HANNAH'S POV: MABIBIGAT ang paghinga naming dalawa habang nakatitig sa isa't-isa na may ngiti sa mga labi. Basang-basa na rin ito at nakatutok sa amin ang shower. Humaplos pataas sa kanyang dibdib ang palad ko na yumapos sa batok nito. Kumapit naman siya sa baywang ko na marahang pinisil pa iyon. "Masaya ka ba talaga sa akin, sweetheart?" tanong nito na ubod ng lambing. Matamis akong napangiti. Bahagyang tumingkayad na inilapit ang mukha ko dito. Yumuko naman siya hanggang magpantay ang aming mukha. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito at parang manlalambot ang mga tuhod ko sa tiim ng kanyang mga titig! "Sobra. Sobrang saya ko sa piling mo, Russel. Please, don't change. Hindi naman ako naghahangad ng labis. Masaya at kuntento na ako na inaalagaan mo ako. Pinapasay

