“Are you alright?”, si Nicholai ng mapansing halos mabitiwan ni Mia ang cellphone nito. “Uhm…yeah! Okey lang ako.”, mabilis nitong kinompos ang sarili pagkatapos ibaba ang CP sa ibabaw ng mesa na tila mainit na bagay na nakakapaso. “Are you sure?”, parang hindi kumbinsidong wika nito dahil hindi tugma ang expression ng mukha ng dalaga sa sinasabi nito. Parang bigla itong natakot na parang maiiyak. Sa halip na sumagot ay tumango lamang at ngumiti si Mia pagkatapos ay hinagilap ang tasa at inilapit sa may bibig na para bang kayang takpan ang pagkabalisa sa mukha nito. “Okey, baka gusto mong sumamang magjogging?”, turan niya dito. Mukhang malabo na ishare nito ang dahilan ng pagkabalisa kaya hayaan na lamang niya ang dalaga sa personal nitong problema. Expected na mag-iisip ito kung sas

