INUMAN SA LOOB NG YACHT RUINS POV. MADALING-ARAW na nang tuluyang matapos ang inuman. Dito na rin nakatulog ang lahat ng kaibigan ko, nagkalat sila sa dining room dahil iyon lamang ang maluwag na bahagi ng lugar. Kanya-kanya silang higa: may nakadapa sa ibabaw ng upuan, may nakasubsob sa lamesa, at karamihan nasa sahig na may sapin lang na comforter at manipis na kutson. Napapailing akong maingat na naglakad papunta sa kitchen, iniwasan kong matapakan ang kahit sino. Malapit na ako sa pintuan nang makita kong bumangon si Tol Sky. Kinawayan ko siya, at magkasunod kaming pumasok sa kusina. “Brother Rain, may maluluto ba dito? Nagugutom na ako,” reklamo niya habang nag-uunat. “Tingin ka sa fridge o sa freezer. Baka may stocks pa. Wala rin akong idea sa sorpresa na ‘to ng kapatid mo,” s

