Third Person (POV)
MAG-ISANG nagpunta ng bar si Lorraine. Hindi naman nya ugali ang uminom or ang magwala tuwing may pinoproblema sya. Sadyang gusto lang din nyang ma-relax ng kaunti ang isipan nya dahil sa mga iniisip nyang problema.
Second time na nyang magpunta dito. Nung last time ay kasama nya sina Jen at Gwen. Kinulit kasi sya ng dalawa para daw mag-celebrate dahil sa wakas daw ay nagising na sya sa kahibangan nya, which is hindi rin naman nangyari dahil kinabukasan ay nalaman nyang nag break sina Alex at Trina. Kaya ayon, balik sya sa pagsintang porurot kay Alex.
Nainis tuloy ang dalawa sa kanya. Sinayang lang daw nya ang pagpapakalasing nila nung gabi. Natatawa pa nga sya kapag naaalala ang mga kabaliwan nila sa bar na ito. Buti na lang at malapit ang condo ni Jen dito kaya hindi sila nahirapang umuwi.
Kinabukasan ay halos isumpa nya ang pagpunta ng bar. Napakasakit kasi ng ulo nya. Sa kanilang tatlo, sya ang mababa ang alcohol tolerance kaya sobra ang pagkalasing nya kahit kaunti lng ang nainom nila.
Medyo gumaan lang ata ang pakiramdam nya ng malaman ang good news na paghihiwalay ng dalawa.
Mula noon ay parang palagi na itong may PMS. Lalo kapag nakikita sya nito, palaging iritado. Hindi nya iniinda ang mga pambabale wala nito sa kanya dahil sobrang mahal nya ang binata. Kaso lang nung huli sila nitong magkita ay parang bigla syang natauhan. Sobra syang nasaktan sa mga sinabi nito sa kanya, kaya naman hanggang ngayon ay iniiwasan nyang magkita sila nito kahit na ang totoo ay namimis na nya ang binata.
Two weeks na din nung huli silang magkita nito. Hindi pa man nya nasasabi dito na gusto nya ito ay nasupalpal na agad sya. Worse dahil napahiya sya sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga empleyado nito.
Maging sa kanyang condo ay iniiwasan nya muna ding umuwi dahil magkatabi lang ang unit nya at ang kay Alex. Sinadya nyang bilhin iyon noon ng palihim para lalong mapalapit sa binata kaso nga lang nang malaman nito iyon ay lalo lang itong nagalit sa kanya at tinawag pa s'ya nitong stalker.
Sa loob ng bar, pumwesto sya sa medyo madilim na sulok. Hindi naman sya natatakot na magpunta dito kahit mag-isa lang sya dahil alam nyang safe ang lugar at isa pa ay kilala naman nya ang may-ari ng bar na ito at alam nyang madami ang nagbabantay para sa seguridad ng mga parokyano dito.
Pakiramdam nya ay ang lungkot lungkot nya ngayon dahil mag-isa lang sya. Wala ang kaibigan nya dahil umuwi ito ng probinsya.
Si Gwen naman ay nasa Japan ngayon. May business trip kasi si Papa Jaime at isinama na nito sina Gwen at ang mommy nila para magbakasyon. Pinipilit nga din syang isama ng mga ito, sya lang ang may ayaw. Wala kasing maiiwan sa restaurant dahil nga wala si Jenny.
" Oh, chef, is that you? Wow! Long time no see, ah. " nakangiting bati sa kanya ni Dave. Ito ang may-ari ng bar. Akala pa naman nya ay wala ng makakakilala sa kanya sa pwestong pinili nya. Bumeso muna ito sa kanya bago naupo sa upuang nasa tapat nya. " Isang malaking himala at napadpad ka ata dito."
" Bakit, bawal ba? "
" No! Of course not. Natutuwa nga akong makita ka dito sa bar ko, eh. " anito pa na inikutan nya lang ng mata. " So, asan ang mga kasama mo? "
" Wala." Isang nagdududang tingin ang ibinigay nito sa kanya. " Ako nga lang. They're all busy right now."
" Oooh, kawawa ka naman pala. " pang-aasar naman nito sa kanya saka binuntutan pa ng nakakalokong tawa kaya naman sinamaan nya ito ng tingin. "So, what do you want to drink? "
" Tequila."
" Whoa! You sure? "
" Oh, bakit? " Tinaasan nya ito ng kilay.
" Nothing, just weird. Dati kasi puro iced tea or pineapple juice ka lang. Now..."
" Tss! Second time ko na to dito, remember? " tinaasan nya ito ng kilay.
" Yeah, right. " anito namang nakakaasar kung ngumiti. "And as far as I can remember, halos hindi ka na makatayo no'n sa sobrang kalasingan."
" Ibibigay mo ba or lilipat na lang ako ng bar? " inis nyang tanong.
" Sungit nito. " anitong tatawa tawa, pero agad din namang tumayo para ito mismo ang kumuha ng inumin nya. Pero maya maya lang ay bumalik ito na walang kahit anong dala.
" Oh, asan na ang tequila ko? "
" I guess, hindi tequila ang kailangan mo." Kumunot ang noo nya sa sinabi nito. " I forgot to tell you, Alex's also here."
" What?! " aniyang nabigla. Niloloko na naman ba sya ng kumag na 'to? Sinundan nya kung saan ito nakatingin, at ayun nga! Totoo pala... andito nga din ang binata!
" O–okay... I think I have to go. " aniyang dinampot ang purse nya at nagmamadaling tumayo.
" No, no, wait! " maagap syang napigilan ni Dave sa kamay. " Uuwi ka na agad? "
Argh! Bakit pa ba kasi dito sa bar na ito pa sya nagpunta? Alam naman nyang matalik na magkaibigan din ang dalawang ito.
" Kung uuwi ka na, isama mo na ding iuwi yung boyfriend mo. Tutal nasa isang building lang naman ang condo nyo, di ba? Ang kulit na, eh. Kanina pa yan naglalasing dito."
" Naglalasing? Why? " aniyang bakas ang concern at pagtataka sa boses. Muli nyang sinulyapan ang kinaroroonan ng binata. Mukha ngang lasing na ito dahil nakayukyok na ang ulo nito sa lamesa.
" Don't know." kibit balikat na anito. "You ask him."
Napabaling ang tingin nya kay Dave sa sinabi nito.
Anong klaseng kaibigan ba to?
Gusto pa sana nyang tanungin ito kung anong dahilan. Imposible naman kasing wala nga itong alam pero wag na lang. As much as possible ay ayaw na nyang malaman pa dahil alam naman nyang si Trina lang ang dahilan kaya nagpapakalasing si Alex ngayon.
Magkakabalikan din naman agad ang mga ito at masasaktan na naman sya. Ayaw na nyang umasa pa na magugustuhan din sya ni Alex. Tama na ang pagpapaka tanga nya at paghihintay dito ng mahabang panahon. Pero bakit ang sakit sakit sa pakiramdam na malamang nagpapaka lasing ito dahil kay Trina?
" Bakit hindi nalang kaya ikaw ang maghatid sa kanya? Magkaibigan kayo, di ba? O kaya, tawagan mo si Zy or si Vincent para ipasundo sya dito. "
" Eeh. Madaming tao dito ngayon. Tsaka may lakad pa'ko tapos ko dito. Out of reach din yung dalawang 'yon."
" Tss! Wag ka nga dyan. Mambababae ka lang na naman, eh. "
" Sige na chef, pleeeaaase? " anitong nag puppy-eyes pa para lang pumayag sya.
"Kung di mo ma- contact yung dalawa, eh di si Liam na lang. For sure nasa library lang nya yun ngayon." hirit nya pa.
" Ikaw na lang chef, pleeease?"
" Ay, ewan ko sayo. Mamaya nyan magalit na naman yan sa'kin. Alam mo namang allergic yan sa'kin, di ba? "
" Raine, please?" malambing na anito. " Don't you worry, bagsak na yan pagdating sa bahay nya." Nanatili syang tahimik. " Ayaw mo non, masosolo mo na din sya at last! "
Nabatukan nya tuloy ito. " Palagay mo sa'kin? "
" Eeh, sige na Rainee... Promise, babawi ako sayo nex time. Treat kita basta iuwi mo lang si Alex ngayon."
" Dave naman, eh. Nagmo-move-on na ko dyan sa lalaking 'yan, eh."
" Whoah! Bago yun, ---ouch! " Isa pang batok ang ginawa nya dito.
" Oo na, sige na! Ako na ang mag-uuwi sa kanya." aniyang napipilitan.
' Weh? Napipilitan ka nga lang ba talaga?' anang munting tinig sa isipan nya.
**********
MATAAS na ang araw nang magising si Alex. Naupo muna sya habang sapo ng magkabilang kamay ang kanyang ulo dahil parang may kung anong pumipintig sa loob niyon, dala ng matinding hang-over.
Maya maya pay bumangon na sya para sana maligo nang sa ganoon ay mabawasan ang kirot na nararamdaman, nang may mapansin sya sa ibabaw ng kanyang kama.
Blood stain?!
Kunot ang noong tinitigan nya iyon ng mabuti. Paano nagkaroon dito ng blood stain?! Muli syang napaupo sa gilid ng kanyang kama at pilit na inalala ang nangyari kagabi, pero wala syang maalala at parang lalo lang sumasakit ang ulo nya.
Posible kayang may nakasama syang babae kagabi dito sa loob ng condo nya at may nangyari sa kanila? At ano yun, virgin?
Impossible!
Talagang imposible dahil kung meron man, bakit wala syang maalala? Dahil ba sa sobrang kalasingan nya? Isa pa, suot pa rin nya ang damit nya na natatandaan nyang suot nya kagabi sa bar. At kung sakaling meron nga, bakit wala ito ng magising sya? Hindi kaya nasugatan lang sya? Sinipat nya pa ang kanyang mga braso at baka nga may sugat sya kaya may dugo ang kanyang kama, pero wala talaga!
'Haay! Bakit ko pa ba pasasakitin ang ulo ko sa kakaisip.'
Padabog syang tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Si Dave na lang ang tatanungin nya kung paano sya nakauwi kagabi dahil talagang wala syang maalala.
**********