Chapter 26— Naiipit sa gulo na wala naman siyang kinalaman. Jonel side. Matapos ang sagutan ng dalawa kanina ay biglang tumahik at isang lagabog ng pinto ang huling narinig ko. Ngayon ay nagising ako sa katok ni Lola, dahil mag hapunan na raw. Hindi ko nakita si Jonel, siguro nasa dagat na naman upang mangisda, dahil yun lang ang tangi nilang pwedeng pagkakitaan upang makatawid sa pang araw-araw nila na pangangailangan. “Dili ta magkasinabot karun Inday kay wala man akong apo, kaon na lang diha bahala dili ta mag-istorya.” (Translated; “Hindi tayo magkakaintindihan ngayon Inday dahil wala ang apo ko ngayon. Basta kumain ka na d’yan kahit hindi tayo mag-uusap.”) “Kain na’po La?" Mahinang sabi ko, yong kain lang talaga ang naiintindihan ko at wala ng iba, kaya para makompirma ay tinanon

