"Mag-usap tayo mamaya, halika rito." Malamig ang kanyang tinig at lalong naging malamig ang kanyang pakikitungo sa akin. Dahan-dahan akong tumango ngunit mabilis na napalingon kay Jonel nang tawagin niya si Lucifer. "Kuya, may sugat siya, hindi siya makakatakbo kapag ganyan ang kalagayan niya—" Agad akong napatingala dahil sa kanyang pagtawag kay Lucifer. "Anong tawag mo sa kanya?" Nagtataka kong tanong kay Jonel. Hindi ako halos makahinga sa aking nalaman. Hindi ko alam na may kapatid si Lucifer, kaya labis akong nagulat sa mga nangyayari. "Kuya?" Nagtataka na sagot ni Jonel, na para bang wala siyang maling sinabi. "Kuya?" Pag-uulit ko sabay turo kay Lucifer na nakatayo pa rin sa harapan ko, nakakunot ang noo habang hinihintay ako. "Kuya mo siya? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Inis k

