Nagising ako dahil sa paghilab ng tiyan ko. Ramdam ko na ang gutom at bigat. Iminulat ko ang aking mata at napatingin sa brasong nakayakap sa ‘kin. Mabilis na napalingon ako at tahimik na nagpasalamat nang makitang si Blue iyon. Nakatitig ako sa mukha niya at napangiti nang tipid. Payapa siyang natutulog at sobrang guwapo niya. Bagamat tulog ay may kaistriktuhan pa rin ang kaniyang ekspresiyon. Sinubukan kong hawakan ang mukha niya kaso nagdalawang-isip ako at baka magising siya. Napatingin ako sa kamay niyang nakayakp sa aking tiyan at maingat na hinawi iyon. Tiningnan ko ang katawan ko sa ilalim at wala akong suot ni isang saplot. Maingat na bumangon ako at napamura dahil sa sakit. Parang may kung anong sugat sa ilalim ko na sobrang sakit. Idagdag pa ang likod at balakang ko na nangang

