LABAN NG MAG-AMA JAMILLAH POV. KAHARAP ko ang aking ama, ngunit wala man lang akong maramdaman pananabik sa kanya. Ang isipan ko ay naroon kay Ninong Ruins, ganoon din kay Mr. Sid, ang lalaking itinuturing kong ama sa mahabang panahon. Kung noon ay pagmamahal at mataas na respeto ang nararamdaman ko para sa kanya, ngayon, napalitan na ang lahat ng matinding galit at pagkamuhi. Muling tumutok ang mga mata ko sa pinuno, ang tunay kong ama. Itinuro ko si Mr. Sid. “Ang lalaking ’yan! Pinili mong paniwalaan kaysa ipahanap ako at alamin ang totoo! Paano ka naging pinuno ng isang malaking organisasyon kung gano’n ka kadaling paikutin ng tarantadong ’yan, ha? Patunay na ang pagbebenta niya ng impormasyon ko sa mga kalaban mo, kapalit ng malaking halaga. Dapat may ideya ka na noon, hindi m

