“Hey!”, narinig niyang tawag pansin ni Maureen ngunit hindi niya ito pinansin, bagkus ay diredirecho niyang tinungo ang pinto pabalik sa loob ng VIP room na kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan. Ayaw niya ang ginawa nitong bigla na lamang sumulpot at yumakap sa kanya habang kausap si Mia. Paano na lang kapag naring ito ng dalaga? Isa pa wala silang relasyon ni Maureen dahil una pa lamang ay alam na nitong mayroon na siyang nobya. Kung ano man ang mayroon sa kanila ay hindi dahil may gusto siya dito kundi dahil sa biruan at sulsol ng kanyang mga kaibigan. Paglapit niya sa kinaroroonan ng mga kaibigan ay agad siyang nagpaalam sa mga ito. Gusto na niyang putulin ang ugnayan niya kay Maureen kaya kahit halos kakaumpisa pa lamang nila ay gusto na niyang umuwi. “”Hep! Saan ka pupunta?”, agad

