bc

Second Chance

book_age18+
126
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love after marriage
second chance
arranged marriage
single mother
sweet
serious
first love
rejected
wife
like
intro-logo
Blurb

Ginawa ni Raine ang lahat para mapansin lang ni Alex na parang allergic naman sa kanya. Kahit napaka sungit nito pagdating sa kanya, keri lang at go pa rin sya. Naipangako kasi nya sa sarili na ito na ang magiging first and last boyfriend nya at magiging asawa nya in the near future. Kaya kahit tinatablan din sya ng hiya sa harap nito at nasasaktan tuwing nire-reject at malalamang may iba itong dini-date, go lang. Malakas naman sya sa mga backer nya-- ang pamilya nito na botong boto sa kanya.

Pero sabi nga, lahat ng tao ay napapagod din. Paano pa nga ba nya naman ipaglalaban pa ang nararamdaman nya para sa binata kung alam nyang masaya na ito sa piling ng totoo nitong mahal? Wala na finish line na. Give up na sya at may nanalo na.

Kung kailan tanggap na nya, ano't nagising na lang sya kina umagahan na katabi ito sa kama at tanging kumot lang ang nakatakip sa mga katawan nila?!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
This is a work of fiction. Names, characters, businesses and places are purely coincidental. Some events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or death or actual events are purely coincidental. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission. PLAGIARISM IS A CRIME!!! Warning: Some scenes are prohibited and not suitable for very young readers. Read at your own risk. ____________________________________________________________________ PROLOGUE " No Raine! You're not going anywhere!" Mataas ang boses ni Theon habang yakap ang maleta ko. Pinipigilan nya ako sa pag-eempake. Kanina bawat damit na ilabas ko sa closet ay muli nyang ibinabalik at ngayon ang maleta ko naman ang pinagdidiskitahan. Buti na lang at tapos ko nang ayusin yung sa mga bata. " Theon please, 'wag kang oa. hinaan mo'ng boses mo't baka marinig ka ng mga bata isipin pang nag-aaway tayo." mahina pero nandidilat na saway ko sa kanya. " Bakit nyo pa kasi kailangang bumalik ng Pilipinas " anito namang nakasimangot pero binaba na ang maleta ko at umupo sa kama kung saan ako nag-aayos ng mga gamit. " okay naman na ang business natin dito. Maganda ang environment para sa mga bata. Mas masarap tumira dito compared mo sa Pinas. " " Kailangan ba talaga paulit-ulit ako'ng mag-explain?" taas kilay kong tanong. "Tsaka hindi naman kami gaanong magtatagal don. " Napaka oa talaga ng lalaking ito minsan. Sinabi ko na nga ang dahilan kung bakit ako uuwi ng Pilipinas papaulit na naman. Kahit man ako ay mas gusto ko na din dito manirahan. Pero may mga kailangan pa din ako'ng ayusin sa Pilipinas. Hindi ko din naman pwedeng iwanan dito ang mga anak ko dahil hindi ko din alam kung gano katagal akong maglalagi doon. " Tss. " anitong parang bata sabay talukbong ng kumot." 'wag mo 'kong kakausapin nakakatampo ka." Di ko mapigilang di matawa sa inaasal nito. Sinusumpong na naman ng pagka sintu-sinto. Tinalo pa ang mga anak ko sa pagka isip-bata. Kunyari pa galit pero alam ko namang mami-miss nya lang kami. Four years na kaming magkaibigan ni Theon. Half Pinoy Half British ang binata. Sya ang naging sandalan ko nung time na down na down ako. Nagkakilala kami sa airport nung mahimatay ako. Umalis kasi ako ng Pilipinas na hindi ko alam na buntis na pala ako non. Pero siguro mas okay na din na hindi ko agad nalaman dahil baka kung ano na namang kagagahan ang nagawa ko nung mga panahon na yun. At least ngayon alam ko na maganda ang naging resulta ng mga desisyon ko sa buhay. Nagpunta ako dto sa London para magsimula ng bagong buhay. Nung una akala ko madali dahil may mga properties naman na naiwan si Dad sakin dito, pero napakahirap pala dahil mag-isa lang ako at may dalawang buhay pa sa loob ng sinapupunan ko. Naging maselan pa ang pagbubuntis ko at kamuntikan ng mawala ang mga babies ko. Mabuti na lang at palaging nasa tabi ko si Theon na kahit palagi ako'ng binubwisit at palagi ko ding nabubugbog ng dahil sa inis ay parang naka glue na sa buhay naming mag-iina. Nakuha na nga nitong magkampo dito sa bahay namin kahit may sarili naman itong bahay na walking distance lang ang layo mula dito sa'min. Ilang sandali pa'y lumabas din ang luko-loko sa pagkakatalukbong ng kumot at mataman akong tinitigan. " Oh, ba't ganyan ka makatingin? " ani ko ng 'di ko na matiis ang paninitig nya. " Masama ba'ng titigan ang napaka gandang babaeng nasa harapan ko?" anitong may pakindat kindat pang nalalaman. " Sapak gusto mo?" inambaan ko pa sya ng kamao ko na ikinatawa lang ng gago. " Kahit kailan talaga di umuubra sayo ang mga pagpapa cute ko.. " anitong nakanguso. " Kasi nga hindi ka naman cute " pang-aasar ko din. " I know!" anito naman " because I'm handsome." at sinabayan pa ng papogi pose. " Conceited! " maya maya'y sumeryoso na ito. " Why do I have this feeling na kapag umuwi kayo ng Pinas," isang buntong hinga muna ang pinawalan nito. "... iiwan nyo na 'ko. Kayo ng mga bata." Napatigil ako sandali sa ginagawa ko para lingunin si Theon. Tama nga ako na magd-drama na naman ito." At saan mo naman nakuha 'yang ganyang idea?" " Pakiramdam ko nga lang, diba? " sabay kibit balikat. " Saka syempre, 'andoon ang totoong ama ng mga bata. Pa'no kapag nagkita kayo at nalaman nya'ng may anak sya sayo? At hindi lang isa ha, kambal pa! Eh di---" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mapansin kung gaano na kasama ang tinging ipinupukol ko sa kanya. " Never mangyayari yang sinasabi mo, okay! Hindi ko hahayaang magkita sila ng mga anak ko. Sukdulan din ang galit sakin no'n kaya sigurado ako'ng ni sulyap, di yun mag aaksayang tapunan ako. Wala ding chance na malaman nya ang tungkol sa mga anak ko!" gigil na sabi ko. " Wow, talagang mga anak mo lang ha?'" pang-aasar ni Theon. Balik na naman sa pagiging abnormal. " Ikaw lang talaga gumawa sa mga bata, ateng? " Isang nakamamatay na irap lang ang sagot ko dito. " Kung pumapayag ka na ba kasi sa suggestion ni Mama na magpakasal tayo, di sana apelyido ko na ang ginagamit nyo ng mga bata. Hindi ka na mag iisip na baka may kumuha pa sa kambal." Tinitigan ko si Theon. Seryoso naman ang mukha nito at hindi ako sanay na ganito sya. Mas gusto ko yung may pagka luko-lokong Theon na kilala ko. Don ako nasanay. Tungkol naman sa kasal na sinasabi nya, matagal na nga kaming ipinagtutulakan ng mama nya para magpakasal. Buntis pa lang ata ako no'n palagi ng bukambibig iyon ng pamilya nya na tinatawanan lang namin ni Theon. " A-are you proposing? " kunot noo kong tanong. " Nagpa-practice lang." nakangising anito. Langya nag stutter pa ako practice lang pala. Gago talaga! Sa inis ko'y ibinato ko sa kanya ang hawak ko'ng hanger na agad nya namang nailagan habang tatawa tawa pa. " Lumayas ka na nga dito sa kwarto ko, istorbo ka! " sabi ko habang hila hila si Theon sa kwelyo para palabasin ng kwarto. " Eto talaga laging high blood sa'kin. " " Tse! " " Papa, Mommy are you fighting po?" namimilog ang mga matang bungad sa amin ng tatlong taong gulang kong anak na si Dreena pagkabukas ko ng pinto. Nabitawan ko tuloy si Theon. Nasa likod nito ang kakambal na si Nix na tahimik at nakamasid lang. Unang tingin pa lang sa mga anak ko mukha na ng ama nila ang nakikita ko. Unfair dahil ako ang nagdala sa kanila ng siyam na buwan sa aking sinapupunan at naghirap na maipanganak sila tapos kamukha sila ng ama nila, lalo na ang panganay kong si Nix na carbon copy talaga ng ama. " No baby, Mommy and I were just playing charade." si Theon na bahagyang yumuko para guluhin ang buhok ng dalawa. "Oh, okay…" maarteng tugon ng bunso ko. " Mom, we want to eat ice cream but Ate Sabel said we have to ask you first." si Nix at naglalambing na yumakap sa baywang ko. Napaka masunurin talaga ng mga anak ko. Binilin ko kasi sa kanila na magpapa alam muna kapag gusto nilang kumain ng ice cream lalo kapag gabi na at wag basta kukuha lang sa fridge. Iniiwasan ko kasing magkasakit sila. Kahit simpleng ubo lang kasi ay napapraning na ako non. Napapangiting niyakap ko din si Nix. Three years old pa lang ang mga ito pero matatas ng magsalita. " Can I eat ice cream too, Mom? " ani naman ni Dreena na karga karga na ni Theon." " Sure baby " pagpayag ko. " tell Ate Sabel to give you and Kuya ice cream. " " Yey! " nag-unahan na ang dalawa papunta sa kitchen. " Kids wait for Papa. I want to eat ice cream too." si Theon na nakipaghabulan na sa dalawa at rinig na rinig ko ang paghaharutan ng tatlo. Isa sa ugali ni Theon ang pagiging isip bata nito kaya naman gustong gusto ito ng mga anak ko. __________________________________ Naluluhang niyakap ako ni Mama Shiela. Sya kasi ang naghatid sa'min sa airport dahil hindi talaga kami hinatid ni Theon. Nang magising ako kaninang madaling araw wala na si Theon sa bahay. Si Mama Shiela ang Mama ni Theon na tumatayong ina inahan ko na din dito sa London. Isa iyon sa mga ipinagpapasalamat ko dahil kahit malayo ako sa pamilya ko, may mga mabubuting tao pa ring nakapaligid sa'kin na laging nakasuporta lalo na sa mga anak ko. " Take care of your self at wag kang magpapalipas ng pagkain mo, ha?" bilin pa nito. Kabisado na din kasi ni Mama Shiela ang ugali ko na kapag masyado na akong busy sa ginagawa ko palagi akong nalilipasan ng pagkain. Ang ending si Theon palagi ang napapagalitan nito. " Opo, Ma." pilit na ngiti ko kahit medyo naluluha din ako. Kayo din po mag-ingat po kau palagi. Ang mga bata naman ang binalingan nito at mahigpit na niyakap. " Ang mga apo ko" anitong umiiyak na. " Tawagan nyo palagi si Mamita, ha? Sobrang mamimiss ko kayong dalawa." " Promise po Mamita. Don't cry po because you make us cry, too." si Dreena na cute na nagpupunas ng luha sa pisngi. " We will miss you too, Mita. We'll call you often po so you won't be sad." ani naman ni Nix na parang matanda na kung magsalita. Hinawakan pa sa balikat si mama. " How about me? I need hug, too." napalingon kaming lahat sa nagsalita. "Papa!" Si Theon pala! Patakbong lumapit dito ang kambal. Ang gwapo din talaga ng loko kaya naman nililingon ito ng mga dumadaan. Nakasuot ito ng ray ban. Malamang namumula ang mga mata nito. Di rin nakatiis na di kami ihatid. Agad na kinarga nito ang dalawa na parang wala lang dito ang bigat ng mga anak ko. Naglakad na ito palapit sa'min ni Mama. " Pupunta ka rin pala dito pinag commute mo pa kami. Kanina ka pa hinahanap ng mga bata!" panimulang sermon ni Mama Shiela dito. Pigil ko naman ang matawa sa pag ngiwi ni Theon. Buti nga sa kanya! Nang ibaba na nito ang dalawa ako naman ang hinarap nito. Kinuha naman muna ni Mama ang mga bata para daw makapag-usap kami ng anak nya. Baka daw magbago pa isip ko at di na kami tumuloy sa pag-uwi. " So tuloy na tuloy na talaga kayo?" tango lang ang sagot ko. Nabigla ako ng wlang ano ano'y yumakap sya sa'kin ng mahigpit. First time to kaya di ko alam kung pa'no magre-react. "Hey! are you crying?" pabiro kong tanong. Narinig ko kasi ang pag singhot nya na parang umiiyak. Hinawakan ko sya sa balikat para sana tingnan ang mukha nya. Pero mas humigpit lang ang yakap nya sa'kin. " Just let me, please?" napabuntong hinga na lang ako at bahagyang hinagod ang likod nya. " Don't forget to call me when you're not busy, okay?" Tumango lang ako. " I will miss you Raine." napangiti ako. " We will miss you, too." ani ko. Totoo namang mami miss ko si Theon. Nang bumitaw ito sa pagyakap ay hinawakan naman nito ang dalawa kong kamay. " Basta kahit anong mangyari kapag may problema ka, tawag ka lang sakin, ha? " anitong seryosong seryosong nakatingin sa mga mata ko. "Bakit pupuntahan mo ba kami?" pagbibiro ko pa sa kanya. Ayaw na ayaw kasi ni Theon bumalik ng Pilipinas. " I' m serious Raine." anitong mukhang naiinis at seryoso talaga. "Kahit sobrang busy ako pupuntahan kita, okay?" Tango na lang ang naisagot ko dahil naririnig ko na na tinatawag na ang mga passengers ng erplanong sasakyan namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook