Ang mga braso ko ay mahigpit na nakatali sa likod, ang lubid naman ay kumakain sa aking balat. Ang bibig ko ay tinakpan nila ng maruming tela, upang hindi ako makagawa ng ingay. Tinignan ko ang buong paligid ngunit isang madilim at malamig na parang malaking barko ito, ang amoy ng kalawang at amag dagdagan pa sa amoy bakal ay nalalanghap ko ito. Ang bawat patak ng tubig mula sa sirang tubo ay parang dagok sa aking tainga. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito. Ang tanging alam ko ay kailangan kong makaalis rito agad. Narinig ko ang mga yabag na papalapit. Kaya kaagad akong nagkunwaring tulog pa. Sigurado ba kayong yan ang babaeng nagustuhan ni Cavaliere?” Rinig kong tanong ng isang lalaki. Nagkunwari akong tulog upang marinig ang pinag-usapan nila, “Oo pre, maganda yan, makinis

