napatili ako sa sobrang kilig.. 5 years 5 years kong hindi nakita ang guwapong mukha ni Matthew.
"may nangyari ba anak? " nag aalalang kumatok si papa sa kuwarto ko dahil siguro sa lakas ng tili ko.
"wala po papa may ipis lang pong lumipad sakin pero okay na po. " alibi ko.
"salamat naman akala ko kung ano ng nangyari sayo, pinag alala mo kami ni sir Matthew. mag madali ka na at dumating na yong mga kaibigan mo. "
"sige papa maliligo pa ako. " nag tungo na akong banyo muntik na kong mapatili uli ng makita ang repleksyon ko sa salamin.
gulo gulong buhok, maduming damit higit sa lahat may dumi pa ko sa pisngi.. lintik kasi na aso yon, palagi nalang akong hinahabol.. pati ba naman siya habol ng habol sakin? iba talaga ang karisma ko pati aso humahabol sakin.
napangiwi pa ako ng ma amoy ang sarili.. "naku naman Sofia, ang baho mo pa. " natampal ko ang noo ko. "naamoy niya kayang amoy pawis ako? malas naman palagi naman akong mabango ngayon lang talaga ako naging ganito dahil sa lintik na practice na yon at sa asong yon.. samantalang ang mahal kong Matthew, pag pasok ko palang sa bahay naamoy ko na ang napaka expensive niyang pabango, hindi masakit sa ilong, di katulad ng pabango ng mga taga dito samin, para kang mahihilo pag naamoy mo.. hayy aking Matthew.. napaka guwapo mo pa din hanggang ngayon. " sobrang saya ko at nagkita muli kami.
nag madali na akong maligo, pero sa pag pili pala ng damit ako matatagalan.. hays alin kaya dito?
"itong pula nalang, bagay na bagay daw sakin to sabi ni Megs, litaw na litaw daw ang curves ko dito. " nag lagay na ko ng kunting make up at pabango. para amoy baby Johnson tayo..
palabas na sana ako ng kuwarto ko ng mag ring ang phone ko.
"bruha.. sino naman yang bisita mo na pinag fiestahan ng mga babaeng haliparot? senend nila sa gc. " bungad na sabi ni Megs sa kabilang linya.
"what? ang kakapal naman ng mukha nila.. "
"sino ba kasi yan? manliligaw mo? "
"gaga malayong mangyari yan, bata lang ang tingin sakin non, si sir Matthew yon yong anak ng amo ni papa."
napatili si Megan kaya nailayo ko sa tainga ko yong phone ko.
"oh my gosh.. yong guwapong amo ng papa mo? yong crush mo? yong hinalikan mo sa pisngi kaya di ka na sumama sa papa mo dahil nahihiya ka? " napatili na naman siya.
"baka pasokan ng langaw yang bunganga mo, kumalma ka nga. " sita ko sa kanya, pero ang totoo maski ako para na akong mamamatay sa kilig. pero bumalik ang hiya ko ng maalala ang ginawa kong pag halik sa pisngi ni sir Matthew.
"pano ako kakalma? my gosh beshy.. ito na ang pagkakataon mo para akitin siya, ano bang suot mo ngayon?" kilig na kilig na sabi nito.
"yong pula na sabi mong bagay sakin. " kagat labi kong sabi.
"good choice beshy, tignan mo mag lalaway yon pag nakita ka, excited na ko.. ang tagal kasi ni tatay mauna nalang kaya akong pumunta jan. "
"asan ba si Tito? " tanong ko nalang para maiba ang usapan.. nakakahiya kasing pag usapan namin si sir.
"naku paalis palang daw sa presinto. " maktol ni Megs.
"malamang pulis yong tatay mo hindi yan basta basta makakapag off duty, sige na kanina pa ko tinatawag ni papa. "
"sige na ba-bye na, basta akitin mo ah? "
binabaan ko na ng phone ang bruhang yon, bad influence siya sa inosente kong utak.
lumabas na ko at ang dami na palang bisita, hindi ko pinansin ang mga kapit bahay namin na tingin ng tingin sakin.
"ang ganda mo ngayon Sophie ah. " Marian said. if I know nakikipag plastikan lang sakin yan. ba't andito to? nakakita lang ng guwapo pumunta na dito? di naman pumupunta yan dito ah?
"anong nakain mo at nandito ka? " crossed arms kong sabi.
"may guwapo daw kayong bisita eh, kaya nandito ako Malay mo maagaw ko na naman siya sayo. " naka ngisi niyang sabi.
"in your dreams.. " tumalikod na ko para iwan siya ng may maalala. "hindi mo naagaw sakin si Luis, binigay ko lang siya sayo type na type mo eh, and for your information, hindi naging kami non, hindi ako pumapatol sa katawan lang ang habol. hindi mo ba naisip kong bakit pinatulan ka non? " ako naman ang nakangisi ngayon. tinalikuran ko na siya habang siya nang gagalaiti sa galit..
serves her right..
halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaking bisita namin habang ang mga babae naman ay naka simangot lang.
"pa, asan po si sir Matthew? " bulong ko kay papa. nakikipag usap kasi ito sa mga kaibigan niya.
"mag yoyosi lang daw siya eh, pero kanina pa yon, puntahan mo siya sa labas baka gutom na din yon. "
tumango lang ako at hinanap si sir Matthew sa labas.
bumuntong hininga muna ako at pinag masdan siyang nakatalikod sakin.
likod palang niya ang guwapo na. he's wearing a navy blue pants, white long sleeve and leather brown shoes. napaka simple lang pero bagay na bagay sa kanya.
"S-Sir? kakain na daw po. " nakalapit na ko sa kanya naamoy ko na naman ang napaka bango niyang pabango.
tinapon niya ang yosing hawak niya at inapakan iyon.
napatingin siya sakin, our eyes locked.
napansin ko ang pag titig niya sakin na para akong sinusuri. gumalaw galaw ang Adam's Apple niya.
nang hina ang tuhod ko sa mga tingin niyang iyon.
nanuyo ang lalamonan ko.
I don't know what to act and what to react.. bago sakin ang lahat ng to.
tumikhim siya.
"how are you kid? " ngumiti siya sakin.. ngiti palang niya para na akong mahihimatay.
"as you can see, okay naman po. " tipid akong ngumiti sa kanya.
"yeah.. you look good, you grow up beautifully but it is okay to wear something like that? " kunot noo niyang pinag masdan ang suot ko.
"something like this? may mali po ba sa suot ko? "
"there's nothing wrong with your dress but you're so young to wear such a revealing dress. "
"revealing na pala sayo to? mas mahaba pa nga po ito sa mga sinusuot ko." ano bang mali sa suot ko? sleeveless lang naman to na hanggang tuhod, oo nga at makikita cleaveage mo sa damit na to, pero may tube ako para di makita boobs ko.
"oo hindi akma sa edad mo.. tsaka di ka ba nilalamig? "
napa simangot nalang ako, mission failed, hindi siya na akit sakin. hmp.
"oo na kain na daw po kayo. " naka pout kong sabi.
"hindi ako kakain hangga't di ka nagpapalit ng dress mo, tignan mo nga yang mga bisita ng papa mo, para ng luluwa ang mata sa kakatingin sayo, yong iba naman parang turtle na humahaba ang leeg. " imbes na mainis ako sa kanya ay natawa nalang ako.
"what's funny little miss"magkasalubong ang kilay niyang sabi.
"oo na po mag papalit na po. tara na po sa luob. " nauna na kong mag lakad.
"pasasamahin mo ko sa room mo? "
"what? of course not, sa luob po para maka kain na po kayo. " feeling ko nag blush ako don ah.
he chuckled. napaka sarap pakinggan ang pag tawa niya.