CHAPTER 3

1641 Words
NOTE: ⚠️🚫 This novel is for fiction used only, the place, the event, names, etc. Ay kathang-isip lang, huwag seryosohin. This is about the mafia, expected that this story has a violent, drug syndicate, and human trafficking. Sobrang ingay na sa labas gawa ng putok ng mga baril, sigawan at parang may bomba pa. Agad akong naghanap ng matulis na bagay upang gamitin ko kung sakaling may kalaban na makakapasok. Napatingin ako sa isang kutsilyo na naka-display, I can’t hold the gun kaya naman ay ang kutsilyo ang kinuha ko. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ito at nagtago sa sulok, my heart races faster kahit naka-aircon ay pinagpawisan pa rin ako. Para akong naiihi dahil sa takot, palapit ng palapit ang tunog ng baril, kaya hinanda ko ang sarili. The door bang, kaya naman ay dalawang kamay na ang ginamit ko upang mahawakan ng maayos ang kutsilyo. Handa sa kung anong mangyayari, at tuluyan na ngang bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na mukha. “Ahhh!” Malakas na sigaw ko at tumakbo papalapit rito upang saksakin, ngunit isang tabig niya lang sa kamay ko ay nahulog agad ang hawak kong kutsilyo. “Austria? Miss Austria?” tanong nito, sobrang seryoso ng kanyang boses lalo na ang reaksyon ng kanyang mukha. Ginapangan naman agad ako ng kaba at dahan dahan na umatras, “Who are you? Where’s Larkin?” tanong ko dito at hinanda ang sarili kung sakaling sumugod ito sa akin. “Larkin? You call him by his second name? No one dares to call him like that.” Wika nito at umayos ng tayo. “You must be special to him, how about I'll kill you?” suhestiyon pa nito sa sarili. Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa kanyang sinabi, he wants to kill me? “H-huwag kang lalapit,” nauutal na sabi ko sa kanya. Malapit na ako sa bintana at kung tatalon ako ay hindi naman siguro ako mamatay o mapilayan. “This is interesting, why are you here? Bago ka nanaman ba niyang babae?” biglang tanong niya. Nahinto naman ako sa binabalak na pagtalon sa narinig. “H-huh?” utal na sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot, sasabihin ko bang isa ako sa mga babae niya? O sabihin na pinilit ko lang si Lucifer na maging isa ako sa mga babae niya? “You're a spy?” seryoso ang kanyang boses at tinutok pa sa akin ang dala niyang baril. “Don’t scare her, Idiot.” Mabilis akong napatingin sa bagong dating, nakatayo si Lucifer habang may hawak na baril sa kabilang kamay. Lumaki ang mata ko ng makita ang dugo sa kanyang balikat, “Natamaan ka?” Gulat na tanong ko at agad na nilapitan siya. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang balikat niya, nakita ko pa siyang napangiwi dahil siguro sa biglaan kong paghawak. “May first aid kayo?” tanong ko sa lalaking hindi ko kilala, binaba niya na ang kanyang baril at nakakalokong nakatingin sa aming dalawa ni Lucifer. “He don’t need that, hindi yan mamatay dahil lang sa tama ng bala.” he replied and smirk. Galit ko naman siyang tinignan, “Kit.” Matigas na wika ko at tinignan rin ng masama si Lucifer, “Hindi ka mamatay dahil sa tama, maubusan ka lang ng dugo.” Inis na sambit ko at pinisil ng marahan ang tama niya upang maramdaman niya din ang sakit. “Crazy woman—” “What?!” Inis na sambit ko at tinignan siya lalo ng masama, hindi ko sila maintindihan kung bakit hindi nila gamutin ang sugat nila. Alam ko naman na sanay na sila sa ganitong sitwasyon but wtf? He's gonna run out of blood because of the shot. “Get the medic kit, Ambrose.” Seryosong utos nito sa lalaking nasa likuran ko. Mabuti na lang at sumunod ito dahil pipilitin ko talagang linisin ang sugat niya kahit walang medic kit. “Tsk! La prostitute è innamorata.” Sambit pa nito na hindi ko naman naiintindihan. (Translate: In-love ang putang-ina.) “Anong sinabi niya?” tanong ko naman kay Lucifer na walang pakialam na tiningnan ang sariling sugat. Napangiwi pa ako ng inunat-unat niya ang kanyang balikat kaya mas lalong rumagasa ang kanyang dugo. “Lucifer baliw ka ba?! Tangina ang dugo!” “Your words woman.” malamig niyang wika at naglalakad patungo sa isang silya at hinubad ang kanyang damit. Napatitig naman agad ako sa kanyang katawan, halatang alaga sa gym yong bicep niya ang sarap tignan. “Tumutulo na laway mo, itakom mo bibig mo.” Ambrose said and gave me the medic kit. Halata sa kanyang mukha ang panunuya kaya naman padabog kong kinuha ang hawak niyang medic kit. Kaagad ko naman itong tinanggap at inirapan siya. “Kaysa sayo, pambabae ang pangalan tsk!” “Insan, pwede ko bang patayin tong babaeng to? Di mo naman siguro yan babae?” Sabi pa nito kay Lucifer, kaya naman ay galit ko siyang tinignan at pinakita ang nakuhang syringe mula sa medical box. “Tsk! Mga isip bata—shít!” Sigaw ni Lucifer ng idiin ko ang kanyang sugat gamit ang cotton na may cleansing water. “Careful woman—” “Sorry ha? Isip bata kasi ako.” Ani ko pa at kinuha ang isang cotton na mayroong betadine at pinahid iyon sa sugat. “Pfff!” Sabay naman kami ni Lucifer na napatingin kay Ambrose na tumatawa at mukhang tuwang-tuwa sa nasaksihan. “Woah! May regla ba kayong dalawa at ako ang pinaggigilan niyo?” Sambit pa nito at agad na lumabas ulit sa kwarto. Bumalik naman ang mata ko sa ginawa, medyo mahaba ang sugat niya at malalim din. “Why did you let them hurt you? You're the leader of the mafia and yet you're hurt? That’s new.” sambit ko upang ma-ibsan ang tensyon na nararamdaman ko ngayon. “You should be worried how you can survive tonight, Aragon is going to wipe us out.” Seryosong sambit nito, kaya naman ay kaagad akong napatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata, hindi lubos maintindihan ang kanyang sinabi. Kilala ko ang mga Aragon, dahil minsan ng binanggit ni Papa ang mga iyon. Sabi niya isa din ito sa mga makapangyarihan dito sa Maynila, pang-ikatlo na malakas na Mafia ang mga ito. I'm not innocent to this, dahil lumaki akong kaharap ang mga delikadong mga tao. My father always protected me, kaya naman ay hindi pwedeng makulong siya sa kamay ni Lucifer kung pwede namang makatakas ay gagawin ko. “Why? I mean, the Aragon is one of the strongest mafia in the Philippines. And I thought Cavaliere and Aragon are friends?” Sabi ko at pinalibot ang benda sa kanyang balikat. “Who said it? That group is my enemy.” Seryosong sagot nito at agad na tumayo, napatingala naman agad ako habang naghihintay sa kanyang susunod na sasabihin. “Ready yourself, the battle begins.” Mabilis naman akong napatayo ng biglang may pumutok sa unahan, this mansion is near at the port at wala itong ibang kapitbahay dahil pribadong isla ito. “Di pa tapos?!” Gulat na sabi ko at kinuha ang kutsilyo na nakasabit. “Boss! Nakapasok na sila,” isang lalaking humahangos na hindi ko din kilala. Napatingin ito agad sa akin at tinutukan ako ng baril, “Who are you? Did Aragon send you here to kill my boss?” sunod-sunod na tanong nito sa akin at dahan dahan na lumapit sa kinatatayuan ko. “Cut the nonsense, Lazarus.” Sabat ni Lucifer, “Where’s Gabriel?” tanong ni Lucifer sa nagngangalang Lazarus. “That bastard hiding again, I can't contact him a while ago—” “Idiot! Call, Xyriel. He's probably going to his girl place, that punk can't tame his girl so he's working hard just to get one woman.” Seryosong sabi ni Lucifer. Hindi naman ako makapaniwala sa naging topic nilang dalawa, nagbarilan na sa labas at naputukan na ng bomba tapos topic nila babae? Ang kakapal ng mga mukha, “Gusto niyo bang mamatay dito tapos ang dahilan nag-uusap lang kaayo tungkol sa babae? Tang-ina naman!” Kapag matatapos ang barilan, panigurado na babalik na naman ako sa dating ako. Ang lakas ba naman ng loob na sigawan ang lider ng mafia, gusto ko na yatang mamatay ng maaga. “Your words Austria, go with Lazarus he will take you to the safe place.” wika nito at agad na kinuha ang malaking baril at mga bala. “Take her to Xyriel.” utos nito kay Lazarus. Aangal na sana ako sa kanyang sinabi ng kaagad akong hinila ni Lazarus, “Huwag kang mag-alala hindi yon mamatay, masamang nilalang yon.” He said jokingly. Ngunit hindi ko magawang tumawa sa halip ay tinignan ko ulit ang kwarto kung saan kami galing, he was standing there looking at me with his fierce face. Napalunok ako bigla ng halos hindi ko na makilala siya, napaka delikado niya sa itsura ngayon para bang handa na siyang pumatay ng tao. “Miss Austria, can you hold a gun?” Lazarus asked at inilahad sa akin ang maliit na baril. Kaagad akong umiling, “N-no,” takot na sagot ko. “Then your not his girl, kilala ko ang amo ko. Hindi yon magdadala ng babae dito na hindi alam paano makipaglaban. This is new.” Seryosong sambit ni Lazarus at ibabalik na sana ang baril sa bewang niya ng kaagad ko itong kinuha. “Hindi dahil sinabi kong hindi ako marunong humawak, hindi ibig sabihin ay hindi ko matutunan gamitin.” Seryosong sabi ko at hinawakan iyon ng mahigpit, lumunok ako ng paulit-ulit at kaagad na ginapangan ng kaba para sa sarili. Makakaligtas kaya ako dito? Buhay pa kaya akong makakalabas sa mansion?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD