Chapter 6

1637 Words
“Kumusta ka?” nag-aalalang tanong sa akin ni Debbie nang makababa ng taxi. Nginitian ko naman siya nang tipid. “Okay lang ako, kanina ka pa ba naghintay sa ‘kin?” sagot ko. Kaagad na niyakap naman niya ako. “Kararating ko lang din. I’m glad that you’re safe. I don’t know what to do kung may nangyaring masama sa ‘yo. Next time, hindi na kita hahayaang umuwi kung walang tao sa inyo. Tingnan mo ang nangyari sa ‘yo. Sino ba ang mag-aakala na may masasamang loob doon?” litanya niya. “Sinabihan ka ba ni, Blue sa mga nangyari?” usisa ko. “Of course! He’s fuming mad. But don’t worry, gagawin namin lahat para hindi makalabas ang mga hayop na ‘yon, okay? Kakampi mo ang mayor,” aniya. Tumango naman ako. “Actually, since patapos na rin naman ang first sem, napagdesisyunan namin na umuwi na muna sa probinsiya nina mama. Masiyadong delikado ang buhay namin dito kung hindi kami aalis,” sambit ko. Kita ko naman na natigilan siya at mukhang tutulo pa ang luha. Nauna na siyang maglakad kaya patakbong sumabay ako sa kaniya. “Debbie, umiiyak ka ba?” Huminto siya at nakabusangot na tiningnan ako. “Malayo ‘yon dito. Kaya ko namang pumunta kahit saan pa iyan pero the thought lang na hindi kita makasama araw-araw nalulungkot na ako. Mga bwesit talaga ‘yang mga salot sa lipunan. Sila ang dahilan kaya nangyayari ‘to eh. Mga bwesit sila!” galit niyang saad. Hinawakan ko naman ang kamay niya at nginitian siya nang tipid. “Bibisitahin mo naman ako eh, ‘di ba?” wika ko. “Kahit pa nga isang taon eh,” sagot niya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. “Patapos na next week ang first sem natin ah. Ang bilis naman kung ganoon. Naiiyak na talaga ako. Ang lungkot-lungkot ko na,” reklamo niya at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha niya. “Ano ka ba? Baka akalain ng mga tao inaaway kita,” saway ko sa kaniya at natawa. Ang totoo ay naiiyak na rin ako. Mahirap para sa ‘kin pero wala naman akong magagawa. Mas importante sa ‘kin ang kaligtasan ng mga magulang ko. “Basta, ngayong weekend sa bahay tayo ha,” sambit niya. “Anong meron?” “Siyempre, bonding tayo, ano ka ba?” aniya at nginitian ako. Buong maghapon nga ay talagang kapit-tuko siya sa ‘kin. Minsan tutulala kaya lalo akong nalungkot. Kung sana may ibang paraan kaso wala. Parte talaga ng buhay ang distance. Kaya naman iyon kahit papaano lalo na kung totoo ang pinagsamahan. Wala iyon sa layo. Pagsapit nga ng araw ng sabado ay sinundo niya na ako sa bahay. Nagpaalam na siya sa mga magulang ko at naiintindihan naman nila kaya walang reklamo. Bandang alas-sais na kami bumiyahe pauwi sa kanila. “Saan tayo? Akala ko ba sa bahay niyo tayo?” usisa ko. “Hindi tayo puwede roon. Nandoon ang Kuya ko kasama ang mga bisita niyang mga engot,” sagot niya. Natawa naman ako. Naalala ko nu’ng nadoon kami sa kanila at nag-abot ang landas nila nu’ng best friend ng kuya niya. Talagang walang maayos na pag-uusap at nagtalo lang sila. “N-Nandiyan ba si Blue?” usisa ko. Nilingon naman niya ako at nginitian. Ang ngiti niya ay halatang nanunudyo. “Bakit? Gusto mo invite natin siya sa night swimming natin?” aniya at halatang kinikilig. “H-Hindi no, umayos ka nga Debbie,” saway ko sa kaniya. “Ba’t nagba-blush?” tukso niya. “Ano ba?” Pasimpleng napahawak ako sa mukha ko dahil umiinit iyon. Tawang-tawa naman siya. “Hindi ‘yon, busy ‘yon lalo na palapit na ang fiesta sa lugar natin,” sagot niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Pagdating nga namin ay kaagad na hinila niya ako papunta sa kuwarto niya sa itaas at pinapili sa mga two-piece niya. “Alam kong wala kang ganito sa closet mo kaya pili ka na,” aniya at halatadong excited. “Okay naman ako na mag-swimming kahit naka-pajama,” saad ko. “Ano ka ba? Hindi puwede no. T’saka tayong dalawa lang naman dito. Once in a lifetime lang ‘to. Kailan pa kaya mauulit? Sige na please,” aniya at nagpa-puppy eyes pa talaga. Napailing na lamang ako at napatingin sa kulay puti na two-piece. “G!” aniya. “Ha?” “Bagay ‘yan sa ‘yo, sige na bihis ka na,” aniya at tinulak ako papasok sa banyo. Wala naman akong magawa kung hindi ang magbihis. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin at napahawak sa balikat ko. Hindi ako komportable pero si Debbie lang naman ang kasama ko kaya walang probelma. Paglabas ko nga ay nakabihis na rin siya. “OMG!” napatakip pa siya sa bibig niya habang nakatingin sa akin. Umiiling-iling siya habang nakangiti. “Grabe! Ang ganda mo, Lana girl. Curves on the right places. Ang haba pa ng legs. Ba’t hindi ka nahilig sa ganito eh may tinatago ka pa lang ganda,” wika niya at halata ang mangha sa mga mata. Nakaramdam naman ako ng ilang lalo pa at pakiramdam ko hubo’t-hubad ako. “Slay girl, wear that confidence!” aniya at inayos ang buhok kong nakatabing sa aking mukha. “You’re a goddess,” dagdag pa niya. “Ano ba?” reklamo ko at nahihiyang tinakpan ang boobs ko. “Dapat pala binilhan na kita eh. Laki ng boobsy mo girl. You’re so sexy!” aniya at lumabas na kami. Kita ko pa ang tingin sa amin ng dalawang stay-in na katulong. Nasa fifties na rin sila. “May ipahahanda po ba kayo, Ma’am Deb?” usisa sa kaniya ng isa. “Wala na po, Manang Lory. Don’t worry about us. Nag-order na ako ng food namin. Magpahinga na po kayo,” nakangiting sagot ni Debbie. “Sige po, huwag po kayong magdalawang-isip na puntahan kami sa quarter namin kung may kailangan kayong ipagawa,” sagot naman nito. Ngumiti naman ako sa kanila nu’ng nagpaalam na silang umalis. Dumeritso na kami sa pool area at kaagad na inilusong ang paa niya sa tubig. “Lana, tayo ka nga rito. Kunan kita litrato para may memories naman tayo,” wika niya. Sumunod naman ako at ngumiti sa camera. “Hay! Why so pretty girl?” aniya. Kinalikot niya pa ang cellphone niya at pagkatapos ay lumangoy na kaming dalawa. Hindi naman malamig at may mainit na tubig na dumadaloy. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone niya. “Must be my order,” aniya. “Guess what? I ordered our favorite food. I don’t care about the carbs tonight,” wika niya at excited na umahon. “Need help?” tanong ko. “No, kaya ko na ‘to, relax ka lang diyan,” sagot niya. Tumango naman ako at umahon na muna. Umupo ako sa gilid at malamig pala lalo na ang panaka-nakang simoy ng hangin. Kinuha ko ang aking selpon at nakitang naka-tag pala sa ‘kin ang picture namin kanina ni Debbie. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dami ng reactions at comments. What’s more shocking is Mayor Blue liked my picture. Nakakahiya! Napahawak ako sa noo ko. Napalingon ako nang marinig ang ugong ng sasakyan. Ilang saglit pa ay napansin kong si Mayor iyon. Mabilis na binitiwan ko ang phone ko at lumusong sa tubig. Pumuwesto ako sa pinakagilid na medyo madilim at nahihiya ako. “What a beautiful night, baby girl.” Napalunok ako at pinilit ang sarili na huwag lumingon. Ilang sandali pa ay nasa harap ko na siya. He squatted while looking at me. Hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya. “What do you want?” asik ko. “You really want me to answer that?” aniya na may mapaglarong ngiti. Tumikwas naman ang kilay ko. Heto na naman siya. I rolled my eyes at him at akmang tatalikuran na nang magsalita siya. “Honestly, I want to join you right now. But seeing that flimsy thing you’re wearing, pakiramdam ko tino-torture ko lang ang sarili ko, kaya next time na lang. Kapag puwede na, at kapag gusto mo na talaga,” nakangiting sagot niya. “What?” “I’m having a hard on,” mahinang aniya at nagkibit-balikat pa ang gonggong. I can’t believe this man. He’s so arrogant and blunt. He’s known for being a Casanova with cold personality. Hindi itong laging nang-iinis sa ‘kin. “Bastos!” inis kong saad. “Maginoong guwapo na hindi lang medyo bastos, super bastos pa,” aniya at kinindatan pa ako bago siya tumayo. Natawa naman ako nang pagak. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa inis sa kaniya. “Go to hell!” sigaw ko sa kaniya. “Soon, but you have to experience heaven with me first. It’s compulsory,” seryosong wika niya. Napapikit na lamang ako at lumusong ulit sa tubig para pakalmahin ang sarili ko sa inis na nararamdaman. “Gago.” “Lana! Here’s our food,” sigaw ni Debbie sa hindi kalayuan. Isa pa ‘to, kumuha lang ng order niya ang tagal bumalik. “Ang tagal mo bumalik. Pinagkanulo mo yata ako sa pinsan mong adik,” sambit ko. “Pinsan? OMG! Umuwi si Kuya Asul? Ang sabi niya sa condo niya siya mag-i-stay ngayong gabi dahil may meeting siya bukas nang maaga. Pumunta pa kasi ako ng kuwarto kanina at nakalimutan ko ang robe ko,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. “Wait,” aniya at tiningnan ang kaniyang cellphone. “That brute! kaya naman pala. Hindi yata pinalampas ng lokong iyon na makita ka in person,” nakangiting sambit niya. “Ha?” “Crush ka niya girl, hindi ba halata?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD