kanila?” “Wala anak, ilang beses na kaming nagreklamo pero hindi naman nila binibigyan ng pansin. Dahil nga siguro takot din na kalabanin ang mga ‘yon,” sagot ni papa. Hindi naman ako makapagsalita. “Sakto rin ‘yon anak, patapos na rin naman ang second-sem,” wika ni mama. Tiningnan ko naman silang dalawa at tinanguhan. “Kung kailangan nating madaliin ang lahat Ma, willing akong mag-stop. Mas importante ang safety natin,” saad ko. Niyakap naman nila ako. “Thank you, anak.” Nakapasok na ako sa loob ng kuwarto nang marinig ang tunog ng dalawang sasakyan sa labas. Napakunot-noo ako at napatingin sa may bintana. Tumunog din ang cellphone ko. “Hello?” “Pinadala ko ang iilang tauhan ko para magbantay sa inyo. Delikado at konektado pala sa malaking sindikato ang mga ‘yon, baka balikan kayo ng ibang kasamahan nila.” I stunned. Is he clearing his bad reputation now for being so kind to me? “Ahm, t-thank you pala,” sambit ko. “Matulog ka na,” aniya at pinatay na ang tawag. Napatingin naman ulit ako sa labas at kausap na ni mama at papa ang lalaking tila head. Humiga na ako at napapikit. Kaagad na bumalik sa balintataw ko ang guwapong mukha ni Blue. “Blue Virgon.” Napangiti ako at pilit na kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit naghehisterikal ang puso ko sa kaniya. Iwinaksi ko siya sa aking isipan subalit lalo lamang akong nabaliw. Pabalik-balik sa utak ko ang mukha niya. “Ano ba?” saway ko sa sarili ko at tinampal ang aking mukha. “Huwag mong sabihing crush mo na siya?” Tumagilid ako at napangiti. “No! Hindi puwede, isipin mo na babaero siya. Isipin mo na baka kaya pinapansin ka lang dahil nacha-challenge siya sa ‘yo dahil bata ka pa,” kumbinsi ko sa sarili ko. Parang may kung anong sakit pa na dumaan sa tagiliran ko sa naisip. “Tama, tama,” wika ko at huminga nang malalim. Ipinikit ko ulit ang mata ko at wala na talaga. Mukhang hindi ako makakatulog kaiisip sa kaniya. “Darling?” Napahawak ako sa mukha ko at impit na napatili. Kinikilig ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD