Bago matulog ni Yvonne ay nagpadala muna siya ng Mensahe ni Jake, upang Tanggapin na niya ang alok nitong Contract marriage. Hindi siya agad nakatulog ng mabilis dahil kailangan niyang mag-isip kong ano ang dapat niyang gawin sa kanyang Ina. Ano ang gagawin niyang Excuses. Masama mang magsinungaling ngunit kailangan niyang gawin, batid niyang hindi talaga papayag ang kanyang Ina sa kanyang gustong gawin. Minu-minuto ay sinilip niya ang kanyang phone upang e check ang kanyang message, Kung nag reply naba si Jake ngunit tila busy ito dahil hindi nabasa nito agad ang kanyang Mensahe.
Lumalim nalang ang gabie ay hindi paren siya makatulog Kaya, napagpasyahan niya'ng puntahan ang kanyang Ina sa silid nito. Dahan dahan lamang ang kanyang hakbang upang hindi magising ang kanyang Ina saka umupo sa upuang kaharap sa hinigaan ng kanyang Ina. Malalim na ang hininga nito'ng nagpahiwatig na mahimbing na ang tulog ng kanyang Ina. Napahilamos siya sa kanyang mukha ng maisip ang planong nasa kanyang utak. "Patawarin mo ako nay, sana maintindihan mong ginawa ko ito dahil sa malaking pagmamahal ko sa inyo, pati narin sa sarili ko, dahil kahit hindi ko man aminin sa inyo na napapagod na ako sa ganitong buhay na meron tayo, ay sa kaloob-looban ko ay subrang pagod na pagod na ako, sanay intindihin mo na meron rin akong ambisyon Para sa ating pamilya at sa aking sarili," pumatak ang luha sa kanyang mata habang mahinang kinausap ang kanyang Ina.
Samantalang si Jake naman ay kalahating gabie ng matapos sa kanyang ginagawa sa loob ng organization. Dahil sa subrang kapaguran ay hindi na niya nagawang tingnan ang kanyang phone at mabilis umuwi sa kanilang mansion. Pagkarating niya sa kanilang mansion ay nanghihina siyang umakyat patungo sa kanyang silid habang inikot-ikot ang kanyang ulo saka balikat at pinalaguto iyon.
Kinabukasan na gising siya sa maingay na tunog ng kanyang phone. Napapikit pa ang kanyang mata sa silaw ng kanyang phone nong tiningnan niya ang caller. Nagtataka niya'ng sinagot ang Isa sa kanyang mga kaibigan na tumawag.
"Hello Calib ang aga mo atang napatawag,?" pagtataka niyang tanong habang nakadapa sa kanyang malambot na kama. "Dude na ambush ang sinakyan nila Dexter at patay lahat except Kay Dexter," sa narinig niyang iyan ay napabalikwas siya ng bangon. "Ano,! Paano nangyareng na ambush Sila,? Teka saang hospital kayo naroon,?" nataranta niya'ng tanong sa kanyang kaibigan. "Kila Drake na hospital," sagot ni Calib sa kanya. "I'm coming kayo munang bahala dyan," wika niya saka patapon na nilapag ang kanyang phone sa kanyang kama at mabilis naglakad papasok sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush.
Samantalang, naka Indian sit si Yvonne habang naka upo sa kanyang kama upang tingnan kong nag reply naba sa kanya si Jake. "Haysss,! Talaga bang hindi niya paren na seen until now, tawagan konalang kaya siya," napanguso niya'ng wika habang deritso lamang nakatitig sa kanyang cellphone. "Tawagan kona nga lang pero, baliw kana Yvonne, anong oras pa ohh baka magagalit yon if you interrupt his sleep, Yvonne naman eh,!" kastigo niya sa kanyang sarili at sa huli ay napagpasyahan nalang niya'ng antayin nalang talaga ang Reply nito sa kanya.
"Yvonne anak,! Wala kabang pasok ngayon,?" pagtatanong ng kanyang Ina habang pinagtulungan nilang ihanda ang kanilang almusal. Dahil pumasok na ang kanyang dalawang kapatid. "Opo nay,"tipid niya'ng sagot."Oh siya mabuti naman upang makapag-pahinga kanarin," wika ng kanyang Ina habang naupo na sa kanyang harapan.
"Nay, meron sana akong sasabihin sa iyo," mahina niya'ng wika sa kanyang Ina habang sumusubo ito ng pagkain. "Ano yan anak,?" pailing nitong tanong sa kanya. "N-ay ka-si, inaalok ako ng boss ko ng kasal pero Con-tract marriage lang naman iyon hindi totoo," nauutal niyang sabi sa kanyang Ina.
"Y-vvone, ahh,! Papatayin moba ako ng maaga," nautal na wika ng kanyang Ina habang nakahawak ito sa kanyang dibdib, dahilan upang magpanicked siya at mabilis na tumakbo papunta sa drawer upang bigyan ng gamot ang kanyang Ina. "Nay naman ito inomin mo muna kumalma ka," halos maiyak niya'ng wika at inalalayan ito'ng makainom ng kanyang gamot.
"Sina-sabi ko sayo Yvonne, umalis kana Dyan sa pinagtata-trabahoan mo, huwag mong Tanggapin ang kalokohang alok na iyan," nahihingal at ma authoridad na wika ng kanyang Ina at mabilis itong tumayo. "Pero nay,!" pagpipilit niya ngunit tiningnan lamang siya nito ng masama. "Huwag mo akong ginagalit Yvonne, mag resign kana Dyan sa tinatrabahoan mo,! Wala ng pero,!" ngayon niya lamang nakita ang kanyang Ina na na galit ng ganyan habang dinuduro siya nito. Dahilan upang sumikip ang kanyang dibdib. "Masusunod po," namumula na ang kanyang ilong at kilay and anytime magsilaglagan na ang kanyang luha Kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang silid.
"Gusto kolang naman bigyan sila na magandang buhay lord, bakit masama ba iyon,? At ngayon sa inakto ni nanay tila ako pa ito'ng merong malaking kasalanang nagawa," pinahid niya ang kanyang luhang bumasa sa kanyang pisngi at tiningnan muli kong nag reply naba si Jake ngunit maslalo lamang siya'ng na inis at mabilis tiningnan ang kanyang message Kong meron bang Unsent, dahil ayaw na niya'ng ipagpatuloy, ngunit laglag ang kanyang balikat at inis na binato amg kanyang phone sa kama. "Nakakainis, so hindi kona pwedeng mabawi ang sinasabi ko sa message lord paano nato,?" napatingala niya'ng tanong.
Naputol ang kanyang pag-da-drama sa loob ng kanyang silid ng biglang umilaw ang kanyang phone habang nag vibrate iyon.
"Wala na Yvonne nabasa na niya, patay talaga ako nito,!" napakagat siya sa kanyang Labi sa inis at sinagot ang tawag. "Miss Yvonne come to my office meron tayong mahalagang pag usapan," seryoso ang boses ni Jake sa kabilang linya at ang tamlay nito. kumunot ang kanyang nuo saka nag punta sa kanyang banyo upang maligo.
Habang si Jake ay napahugot ng isang malalim na hininga bago lumabas mula sa hospital. Dahil sa nangyareng pagkamatay sa pamilya ng kanyang kaibigang si Dexter ay nabulabog ang buong Agassiz dahil nagsimula ng kumilos ang kanilang mga kalaban kaya dapat talaga ay double ingat siya ngayon. "I really need to finish my mission of this company with Yvonne upang makapag fucos na talaga ako sa organization," wika niya at na patingin sa kanyang orasang nasa kanyang pambisig.
->_fast forward
Nang makarating si Yvonne sa company ay agad siyang pumasok sa elevator patungo sa office ni Jake."Yvonne, nandito ka namimiss ka namin girl bakit ba bigla ka nalang nag resign huh,?" nalulungkot na tanong sa isa sa kanyang mga ka office mate ng makasalubong niya ito sa hallway. "Long story ehh," tipid niya'ng sagot at nag patuloy sa kanyang paglalakad. "Ayan kasi bida bida na karma tuloy,!" narinig niyang wika ng kanyang isang office mate. Alam niya'ng siya ang pinaparinggan ng mga ito. Napakuyom ang kanyang kamao tsaka huminga ng malalim at hindi nalang pinansin ang mga ito.
Nakasimangot siyang dumeritso sa office ng kanyang dating boss at agad ng kumatok.
"Siguro kaya siya pumunta dito ulit to begged our boss na Tanggapin ulit siya, what a pathetic girl," mataray na wika ng isang babae na ikinakulo ng kanyang dugo. "May araw rin kayo sa akin," inis niya'ng wika saka pumasok na ng pinapasok siya ni Jake. Nagtataka siya ng makita itong nakasimangot rin na tila bah merong mabigat na pinagdaanan. "Hmm, welcome Miss Yvonne, maupo ka muna," walang kabuhay buhay nitong Sabi sa kanya. Umupo siya sa harap nito at hindi Lang nagsalita dahil inantay niya itong unang magsalita about sa kailangan nito sa kanya.
"Miss Yvonne, masaya akong sa wakas ay Tinanggap mo ang aking alok, next week agad tayo magpakasal ako ng bahala sa lahat, you all have to do is galingang mong magpanggap bilang totoong wife ko, we have to deceive them all especially sa dad ko," puno ng authoridad nitong sabi sa kanya at hindi niya mapigilang malungkot dahil ito ang unang pagkakataon na sinuway niya ang kanyang Ina."Sir actually hindi alam ng nanay ko na tinaggap ko ang alok mo, sinabihan ko kasi siya at nagpa-alam ako ngunit kinagalit lamang niya, meron Lang sana akong e request sayo,"mahina niya'ng usal habang nilalaro ang kanyang daliri.
"Yes miss Yvonne tell me what is that,?" tanong ni Jake sa kanya at bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Nag away kami ng inay, dahil hindi talaga siya papayag na Tanggapin ko ang iyong alok na contract marriage ngunit kailangan ko talagang gawin at suwayin si inay dahil Para naman ito sa kanilang kapakanan ang gagawin ko, inutusan kasi ako ng inay na Mag resign na dito upang lumayo na sa kalukuhang alok na contract marriage, kaya request kolang sana na hindi makarating sa aking pamilya ang contract marriage na ito at pagkatapos ng kasal ay kailangan kong magsinungaling sa kanila na mag abroad ako pero ang totoo dito Lang ako, Para lang hindi na magduda Sila inay at for sure namang pag katapos ng kasal ay kailangan talaga nating magsama sa Isang bahay hindi ba,? "mahaba niya'ng litanya ni Jake habang napatango-tango naman itong nakatitig ng dretso sa kanyang mga mata, siguro ay tiningnan nito Kong nagsisinungaling ba siya about sa kanyang mga pinagsasabi.
"Bakit naman Ayaw ng nanay mo na Tanggapin ang alok Kong contract marriage,?" kunot noong tanong ni Jake sa kanya. "Ayaw kasi ng nanay ko na makapag asawa ako ng Mayaman ganon lang po," sagot niya.
Habang tinitigan ni Jake ang kanyang secretary ay hindi siya combensido sa rason nito. Na we-weirdohan siya sa kanyang secretary at puno ng pagtataka but he have no other choice but to believe on her kasi kailangan narin niya si Yvonne."Okay as you wish Miss Yvonne, wala ng bawian huh, and from now on we have to pretend as girlfriend and boyfriend, you have to be with me sometimes Para ipakilala sa mga kaibigan at Kay dad," wika niya at tumango naman itong nag Iwas ng tingin. Alam niya'ng hindi nagsinungaling si Yvonne dahil nakikita niya ang subrang lungkot sa mga mata nito. Siguro na lungkot ito dahil sinuway niya ang kanyang Ina.
"Sir Jake, maari bang magtanong,?" nahihiya nitong sabi habang nilaro ang mga daliri nito. "Yes what is that,?" tanong niya habang tinitigan ito sa mata. Tumikhim pa ito bago nagsalita. "Hmm, saan ba tayo ikasal, civil wedding Lang bah,?" mahina nitong tanong sa kanya at umiling naman siya. "Sa simbahan tayo ikasal dahil Yan ang gusto ng Dad ko," Dretso niya'ng sagot na ikinabilog ng mata nito. "Wow talaga akala ko civil dahil contract marriage Lang naman," halata sa boses nito ang Excitement, dahil siguro ay maranasan niya'ng ikasal at sa simbahan pa, lihim siyang napangiti dahil kahit papaano ay napasaya niyo ito.
"WA-wala na-man tayong honeymoon no sempre dahil pekeng kasal lamang," nautal nitong sabi na ikinakurba ng kanyang labi upang ipakita ang kanyang manghang ngiti. "Bakit miss Yvonne, gusto mobang mag honeymoon pa tayo,?" nanunuksong wika niya na ikinabalat kamatis ito ng kanyang pisngi. "Ah-ba hindi huh nagtatanong lamang ako," pag alma nito sa kanyang sinasabi kaya napa iling-iling nalang siya. "At dahil kailangan nating magpanggap na kasintahan ay dapat sweet ka sa akin at ako sayo pag nasa harap tayo ng aking mga kaibigan, at kailangan meron tayong endearment," seryosong wika niya at napanguso lamang itong tumango.
"Kapag kasama natin ang mga kaibigan ko ay tawagin mo akong Love, at ganon rin ako," wika niya at halata sa mukha nito ang kilig ngunit pinigilan lamang ni Yvonne. "Badoy naman," pag-angal nito sa kanya at napaisip naman siya. "Cge ikaw bahala ano ba dapat,?" nailing niya'ng tanong at umakto naman itong nag-iisip. "Hmm cge na ngalang, wala rin akong maisip ehh," nahiyang wika nito na ikinangiti niya.
"Cge umuwi kalang sa inyo tapos tawagan Lang kita Kapag kailangan kita, at mag relax kalang ako ng bahala sa lahat maybe the next other day punta tayo sa boutique upang isukat mo ang wedding dress mo," seryosong wika niya Kay Yvonne. "Isukat ano hindi Pwede sir,! Hindi moba alam na bawal isukat ang wedding gown dahil merong tendincy na hindi matutuloy ang kasal nako Ayaw ko baka ako pa ang mapahamak sa ating dalawa," nababahala nitong wika sa kanya. "Sus, mga Hersays, hindi totoo yan," pag disagree niya sa pinagsasabi ni Yvonne. "Basta sir Ayaw Kong isukat period,!" mataray nitong sabi sa kanya.
"Okay fine ikaw ang masusunod," sumuko nalang siya dahil Ayaw na niyang makipa argue Kay Yvonne.
Pagkatapos nilang mag usap ay umalis na si Yvonne sa kanyang office habang siya ay nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
#IPAGPATULOY