Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta hinila niya ako sa kung saan. May nakita kaming nagtumpulan na mga drum, doon kami nagtago. "Ito ba ang gagawin mo? You already know that it's dangerous, Austria, why are you so hard headed?" Halata ang inis ni Lucifer sa akin. May kung anong bagay siyang binunot sa kanyang tagiliran. Nang makita ko iyon, may bagong plano akong nabuo, hindi alintana ang sama ng kanyang tingin sa akin. "I can use that one.”Sabi ko sabay turo sa hawak niyang baril. “Dapat hindi niyo na ako hinanap dahil hindi sila titigil hangga't hindi ka nila mapapatay. Alam mo ba kung bakit may gusto akong gawin? I need to kill those assholes. Hindi ako umalis sa isla para gawing hostage at paing—" "Shut up, woman." Malamig niyang sabi sa akin. Hindi na ako umimik pa at tuming

