CHAPTER 3
"YOU can ask me anything that's been bothering you, Ms. Montecillo."
Napatingin si Shei kay Samuel na siyang kasama niya sa elevator habang paakyat sila sa 24th floor ng The Symphony Tower 1. Nakasandal ito sa dingding at nakahalukipkip habang nakapikit. Napaiwas siya ng tingin nang bumukas ang mga mata nito upang siya ay tingnan.
She felt a little awkward because she has a slight crush on the guy since Day 1.
Tapos ngayon, dadalhin siya nito sa condiminium unit na tutuluyan niya. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung paano haharapin ito ngayong alam na niya na ito ang mapapangasawa niya base sa sinabi nito kanina sa sasakyan habang papunta sila doon.
"Ako na ang bahalang umayos ng utang ng pamilya mo sa bangko. Iyong matitira, ilalagay ko na lang sa bank account mo. And every month, I will deposit your allowance there, too. You don't have to worry about anything. Just concentrate on being a good wife."
Biglaan man ang pagdating nito kanina at halos hindi pa napoproseso sa isip niya ang lahat kahit noong nag-iimpake siya, hindi pa rin niya maiwasang kiligin habang tinutulungan siya nitong maglagay ng mga gamit sa maleta. Doon kasi niya napatunayang mabuting tao ito at hindi kalokohan ang pinasok niyang trabaho.
He even made sure to her that he will process everything for her. It was like a dream.
"So, no questions?"
Napabalik sa kasalukuyan ang isipan ni Shei ng magsalitang muli si Samuel.
"I-I d-don't know how to be a good wife." Namumula niyang pahayag.
Narinig na lang niya ang malakas nitong halakhak dahilan para lalong mamula ang kaniyang mga pisngi.
Maya-maya ay napansin niya ang pagpwesto nito sa kaniyang harapan. Nagulat na lang siya ng haplusin nito ang kaniyang buhok. Nang tingnan niya ito ay binigyan siya nito ng isang malambing na ngiti.
"I knew from the very start that I chose a wonderful wife." Saad nito dahilan para mas lalong mag-init ang kaniyang mga pisngi. Bumilis din ang pintig ng kaniyang puso ng bumaba ang kamay nito sa kaniyang balikat, "Walang may alam sa simula kung paano maging mabuting asawa. Pero matututunan mo din sa pagdaan ng mga araw. Ang kailangan mo lang gawin ay kilalanin ng mabuti ang mapapangasawa mo."
Doon siya naguluhan. Bakit parang nagsasalita ito na para bang hindi ito ang mapapangasawa niya?
Magtatanong na sana siya kaso ay bumukas na ang elevator at nakuha na ni Samuel ang kaniyang maleta bago ito nagpatiunang lumakad. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.
Pagdating sa harap ng pintuan ng Unit 247, inilabas ni Samuel ang card sa bulsa nito at in-scan iyon sa lock. Nang bumukas ang pinto ay humarap ito sa kaniya at iniabot ang card.
This is yours. Don't lose it."
Napatingin siya sa card bago kinuha iyon. Muli, bumalik ang kabang kanina ay lumulukob sa kaniya.
"So, this is it?" Tanong niya sa sarili.
Napansin naman ni Samuel ng kaniyang kaba kaya nito inabot ng kaniyang balikat at pinisil iyon dahilan para muling mabaling ang atensyon niya dito.
"Don't worry, Ms. Montecillo. He's a good guy."
Hawak ang kamay niya, dinala siya ni Samuel sa sala ng unit. Pinaupo siya nito sa black leathered sofa bago siya iniwan. Wala na siyang nagawa kundi ang maghintay habang tahimik na iniikot ang paningin sa paligid.
Simple lang ang sala pero malakas ang eleganteng awra niyon. Black, white and gray ang kulay ng mga kagamitan na umaayon sa kulay ng dingding na puti. Maliban sa sofa na nasa gitna ng sala, sa 52 inches tv at sound system na parang nakadikit na sa dingding dahil nakapaloob iyon ng kaunti doon, itim din ang frame ng sketches na nakadisenyo sa magkabilang gilid kinalalagyan ng TV. Ang sketches naman ay puro lugar ang tema; riverside, bundok at kagubatan.
Sa likuran naman ng kinauupuan niyang sofa ay may malaking kabinet kung saan maayos na nakasalansan ang ilang libro at cd cases. May mga trophies ding nakalagay sa pangalawang hilera ng kabinet habang sa ibaba ng unang hilera kung nasaan ang mga libro ay closed shelves naman.
Paglingon niya sa kanan ay napatulala siya. Eksakto kasing papalubog ang araw at kitang-kita niya doon ang kagandahan ng paglubog niyon. Parang wala sa sariling napatayo si Shei upang lumapit sa glass door.
She can't help smiling while staring at the orange sky that moment.
Hindi niya alam kung kailan niya huling nabigyan ng pansin ang mga ganoong simpleng bagay mula ng mawala ang kaniyang mga magulang kahit pa isa siyang nature geek mula pa noong bata siya. Hindi tuloy niya napigilang mapaluha.
Nagulat na lamang siya ng marinig niyang may kumalampag mula sa pintuang pinasukan ni Samuel kanina. Paglingon niya ay natigilan siya dahil hindi si Samuel ang nasa may pintuan kundi isang taong hindi niya kilala.
SAKTO namang katatapos mag-ayos ni Keenan ng guest room nang may kumatok sa bukas na pintuan niyon. Paglingon niya ay si Samuel ang nakita niyang nakasandal sa hamba ng pintuan.
"Para kang pusa ah? Kanina ka pa diyan?"
"Hindi naman. Sakto lang na nag-aayos ka ng kama noong dumating ako." Nakangisi nitong sagot na hindi na lang niya pinatulan dahil alam niyang inaasar lang siya ng kaibigan. Maya-maya ay lumapit ito sa kinatatayuan niya.
"Talagang pinaghahandaan ang pagdating ni wifey?"
"Hindi naman. Pero nakakahiya naman na ipapagamit ko sa kaniya itong kwarto ng hindi man lang nalilinis. Pinalitan ko lang 'yung kobre kama at mga punda dahil mula noong bumalik si Manang Rosie sa kanila, hindi ko na nakasikaso itong bahay. Ayaw ko namang may ibang gagalaw ng gamit ko dito maliban kay Manang."
"Oo nga pala. Nakalimutan kong may trust issues ka sa house keeping services."
Napaiwas na lang ng tingin si Keenan dahil naalala niya noon 'yung housekeeper na kinuha niya para maglinis ng condo niya dalawang beses sa isang linggo.
Kumuha siya ng housekeeper para linisin ang condo pero binilinan niya iyon na huwag gagalawin ang estante ng collectibles niya. Kaso, pinakialaman pa din nito iyon dahil maalikabok na daw ang estante, bagay na hindi totoo dahil personal niyang nililinisan iyon kada linggo at salamin din ang takip ng estante kaya hindi iyon basta-basta maaalikabukan sa loob lamang ng tatlong araw. Dahil sa pagiging pakialamero ng housekeeper, nabasag nito ang isa sa gundam collectibles niya.
It was worth 15K but the price is not the problem for him. In fact, he can buy one or two more if he wants to. The problem is, he is a sentimental person.
Ang nabasag kasi ng house keeper ay ang pinakaunang gundam collectible na nabili niya gamit ng pinakaunang pinaghirapan niyang kitain na pera. Mayaman man sila, hindi sila pinalaking spoiled ng mga magulang. Tinuruan sila ng mga ito na paghirapan muna ang mga bagay na nais nilang makuha.
Mula noon, hindi na siya umasa sa house keeping services o sa kahit na kanino pagdating sa paglilinis ng condo niya. Hindi naman iyon ganoon kalaki kaya personal na lang niyang nililinis iyon kapag sabado, bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ng kapatid niyang si Kamila. Palibhasa ay may katulong ito sa sarili nitong bahay sa Forbes.
"Paano 'yan? May makakasama ka na dito?"
"I'll brief of her of things regarding the rules in my condo." Sagot niya bago naglakad palabas ng silid. Sumunod naman sa kaniya si Samuel.
"Napaka-business like."
"Well, if you look into it, what we did is business-like; more or less a partnership. With all the contract and papers."
"It's not a simple contract, Keen. You are legally married to her, remember?"
"I know."
"Anyway, I will leave her in your care." Saad ni Samuel sabay abot sa kaniya ng key card na pinahiram niya dito kahapon, "Nandoon siya sa sala. Mauna ka na doon para magkakilala na kayo. Kuha lang ako ng maiinom sa ref mo."
Bago pa makasagot si Keenan ay nakaalis na sa harapan niya si Samuel. Napakamot na lang siya ng ulo at napabuntong-hininga bago nagdesisyong puntahan ang babaeng tinutukoy ng kaibigan.
"Shei." Bulong niya sa pangalan ng babae bago sandaling tumigil sa paghakbang, "Paano ko siya tatawagin? Ms. Montecillo?" Kausap niya sa sarili.
Papasok na sana siya sa sala ng sandali siyang natigilan pagkakita niya sa dalaga. Nakatitig kasi ito sa labas ng balkonahe niya.
The way the orange sunset traces her silhouette mesmerized him. It made him breathless for a second. Then some hazy memory flashed in his mind. He felt like he had seen that moment before but he could not remember when or where; like deja vu.
Hindi niya alam kung dahil lang ba sa sunset pero pakiramdam niya ay gusto niyang manatili na lang na nakatitig sa babae habang pinagmamasdan nito ang kalangitan. Sasandal na sana siya sa hamba ng pintuan para hayaan muna ang dalaga sa pagtitig sa labas kaso ay na-miscalculate niya ang distansya niya mula roon. Kaya sa halip na mapasandal ay lumampas siya dahilan para makagawa siya ng ingay na siyang nakakuha ng atensyon ng babae.
Gusto na niyang batukan ang sarili ng mga oras na iyon pero umayos siya ng tayo para sana harapin ang dalaga na parang walang nangyari pero napatitig lang siya sa mga mata nitong nakatingin na sa kaniya.
To his surprise, he saw tears in her eyes.
"Sino ka?" Tanong nito sa kaniya.
SISIPOL-SIPOL naman si Samuel habang sakay ng elevator ng mga oras na iyon. Hindi kasi totoong kukuha siya ng maiinom ng magpaalam siya kay Keenan. Sinadya niyang sabihin iyon para takasan ang dalawa. Tutal naman ay tapos na niyang gawin ang pabor na hiningi sa kaniya ni Keenan nang madala na niya sa condo nito si Shei, kaya nagdesisyon siyang bumalik na sa trabaho.
Maya-maya ay kinuha niya mula sa bulsa ang litrato ni Shei na kinuha niya noon sa folder nito na ibinigay niya kay Keenan. Sandali niyang tinitigan iyon bago gumuhit ang isang kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Did I make the right decision?