ANG PAGKIKITA NG DATING MAGKAIBIGAN AMILLAH POV. NAGTATAKA ako kung bakit narito, sa bahay ng parents ko, ang Lady Group… o mas tamang sabihing ilan sa mga miyembro lamang. Tatlo lang kasi ang nakikita ko mula rito—nasa gilid sila ng swimming pool at tila may seryosong pinag-uusapan. Isa sa kanila ay si Ms. Dyosa ng Kagandahan. Pero bakit siya nandito? Maliban na lang kung… darating ang kapatid ko? Narinig ko kasi kay Ninong Ruins na may “something” daw sa dalawang iyon. Pero magkikita kami mamaya kaya naguguluhan ako sa mga nangyayari. “Baby ko, anong tinitingnan mo diyan?” “’Yung tatlong miyembro ng Lady Group. Anong ginagawa nila dito? Ikaw ba ang nagpatawag sa kanila?” “Hindi. Baka si Papa Josen. Gusto mo bang bumaba at puntahan sila?” “Wala naman akong sasabihin sa kanila. Baka

