Kinabukasan ay maagang gumising si Yvonne upang e check ang kanyang email ngunit ganon na lamang ang pagkalaglag ng kanyang balikat ng wala manlang ni Isa ang nag message sa kanya.
"Off,! Nakakainis naman bakit hindi sila nag-reply ano bang problema okay naman ang pagka-gawa ko sa Resume ko,!" inis niyang wika at na patingin sa wall clock.
Napagdecisyonan niyang maligo upang umalis ng maaga. Kailangan niyang makahanap ng trabaho agad.
Mabilis lamang ang kanyang pagligo at nagbihis na kaagad. Nag suot lamang siya ng isang simple na blouse saka pinarisan niya ng highways na jeans.
"Good morning ate ang aga mo ata ngayon,?" tanong ni Yvien ang kanyang kapatid na babae habang naghahanda ito ng kanilang breakfast.
"Oo, Yvien kasi hindi ba nag under time ako kahapun Kaya for sure talaga marami akong trabahoin ngayon," pag sinungaling niya sa kanyang kapatid. "Ate pasinsya kana huh alam Kong pagod na pagod ka na dahil sa pagpa- aral sa amin, Pwede naman kaming mag part-time work ehh," malungkot na wika ng kanyang kapatid.
"Off, ang aga aga nagda-drama ang bunso namin, ano kaba mag fucos lang kayo sa pag aaral alam Kong hindi madali ang college life," wika niya habang hinaplos ang buhok ng kanyang kapatid.
"Tawagin muna si Yvan, hindi paba tapos iyon,?" tanong niya at nagkibit balikat lamang ang kanyang kapatid. Umupo na siya sa upuan upang kumain muna bago simulan ang kanyang mission ma makahanap ng trabaho.
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang pumunta sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang gamit. Samantala ang kanyang dalawang kapatid naman ay naghahanda na para pumasok. Pinauna lang niya ang mga ito.
"Bye ate Goodluck sa work mo,!" paalam nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. "Kayo rin, mag aral ng mabuti,?" wika niya at tumango lamang ang mga ito bago lumabas ng kanilang bahay.
Pinuntahan muna niya ang kanyang Ina upang mag paalam na dito bago lumabas sa kanilang bahay, ngunit natigilan siya ng tumunog ang kanyang Cellphone.
Napakunot ang kanyang nuo ng tumambad sa kanya ang pangalan ng kanyang boss. Ayaw niya sana itong sagutin ngunit baka importe kaya bumuga muna siya ng hangin bago ito sinagot.
"Hello anong kailangan mo,?" malamig ang kanyang boses at narinig niya itong tumikhim. "Hmm, pumunta ka dito sa office, maghintay ako," seryosong sabi ni Jake sa kabilang linya na ikinapagtataka niya.
"Para saan pa, sir,?" diin ang salitang pagkasabi niya sa word na sir. "Meron akong mahalagang sasabihin," wika nito na ikinataas ng kanyang kilay. "At kung hindi ako pupunta Dyan,?" mapanghamon niyang sabi sa kanyang dating boss.
"It's your lose miss Yvonne,!" tipid nitong sabi na nagbigay sa kanya ng curiosity.
Pinatay na nito ang tawag at huminto muna siya upang mag-isip isip pero sa huli ay she made a decision na puntahan ang kanyang dating boss.
Dahil wala namang mawawala sa kanya kung makinig siya kung anong sasabihin nito. Since wala naman siyang na received na message Para sa interview sa kanyang inapplyan kaya dumeritso siya sa company.
Pagkarating niya ay humugot siya ng isang malalim na hininga bago kumatok sa office ng kanyang boss. "Pasok,!" narinig niyang wika nito mula sa loob at inayos niya muna ang kanyang sarili bago tinulak ang pinto upang makapasok sa loob.
"Good morning miss Yvonne masaya akong nakita ka," tiningnan niya lamang ang kanyang dating boss sa nagtatanong na expression.
"Kamuxta, miss Yvonne,?" tanong nito na ikinairap niya. Actually gusto ng kanyang utak na magpakabait at maki-usap ni Jake upang bigyan siya ng second chance at hindi paalisin ngunit hindi niya kayang lunukin ang kanyang pride.
"Nandito ako Para makinig sa iyong sasabihin sir Jake," wika niya sa malamig na boses at napatango tango naman itong tumingin sa kanya. "Okay, I have an offer for you miss Yvonne na ikakabuti ng iyong pamilya at sayo," pagsisimula nito, ngunit tinaasan lamang niya ito ng kilay. "Anong offer,?" tanong niya at tumikhim pa ito bago magsalita.
"Will you be my Fake wife,?" nakakatitig ito ng deritso sa kanyang mata habang tinatanong iyan sa kanya. Nasamid siya sa kanyang laway at hindi makapaniwalang tumingin sa kanyang dating boss.
"Anong sabi mo sir,?" tanong niya ulit dahil hindi nag sink in agad sa kanyang utak. "Will you be my fake wife, Kung tatanggapin mo ang alok ko ikaw na ata ang pinaka swerteng babae," nakangiting wika nito a kanya. At hindi siya agad nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito.
"Kahapon lang tinanggal mo ako sa trabaho dahil sa ginawa ko at ngayon, inalok mo ako ng fake marriage really sir, hindi kita maintindihan, ano ba talagang gusto mong mangyari,?" nalilito niyang tanong at tumayo ito mula sa pagka upo.
"Anyway about Kahapon miss Yvonne pasinsya kana nadala Lang ako sa emotion ko but hindi ko maitanggi na you did a great job, magaling ka sa negosyo at kailangan kita, Kung tatanggapin mo ang contract marriage proposal ko, hindi ka mawawalan ng trabaho at maging CEO ka sa companyang ito," wika nito na maslalong nagpalito sa kanyang utak.
"At bakit naman saan ka pupunta,?" tanong niya at nagkibit balikat lang si Jake. "Let's just say, meron akong mahalagang gagawin Kaya kailangan ko ang isang tulad mong mamahala sa companyang ito, your capable of this job," wika nito sa kanya.
"Teka Lang sir Huh, masyadong mabilis ang pangyayare, hindi ko matatanggap ang alok mo pasinsya," pagtatanggi niya dito at tumango lamang ito. "Just call me if handa kanang Tanggapin ang alok na ito miss Yvonne, alam kong matalino kang babae," wika nito at bumuntong hininga lamang siya.
"Pwede naba akong umalis sir,?" tanong niya at iminuwestra lamang nito ang kanyang kamay.
Pagkalabas niya ay huminga siya ng malalim, dahil hindi siya makapaniwalang Inalok siya ng kanyang boss ng pekeng kasal. "Ano ba hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa talaga niyang alukin ako ng pekeng kasal, at saan naman siya pupunta,?" nalilito niyang tanong sa kanyang sarili.
"Oyy baka naman he secretly like you Yvonne,!" tinampal niya ang kanyang ulo sa kalukuhang sigaw ng kanyang utak.
"Baliw kaba,! si Jake Sebastian magkagusto sayo nasisiraan kanaba,?" kastigo niya sa kanyang utak, at mabilis ng bumalik sa kanilang bahay, dahil wala naman siyang idea Kong saan siya pupunta upang maghanap ng bagong trabaho.
Napabuntong hininga si Jake habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Kailangan talagang Tanggapin ni Yvonne ang kanyang alok Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan upang mahirapan itong makahanap ng bagong trabaho.
Pinaimbestigahan niya ang kanyang secretary at marami siyang nalaman tungkol dito. Kung kailangan niyang ipitin si Yvonne financially ay gagawin niya mapa oo lamang ito sa kanyang alok.
Dahil Ayaw niyang dumating sa point na Yong ama niya ang mag decision sa kapakanan ng kanyang companya. Ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kanyang pinaghirapan na companya.
Samantalang marami na ang naghihintay sa kanyang applicante Para sa interview. Pagka tapos niyang permahan ang mga kailangan ng approval sign niya ay pumunta siya sa conference room upang puntahan ang mga nag apply ng bagong secretary.
Na interview niya ang lahat ngunit walang pumasa sa kanya kahit Isa sa kanila. Kaya bumalik siya kaagad sa kanyang office at tinapos ang kailangan gawin dahil kailangan niyang mag report sa Agassiz dahil marami rin siyang kailangan asikasuhin Doon.
Papasok na Sana siya sa kanyang kotse ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Bakit Lexton,?" matamlay niyang sagot sa kanyang pinsan. "Cous, nasabi sa akin ni Uncle, pwedeng Pwede talaga ako alam mo namang hindi sa pagmamayabang pero magaling rin ako pagdating sa pagpatakbo ng company,!" mayabang nitong sabi sa kanya.
"Ede magtayo ka ng sarili mong companya saka huwag munang isipin ang sinasabi ni dad sayo dahil Ayaw kong ipaubaya ang company ko sa taong katulad mo,!" inis niyang wika saka agad Pinatay ang tawag.
Hindi talaga siya malapit sa nag iisa niyang pinsan, dahil bukod sa pasaway ito masyado pang mahangin at hindi nag iisip ng tama.
Agad niyang pinaharorot ang kanyang kotse patungo sa organization.
Naabutan niya ang kanyang mga kaibigan sa loob at nag uusap ang mga ito.
"Pre, hindi ata maganda ang mood mo,?" tanong ni Drake sa kanya. "Pagod lang, kayo kamuxta kayo dito,?" tanong niya sa kanyang mga kaibigan.
"Heto nagsisimula na sa pagiging Agassiz," sagot ni Calib sa kanya. "So kamuxta naman ang mga Armas natin,?" tanong niya kay Calib. "So far so good, pinag aralan kona at kinilala ang lahat ng mga cliente," sagot ni Calib at tumango lamang siya.
"Mabuti naman eh Ikaw Pre tuloy ba ang pag vacation ni tito at ng pamangkin mo,?" baling niya Kay Dexter. "Oo Pre, nalulungkot nga ako, maiwan ako sa mansion mag Isa.
ehh napag decisyonan ni Dad na doon siya mag retire sa Ankara," wika nito sa kanya.
"Mabuti narin yon, oh cge sa office muna ako," paalam niya at naglakad na papasok sa kanyang opisina.
Samantalang si Yvonne ay nakaupo lamang sa loob ng kanilang bahay habang nag iisip Kong ano ba talaga ang dapat niyang gawin.
Siguro napansin iyon ng kanyang nanay Kaya lumapit ito sa kanya.
"Anak may problema kaba,?" nag-alalang tanong ng kanyang Ina, at ngumiti lamang siya ng tipid.
"Wala nay, naisip kolang ang trabaho ko," pagsinungaling niya at hinawakan naman ng kanyang Ina ang kanyang kamay at pinisil iyon.
"Nay, Kung mag asawa Kaya ako ng mayaman papayag kaba,?" hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mag tanong sa kanya Ina. Kumunot lamang ang nuo ng kanyang Ina at agad itong umiling.
"Kung Ayaw mo akong mamatay ng maaga Yvonne, huwag mo ng itanong ulit Yan, teka ano bang pinagsasabi mo huh, wala ka pangang pinapakilala sa amin dito," Wika ng kanyang Ina.
"Pero nay bakit Ayaw mong mag asawa ako ng mayaman, hindi kapa non makaahon tayo sa hirap," wika niya at bumuntong hininga lamang ang kanyang Ina.
"Malapit ng makatapos ang dalawa mong kapatid Yvonne at ako mamatay, pagod kanaba talaga sa amin huh,?" agad niyang hinawakan ang pisngi ng kanyang nanay sa pinagsasabi nito.
"Nay naman bakit ganyan ang pinag-sasabi mo, kahit kailan hindi ako mapapagod sa inyo, tandaan mo iyan," wika niya at hindi na lamang nagsalita.
Ayaw niyang mas sumama pa ang loob ng kanyang Ina. "Basta Yvonne hindi ako papayag na mag asawa ka ng mayaman, tingnan mo nga ang nangyare sa atin, nagiging ganito tayo dahil sa mayamang lalaki," pabitin na namang Sabi ng kanyang Ina at nagtataka na talaga siya. Lumaki sila ng kanyang mga kapatid na hindi nakikilala ang kanilang ama. Dahil Isa lamang silang anak sa labas.
"Nay kahit kailan ba hindi tayo hinanap ng tatay namin,?" tanong niya sa kanyang Ina na ikinalungkot ng mukha nito. "Hindi,! Mas pinili niya ang kanyang nag iisang anak," sagot ng kanyang Ina na ikinalungkot niya.
Kahit inabandona sila ng kanilang ama ay never naturo sa kanilang Ina na magtanim ng sama ng loob sa kanilang ama, dahil kahit ano ang mangyari hindi paren maalis ang katotohanan ama nila iyon. Matagal na niyang gustong hanapin ang kanyang ama dahil Sabi ng kanyang Ina ay Isa daw itong mayaman.
Ngunit Ayaw niyang saktan ang kanyang Ina Kaya kinalimutan nalang niya ang kanyang balak at nag trabahong maigi to provide them lalo na ang pang college ng kanyang dalawang kapatid.
Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo ng tumunog ang kanilang doorbell.
Agad niyang binuksan at tumambad sa kanya ang landlady ng kanilang ne rentahang bahay.
"Aling Desary, Pwede bang hindi muna ako makabayad ngayon buwan, promise talaga sa susunod na buwan bayaran ko ng buo," wika niya sa landlady ngunit umismid lamang ito.
"Abah hindi Pwede, ngayon ang deadline Kaya kailangan niyong magbayad," mataray nitong wika sa kanya, Kaya pumasok nalang siya sa loob at binayaran ang renta na kanilang bahay.
"Salamat," wika nito at umalis na, napasandal siya sa kanilang pinto ng maisip na exam na ng kapatid niya next week at kailangan niya ng extra pera upang makabayad ito Para maka take Sila ng kanilang exam.
Kunti nalang ang naiwan niyang pera na budget na niya ito sa kanilang groceries at maintenance ng kanyang nanay. Kong nasa companya Sana siya ngayon at hindi nawalan ng trabaho, hindi Sana siya nag problema sa kanyang bayarin sa skwela ng kanyang dalawang kapatid dahil anytime Pwede man siyang maka CA sa kanyang boss.
Maslalo lamang niyang naisip na kailangan niyang Tanggapin ang alok ng kanyang boss
Dahil kapag Tinanggap niya ito. Hindi na siya maghihirap sa pag budget ng kanyang pera, Dahil bukod sa makakabalik siya sa companyang pinag-tatrabahoan niya panigurado pang tataas ang kanyang sahod dahil maging CEO naman siya sa Companya.
"Patawad inay, ngunit sa klaseng buhay na meron tayo ay kailangan kong maging practical, bahala na si Lord Kong anong kahihinatnan sa decision Kong ito, basta ang alam ko gagawin ko ito Para sa ikakabuti ng mahal ko," wika niya sa kanyang sarili at agad kinuha ang kanyang cellphone.
# **IPAGPATULOY! **