Pagsapit nga ng gabi ay napagdesisyunan naming kumain sa tabi ng dagat. Gumawa siya ng bonfire at nag-barbecue na rin. Matiwasay at gusto ko ang paligid. Napakasarap pakinggan ng tunog ng alon. Hindi rin malamig dahil medyo mainit ang hangin kahit gabi na. “Here,” aniya. Tinanggap ko naman ang beer in can at tinungga iyon. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa dagat. Ang laki ng buwan. “The night is so serene,” komento niya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Tumungga ako ulit at tumayo. “Where are you going?” usisa niya. I just smiled at him at at hinubad ang suot kong damit. Kita ko namang nagtaka siya. “The sea is calling me. Kanina ko pa gustong maligo kaso sobrang init naman ng panahon,” wika ko. Tumakbo naman ako papunta sa dagat at kaagad na lumusong. Sobrang sarap ng t

