Lazarus protected me, nakatago ako sa kanyang likuran habang nakipag palitan siya ng putokan sa kalaban. He was about to aim the enemy ng makita ko ang isang kalaban na kaliwa, kaya naman ay dahil sa taranta ko pinaputukan ko ang banda doon at natamaan yon sa balikat ngunit nakatayo pa rin ito kaya naman ay napasigaw na lang ako sa takot.
“Thanks,” pasasalamat sa akin ni Lazarus at pinutukan ang lalaking tinamaan ko kanina.
Ilang kalaban pa ang nadaanan namin ng makita ko ang isang safe cabin sa likuran, hindi ito mahahalata kung hindi mo titigan ng mabuti dahil ang pintuan ay napapalibutan ng gumagapang na halaman. “Who’s Xyriel by the way?” tanong ko kay Lazarus ng binuksan niya ang pinto habang ako ay nakatutok ang baril sa paligid.
“Siya? Nah… hindi mo magugustuhan ang katotohanan—”
“Bakit?” agad na tanong ko ngunit napanganga na lang ng pagpasok namin ay nakita ko ang isang babae, ang babaeng nagbigay sa akin ng damit. Nakaupo sa sofa na para bang walang nag puputukan sa labas, ang nakaagaw din ng pansin ay ang isang lalaking nakaluhod sa harapan nito.
Kinalabit ako ni Lazarus at nginuso ang babaeng nakaupo, “Siya si Xyriel, ang kababata ni boss.” sabi pa nito at kumindat sa akin, “Tapos ang lalaking yan? Siya lang naman ang patay na patay kay Xyriel, si Gabriel. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi nagagalit si boss sa lalaking yan—”
“Huh? Bakit?” Pag putol ko sa kanya, huwag niyang sabihin na babae talaga ni Lucifer ang Xyriel na yan?
“Childhood sweetheart yan ni boss eh, tapos may umaaligid lang na tsukoy.” Sagot nito at lumapit sa dalawa.
Hindi agad ako nakaimik, tinignan ko pa si Xyriel na printeng nakaupo habang may hawak na wine glass. “Your Xyriel?” Di napigilan na sambit ko at lumapit din sa mga ito.
Napatingin naman sa akin si Xyriel at tumaas ang kilay, pinirme ko ang tingin ko upang maitago ang naramdaman, “And your his new toy?” sambit nito at umiling-iling pa na para bang dismayado sa naging desisyon ng buhay ko.
“Sino ka para sabihin sa akin yan?” Wika ko at hinawakan ng mabuti ang baril. Kinabog ng sobra ang puso ko na para bang atakihin ako anumang oras.
Ngunit wala pa ding emosyon sa kanyang mukha at diretsong tumingin sa akin. “Katulad ka din nila, aalis kapag pinagsawaan na si Lucifer or are you a spy? Bago ka nakarating dito na tunugan na namin ang grupo ng mga Aragon, are here to spy and killed the leader?”
Gulat naman ako sa kanyang sinabi, hindi ko nga mahahawakan ng maayos ang baril at sabihin niyang nandito ako upang patayin ang leader nila? “Nagpapatawa ka na? Tingin mo kaya kong pumatay?” sagot ko sa kanya at pinapakita pa rito ang baril na hawak ko. “Ni hindi ko nga alam paano mag-load ulit ng bala sa baril na'to.”
“Guys that’s enough. Xyriel, boss said you need to protect her.” Seryosong pagsingit ni Lazarus sa usapan namin ni Xyriel. “Gabriel, get your ass up. Follow me.” dagdag nito at ginalaw ang baril na dala.
Tahimik akong umupo sa kabilang sofa at nilapag ang baril na hawak kanina, sobrang bilis pa din ang kabog ng dibdib ko na para bang lalabas ito. Huminga ako ng malalim upang humupa ang nararamdaman subalit napatayo na lang ako ng kumalabog ang pintuan. Tatlong lalaki ang nakita ko, ang dalawa ay hindi ko kilala ngunit ang lalaking nasa gitna nila ay kilalang kilala ko. “L-larkin…”
Parang umiikot ang buong mundo, para bang nag slow motion ang buong paligid. Kung hindi ako hinawakan ni Xyriel ay hindi ako makabalik mula sa malalim na iniisip. “Tutunganga ka lang dyan? Mamatay yan dahil sa katangahan mo!” Galit na sigaw sa akin ni Xyriel at tinulak pa ako upang dumaan sa harapan at malapitan ang duguan na katawan ni Lucifer.
Anong nangyari at naging ganito siya? Bakit parang napuruhan siya? I thought he was strong and hard to kill,and yet he's here. Naliligo sa sariling dugo habang walang malay. Nanginginig na lumapit ako sa mga cabinet upang maghanap ng medical kit, ngunit wala akong nakitang kahit ano. “Where the hell is the medical kit?!” Taranta ngunit puno ng inis ang sariling boses ko. “Tang-ina! Tinatawag niyo itong safety cabin tapos simpleng medical kit wala kayo?!”
Lumapit agad ako sa kanilang kumpulan, I saw the bandage I made earlier at halos dugo na iyon, may dugo sa bandang tiyan niya at alam kong tama iyon ng bala. “Saan pa siya natamaan?” tanong ko sa lalaki na hindi ko kilala.
“Keep your eyes open and find it.” Seryosong sabi nito at hinila ang suot ni Lucifer na shirt at tumambad sa amin ang dalawang tama ng baril, sa bandang tiyan at bandang dibdib.
Halos mawalan ako ng hininga dahil sa nakikita, walang kahit anong medical kit sila kaya paano namin siya magamot— “Do you have scissor? Alcohol? How about gloves?” tanong ko sa lalaking tahimik na pinagmasdan ang tama ni Lucifer.
“I don’t have a scissor but I have this.” sagot nito at pinapakita sa akin ang maliit na kutsilyo.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko at hindi ko alam kung papayag sila sa gagawin ko. I'm not a doctor but I already have experience with this. “Trust me, I can do it. Just trust me.” halos pabulong na wika ko sa kanila na ikinalingon nila sa akin.
(I'm not into medicine, wala akong kaalam alam tungkol sa paggamot ng mga ganito, isa lamang po itong nobela at huwag niyo pong dibdibin ang mga pangyayari at kung ano man ang mababasa niyo.)
“Anong gagawin mo?” Nakakunot ang noo ni Xyriel habang nakatingin sa akin ng mariin. Para bang papatayin niya ako kung may hindi siya magugustuhan sa sasabihin ko.
Napalunok ako bigla at ginapangan lalo ng kaba, “I will get the bullet inside him, I need lighter, alcohol, knife and clean towel and gloves. Do you have all of it?” tanong ko sa kanila, at mariin na tumingin kay Xyriel.
“Nababaliw ka ba?! Anong akala mo sa katawan niya? Laruan? You can pull the bullet inside him using that knife?—”
I cut Xyriel off, “Do you think I'm not scared?! But if none of us can do it, he will surely die!” I shouted with the top of my lungs. Hindi ba nila itatanong sa akin kung natatakot ba ako sa posibleng mangyayari? I will operate on him using a knife only, wala nga silang medical kit tapos mag reklamo pa. “Kung mamatay siya sa kamay ko, pwede mo akong patayin Xyriel but for now, I need to save him.” Tumutulo ang luha ko habang sinabi ang mga katagang yon.
“If something happens to him. I will not let you go, Austria. I will haunt you to death.” Malamig na sambit sa akin ni Xyriel.
Kahit may katanungan ako sa kanya dahil sa kanyang inasta ngayon ay mas kailangan kong iligtas si Lucifer mula sa kamatayan. Nagtutulungan silang dalhin si Lucifer sa lamesa at doon pinahiga, I feel his pulse and thank God his still alive. “I need the things I mentioned earlier, and also please don’t make any sound to distract me.” Ani ko at agad na hinanda ang sarili.
“Austria, Mark my words I will definitely kill you if something happens to him.” Huling sabi ni Xyriel bago tumalikod at magbantay sa pintuan at baka may kalaban na dadating.
Mahal ko ang buhay ko kaya sinong may gustong may mangyaring masama sa pasyente? Tanga na siguro ako kung ganon.