"Did you find any track of him?" Rinig ko ang boses ni Lucifer. Dahan-dahan kong binuksan ang mata at napapikit na lang ulit nang masinagan iyon ng araw. "We're still looking for him, dude. We'll call you later if we find even a simple piece of information and where he is located now," narinig kong sabi ni Ambrose kay Lucifer. "Also, he's wounded so he can't get far either." Papa's wounded. Hindi pa rin ako makapaniwala na posibleng sinaksak ni Papa si Lucifer gamit ang kanyang patalim. Mulat na mulat ang mata ko sa mga oras na iyon at nakita ko ang poot sa kanyang mata na bumabalot. "Make sure you can find that man, I will kill him personally—" Bawat salitang binitawan ni Lucifer ay purong galit at lamig. Na-imagine ko na ang kanyang ekspresyon sa mukha habang binibigkas ang salitang i

