6.parents death.

1361 Words
Sofia. isang linggo na ang nakakalipas simula nong birthday ni papa.. naiinis ako sa sarili ko kasi nagalit ata si Matthew sa mga sinabi ko, gumising ako ng sobrang aga, para maabotan ko siya para mag sorry sana, kasi parang may nasabi akong ikina sama ng luob niya, wala namang masama sa sinabi niya at concern lang naman siya sakin, mainit lang talaga ang ulo ko sa kanya non kasi nakikipag landian siya sa mga kaklase ko lalo na sa malanding Marian na yon, pero pag dating sakin tinatawag akong bata. hays kainis talaga. hindi ko siya naabutan non, baka madaling araw palang umuwi na siya, kaya naman nakonsensya ako, di man lang siya nag pa alam kay papa. tsk kainis kasi siya. "oh ang aga aga naka simangot ka jan. " puna sakin ni papa ng makalabas ako galing sa kwarto ko. "wala po. " naiinis pa din kasi ako pag naiisip ko yon, galit ba siya sakin? "oh siya kumain ka na at baka ma late ka" "salamat sa pag kain pa. " pilit akong ngumiti kay papa. buong araw na naman akong badtrip nito for sure. kumakain pa kami ng mag ring ang phone ni papa. "oh sige po, pupunta na po ako jan, naku.. okay lang naman hijo. " nakangiting sabi ni papa. sabay baba ng phone nito sa lamesa. "si Matthew po ba yon? bakit daw po? " "pinapa pasok ako anak, wala daw kasing driver ang mommy at daddy niya, nagka sakit daw si Mang Dado, anniversary pa naman ng mag asawa at mag babakasyon sila sa resort nila sa Baguio." nag madali ng kumain si papa. "wow,kailan po kaya ako makaka punta ng Baguio? sige pa, ingat po sa biyahe ah, wag po kayong mag byahe sa gabi ah? kung gagabihin po kayo mas mabuting doon po muna kayo. " "hayaan mo pag nag closing na kayo anak, mag babakasyon tayo don, tsaka pipilitin kong maka uwi agad ngayon almost 4 hours lang naman ang biyahe don,pero kung sakaling di ako makauwi wag mong kakalimutan e lock ang pinto at wag kang magpapa pasok ng kahit sinong lalaki, kahit kaklase mo pa yan naiintindihan mo ba anak? mahal na mahal kita anak. " hinagkan ako nito sa noo.. nag tataka ako kay papa pero di ko nalang pinansin yon. "opo papa, mag iingat po kayo. mahal na mahal ko din po kayo, ikaw po yong the best papa in the whole world. " kiniss ko naman ito sa pisngi at nag yakapan kami. "oh bat di mo ginagalaw yang pag kain mo beshy? " puna sakin ni Megs. "wala akong gana, di pa kasi nag te-text si papa kung dumating na ba sila ng baguio. " nag aalala talaga ako.. "baka nag enjoy lang ang papa mo, kaw naman masyado kang paranoid jan. " naiiling na sabi ni Megs. "kumain ka na nga, may long quiz pa naman tayo mamaya. " lumipat ito ng upuan at tumabi sakin. halos subuan na ako nito para lang kumain ako. "alamo ang OA mo, pano kung mag asawa si ninong? dapat sanayin mo na ang sarili mo no. " kantiyaw nitong sabi sakin. "oo na. " sabi ko nalang, nag uumpisa na naman tong mag rap, naririndi na tenga ko. dumating pa ang Hapon hanggang mag gabi ay wala man lang akong natanggap na text mula kay papa kaya sobra sobra na talaga ang pag aalala ko. ilang beses ko na itong tinawagan pero out of coverage ito. kaya naman halos maiyak na ako at hindi mapalagay. umabot na sa pangatlong araw at hindi pa din nakaka uwi si papa, miss na miss ko na siya, lalo pag ganitong masama ang pakiramdam ko, kahapon pa ako may lagnat pero hindi ko iniinda, mas nag aalala ako ngayon kay papa. "beshy kumain ka naman oh, paano ka lalakas niyan kung ayaw mo namang kumain? " nag aalalang sabi ni Megs. "wala talaga akong gana Megs, sa palagay mo ba okay lang si papa? " umiyak na ako sa pag aalala. "ano ka ba! okay lang si Ninong, baka nawala lang phone niya or baka walang signal don sa resort ng amo niya." niyakap ako nito habang hinahaplos ang buhok ko. "mag tiwala ka beshy okay lang talaga si Ninong. " mag a- alas tres na ng Hapon kaya napag desisyonan ko ng tawagan si Matthew.. pero sumibol ang kaba sa dibdib ko ng maunahan ako nitong tawagan, agad agad ko itong sinagot.. "hello.. sir Matthew may balita po ba kayo kay papa? kasi po hanggang ngayon di pa rin po siya umuuwi eh. " diko napigilan ang sarili na mapa luha. "i-im on my way to them.. I'm sorry Sofia pero m-mukhang w-wala na ang mga magulang natin. " halata sa boses nito na umiiyak din ito sa kabilang linya. "w-wag naman po kayong mag biro s-sir, sabi po ni papa uuwi siya--- "I'm sorry Sofia, saka na tayo mag usap nag da drive pa ako papunta sa ospital sa Angeles, s-sana nga buhay pa sila Sofia, sana isang masamang panaginip lang ang lahat ng to. " umiiyak nitong sabi.. nang marinig nitong umiiyak lang ako sa kabilang linya ay nag pa alam na ito. halos mawalan na ako ng boses sa kakaiyak, paos na paos na ako, halos di ako maka hinga.. papa sana okay lang po kayo, kayo ng mga amo mo. " patuloy ako sa pag tangis. "beshy.. a-anong nangyari? " napayakap sakin si Megs ng makita ako na naka upo sa sahig habang tumatangis. humalukipkip ako sa kanyakanya habang patuloy sa pag iyak. "ano bang nangyari?" umiiyak na din ito habang yakap yakap ako at marahang hinahagod ang likod ko. "di ko alam.. basta uuwi si papa, darating siya.. hindi ako iiwan ni papa. " parang tinutusok ng libo libong punyal ang puso ko, isipin pa lang na wala na ang papa ko.. hindi ko kakayanin. dahil na rin siguro sa taas ng lagnat ko kaya biglang nandilim ang paningin ko. "a-anong oras na? si papa dumating na ba? " bumangon ako sa kama at nakita ko sina Ninong at tita pati na si Megs. "gising ka na anak, okay na ba ang pakiramdam mo? " wika ni tita Myrna, mother of Megan. "o-okay na po ako, pero si papa po? dumating na ho ba siya? sinabi niyo bang may sakit ako? pag nalaman niyang may sakit ako uuwi agad yon. " naalala ko na naman ang sinabi ni sir Matthew kaya kusa na namang nagsi bagsakan ang mga luha ko. "kumain ka na muna beshy, para makainom ka ng gamot. " umiiyak na sabi ni Megs. "oo nga anak, sige na kahit ilang subo lang para may lakas ka. " umiiyak na din si tita Myrna. napailing iling ako.. "wag ng matigas ang ulo mo Sofia, kumain ka na muna. " seryosong sabi ni Ninong sakin. halata sa mukha nito ang galit. "sige na anak, kahit ilang subo lang para mainom muna itong gamot mo. " pang aalo sakin ni tita Myrna. wala akong nagawa kundi kainin ang lugaw at inumin ang gamot. "kaya mo na bang tumayo? puntahan na natin ang papa mo. " matigas na sabi ni Ninong. napatingin ako kay Ninong at medyo gumaan ang luob ko, pupuntahan namin si papa. "tara na po, miss na miss ko na po ang papa ko, sa wakas makikita ko na ang papa ko. " nag patiuna na kong mag lakad kahit na medyo nahihilo ako ay tiniis ko makita ko lang ang papa ko. lumingon ako sa kanila pero wala pa ding gumagalaw sa kanila, nagpa lipat lipat ang tingin ko sa kanila. "tara na po. baka mainip si papa sa pag hihintay sakin. " "isa ng malamig na bangkay ang papa mo anak. " seryosong sabi ni Ninong at nakita ko sa mukha nito ang pag pipigil ng iyak. lumapit sakin si Megs at niyakap ako. "I'm sorry beshy pero wala na ang papa mo.. nasa morgue siya ngayon. " iyak ng iyak si Megs pati na sina Ninong at tita. "masamang biro yan Megs. " napaluhod ako at humagulgol. "sabihin niyong pina prank niyo lang ako.. prank lang diba? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD