Hindi ako mapakali ng binuhat ko ang isang itim na bag kung saan ang iilan na damit at pera na dadalhin ko. Gusto kong umalis sa isla na ito, ayokong makulong rito na hindi sinusubukan na umalis. I'm already gave myself to him, siguro naman ay tama na iyon. Sa halagang binayad niya sa walang hiyang ama-amahan ko. Nakatayo ako sa gilid ng dalampasigan dito sa bandang likuran ng malaking mansyon, hinihintay ko si Kazik upang tulungan ako. Kinakabahan ngunit determinado parin sa gagawin, kailangan ko talagang makaalis dito, kailangan kong makatakas sa imperyo ng mga Cavaliere. Ito na ang pagkakataon ko. Ilang minuto pa ang lumipas, nahugot ko ang paghinga ko ng naramdaman ko ang isang tapik sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Kazik kaya naibuga ko na lang ang hangin na nalanghap k

