DALAWANG ANAK SA MAGKAIBANG BABABE JAMILLAH POV. PAG-UWI namin sa semi-mansion ng mga magulang ko, dumiretso agad sa kwarto si Ninong Ruins. Kanina pa siya pikit-mata sa biyahe, kaya isa sa mga bodyguard ang nagmaneho pauwi. Sa pagkakaalam ko, halos umaga na rin siyang nakatulog—pati na ang mga kaibigan at kamag-anak niya. Naligo lang ako at, matapos magbihis, agad kong pinuntahan si Baby Janine Roice. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto namin. May crib din doon sakaling muli siyang antukin. Humiga kami sa tabi ni Ninong at pinadede ko siya. Kagabi, ilang beses akong nag-pump ng gatas dahil sa dami, pero hindi ko alam kung sino ang uminom ng gatas na inilagay ko sa fridge sa yacht—nawala ang laman ng jar na pinaglagyan ko. “Anak, busog ka ba? Bakit ayaw mo yatang dumede?” tanong ko ka

