CHAPTER 2
"OH Keenan? Aalis ka na kaagad?" Mula sa text message na binabasa ay napaangat ng tingin si Keenan Gevero sa babaeng kapatid na kapapasok lang ng gate nila.
As usual, she is wearing a white 3-4th blouse matching with a maroon knee length skirt and a pair of two inched heeled maroon wedge.
Tinanggal nito ang suot na sunglass ng makalapit sa kaniya, "Don't tell me you're running away again?"
"No. I'm not. I just have some urgent things to do." Sagot niya pero tinaasan lang siya ng kilay ng kapatid.
Their family was suppose to have dinner that night but he received a text message from Samuel that he finally found a perfect wife for him.
Kaagad siyang nagpaalam sa mga magulang na kailangan niyang bumalik sa kumpanya dahil may kailangan siyang asikasuhin kaagad. Laking pasalamat niya na hindi na nagtanong ang mga ito.
"You better be, Keen." Saad nito sabay balik ng sunglass sa mga mata, "Anyway, tuloy daw ba 'yung dinner sa sunday?"
Natigilan siya dahil nakalimutan niya ang bagay na iyon pero hindi niya pinahalata iyon sa kapatid, "I think so. Wala namang nabanggit sila Mama na cancelled iyon."
"I see. So, we will finally meet the wife you've been hiding from us?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Keenan dahil hindi niya alam kung magugustuhan ba niya ang babaeng sinasabi ni Samuel pero dahil kailangan niyang may maidala na babae sa kanilang family dinner, by hook or by crook, tumango na lang siya bilang sagot.
"Mabuti naman. Baka magtampo na ng tuluyan sa iyo si Mama kapag hindi. Though we we're thinking if your ring and what you said is true. Alam naman naming private kang tao pero hindi lang kasi namin inaasahan na mag-aasawa ka ng wala kaming kaalam-alam." saad ni Kamila.
"It's... complicated. Anyway, I really have to go." Pag-iwas ni Keenan sabay bulsa ng cellphone.
"Okay. Bye! I'll ask Manong to open the gate for you."
Nakahinga lamang ng maluwag si Keenan pagkalabas niya ng bahay sakay ng kaniyang Harley. Mula Corinthian Gardens kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang ay kaagad siyang dumiretso sa condo unit ni Samuel sa The Symphony Towers.
Pagkarating niya sa 20th floor kung saan nakatira ang kaniyang kaibigan ay nasalubong niya ang isang babaeng sopistikada na nakasuot ng pure black mini dress na tinernuhan nito ng black stelleto. Nanggaling ito sa unit ni Samuel kaya nagkaroon siya ng hinala lalo na ng pagpasok nito sa elevator na pinanggalingan niya ay tinapunan pa siya nito ng kindat bago nagsara ang pintuan niyon.
"No. Definitely not." Protesta niya bago tumuloy sa unit ni Samuel.
As he expected, Andrei is already there and both of them are drinking beer while playing darts.
Sabay pang napatingin ang dalawa sa kaniya pagkarating niya sa sala.
"Keen!"
Napatingin siya sa paligid pero wala siyang makitang babae. Lalong lumakas ang hinala niya na ang babae kanina ang tinutukoy ni Samuel.
"Come on, Sam. Absolutely not. Hindi ganoong klase ng babae ang ihaharap ko sa mga magulang ko sa linggo."
Nagkatinginan si Sam at Andrei bago sabay na tumawa. Lalong kumunot ang noo ni Keenan.
"Aw come on, Keen. We all know that you are in a rush to find someone who will act as your wife in front of your family but you don't have to think that every woman we show to you is the candidate we are talking about.
And the woman you saw earlier is Andrei's new Manager. Huwag kang judgemental."
"Wait. Are you in a panic or what?" nakangising tanong naman ni Andrei na naupo sa gilid ng billiard table at humalukipkip.
Nakahinga naman siya ng maluwag bago naupo na rin sa sofa na nakaharap sa mga kaibigan na itinuloy na ang paglalaro ng darts.
"I don't know, Drei. It's just that I feel like I'm walking on a thin ice. That if my parents found out that I was lying about being married just because I don't like the woman they chose for me, I might lose the position I'm aiming for within the company.
Kilala niyo naman sila. Galit na galit sila sa mga taong sinungaling. Grabe 'yung galit nila noong sinabi kong ikinasal na ako, paano pa kapag nalaman nilang hindi iyon totoo?" napapailing niya saad bago napasandal sa sofa.
"Sabi ko naman sa'yo noon pa. Dapat inayos mo na iyang habit mo na bigla-bigla na lang nagsasalita ng hindi muna nag-iisip." sambit ni Andrei na siyang tumitira ngayon sa dart board habang nasa bar counter si Samuel para kumuha ng ilan pang lata ng beer.
"I was trying to control myself. It's just that when they mentioned the name of that woman, my mind just went into panic."
Naalala na naman tuloy niya ang ex na siyang pinili ng mga magulang niya para mapangasawa.
"Hanggang ngayon ba, bitter ka pa rin kay Blanca?" nakangising tanong ni Samuel na pataas-taas pa ang kilay.
Siningkitan naman niya ito ng tingin, "No."
"Yeah, right. Hindi kaya bumabawi ka lang sa pagtanggi niya sa proposal mo noon?
Hindi mo ba alam 'yung kasabihan na 'Love is Sweeter the second time around.'? Malay mo naman, ngayon 'yung tamang oras para sa inyong dalawa kaya pumayag na siya sa gusto ng mga magulang niyo."
"Woah! Samuel is talking about love? is this for real?" gulat naman na saad ni Andrei.
Napakamot na lang ng ulo si Samuel, "Shut up, Drei." kastigo nito sa kaibigan bago ibinalik ang atensyon sa kaniya.
Umiling si Keenan, "Past is past and I don't like going back there. And I'm not fond of giving second chances especially if they don't even show any effort to have it."
Nagkatinginan na lamang si Andrei at Samuel dahil ramdam nila sa mga salita ni Keenan na nandoon pa din ang hinanakit nito sa pagtanggi ni Blanca sa proposal nito noong graduation nila sa college.
"Hindi pa kayo nagkikita niyan, ha? Paano na lang kapag nagkita na ulit kayo?
Hindi naman siguro pipiliin ng mga magulang mo si Blanca kung ayaw pa rin niya."
"Gusto man niya o hindi, wala akong pakialam. I already said that I have a wife." Medyo inis na niyang litanya bago tumayo at kinuha ang beer na dapat ay dadalhin sa kanila ni Samuel.
Diretso niya iyon na nilagok pagkabukas bago bumalik sa kinauupuan.
"Let's not to about her, okay? You texted me to come here because you said that you finally found the right person to be my wife." Baling niya kay Samuel.
Pagkabigay ng kaibigan ng maiinom kay Andrei ay naupo naman ito sa kaibayong upuan paharap sa kaniya. Sandali nitong kinuha ang bag na nasa lapag at inilabas doon ang isang makapal na red folder at ibinigay sa kaniya.
"Profile ng mapapangasawa mo, background niya, all the legal papers and marriage contract are in there. See for yourself if you will like the woman a chose. There's also some pictures included.
Ang kulang na lang ay singsing na kapareho niyang suot mo. Siguro naman, kayang-kaya mo ng gawan ng paraan iyon?"
Inilapag ni Keenan ang red folder sa mesa at isa-isang tiningnan ang mga papel sa loob.
He pre-signed all the papers when Samuel gave it to him a month ago and now that it was returned to him, everything was already legalized.
"Shei Maria Montecillo." Banggit niya sa pangalan ng babaeng nakalagay sa marriage contract nila.
"Shei Maria Montecillo Gevero. Sounds perfect." Saad naman ni Samuel habang nakahalukipkip sa sofa at naka-de-kwatro.
"Maganda." Sambit naman ni Drei na nakisilip na din mula sa likuran niya.
Long wavy black hair, heart-shaped face, dark almond eyes, thin pinkish lips, proportionate body; the woman on the picture seems to know her style. She might be wearing a simple white sleeveless polo matching with a peach colored knee length skirt and one-inched heeled wedge, but everything enriched her beauty.
"Ikaw naman yata ang may type dito, Sam?" Komento ni Andrei na sandaling ibinaling ang tingin sa kaibigan.
"Yeah. But she's a different kind of woman. So, not for me." Sagot nito bago ibinaling sa kaniya ang atensyon, "So? What do you think?"
"All are legalized already. May magagawa pa ba ako?"
Samuel's face became serious when he looked at him, "Keen. It is your life. You will live with her for two years. Even if those papers are already legal, you still have to choose."
Huminga muna ng malalim si Keenan bago ibinalik ang mga papel sa folder, "She seems to be a nice woman. And you chose her. I'll trust your judgement, Sam."
"Sure?"
"Yeah."
"Then, shall we now arrange your after marriage plans?" Tanong ng kaibigan na biglang nagbago ang mood.
Napakunot-noo si Keenan samantalang naupo naman sa tabi niya si Andrei.
"What do you mean?"
"Honeymoon, Keen. Honeymoon."
ILANG linggo na mula noong interview niya sa WGM Enterntainment pero hindi pa rin siya tinatawagan ni Samuel kahit na sinabi nitong hired na siya.
Sa pagdaan ng mga araw ay nawawalan na ng pag-asa si Shei na matutuloy pa ang trabaho niya kaya patuloy pa din siyang nagpasa ng resume sa iba't-ibang establishments. Pero katulad ng dati, wala pa rin siyang mahanap na trabaho. May mga interview siyang napuntahan pero hindi na siya tinawagan ulit pagkatapos.
Muli ay tiningnan ni Shei ang kaniyang bank book at four digits na lang ang laman niyon. Naiiyak na lamang siyang lumabas ng banko para umuwi.
Kaso nang patawid na siya sa kabilang kanto ay may tumigil na chevrolet sa kaniyang harapan dahilan para matigil siya sa paghakbang. Pagbukas ng bintana ay nabungaran niya si Samuel na nakangiti sa kaniya.
"Get in. We're going to your house to get your stuffs." Utos nito.
Kumunot naman ang kaniyang noo, "Stuffs? Bakit?"
"Tonight will be the start of your work, Mrs. Gevero."