bc

Mr Smith's Young Wife

book_age18+
2.7K
FOLLOW
25.9K
READ
billionaire
love-triangle
HE
age gap
arranged marriage
dominant
badboy
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
lies
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Lumaking may mabuting puso ang dalagang si Hannah. Masaya at kuntento ito sa buhay. May mga magulang itong nakasuporta sa kanya sa lahat ng pangarap at naisin niya sa buhay. Hindi sila matatawag na sobrang yaman pero hindi rin naman matatawag na mahirap ang kanilang pamilya. Isang owner ng bangko ang daddy nito. Habang ang ina naman niya ang namamahala sa kanilang tahanan. Pero unti-unting nagbago ang lahat nang dumating ang tita nito at pinsan sa kanilang bahay. Kasabay pa nito, ang biglaang pagkaatake sa puso ng kanyang ama!

Naging sunud sunuran sina Hannah at ina nito sa kanyang tita at pinsan. Ginawa silang katulong ng mag-inang masama ang ugali. Dahil hindi legal na mag-asawa ang mga magulang ni Hannah, kaya naman hindi naipaglaban ng ina niya ang bangko nila nang kunin iyon ng hipag niya lalo pa’t may lumabas na last will and testament ng kanyang ama na ibinibigay nito sa nakababatang kapatid ang pamamahala sa bangko.

Nagkasakit ang ina ni Hannah. Dahilan para mas lalo siyang inapi ng mag-inang Daniella at Delilah. Nanatili sa hospital ang ina nitong may sakit. Habang si Hannah ay naninilbihan sa mag-ina para sa maliit na halaga na binibigay ng kanyang tita Daniella pambili nito ng gamot ng ina nitong nasa hospital. Hindi naman siya pwedeng maghanap ng trabaho dahil ginawa siyang all around maid sa bahay nila.

Hanggang sa ipakasal si Delilah sa isang misteryosong binata na dating mayaman. Pero ayon sa balita, nalugi ang kumpanya nito kaya naman wala na itong maski anong ari-arian at pera. Tumanggi si Delilah na mapag-alaman niyang daig pa ng isang pulubi ang mapapangasawa nito. Dahil bukod sa wala na itong pera at bahay, wala din itong trabaho dahil walang tumatanggap sa kanyang kumpanya.

Pero dahil kailangan nilang sumunod sa kasunduan para mag-invest ang pamilya ng binata sa kanilang bangko, pumayag ang mag-ina pero ang ipinakasal sa binata ay walang iba kundi si Hannah!

Kapalit ng malaking halaga na magpapagaling sa ina nitong may sakit, pumayag si Hannah na maikasal sa hindi niya kakilala. Pero nang araw mismo ng kanilang kasal ay nagulat ito na makilala kung sino ang binata! Walang iba kundi ang boss ng dating kasintahan nito na nagtaksil sa kanya!

“Akala ko ba isang pulubi ang magiging asawa ko. Bakit ang isang tanyag na si sir Russel Smith ang nandidito? Imposibleng naghihirap na siya at bumagsak ang kumpanya niya. Maayos pa naman iyon–two years ago a. Na-bankrup nga kaya siya kaya heto at magpapakasal sa isang katulad ko kahit na wala naman siyang mapapala sa akin?” usal ni Hannah na walang kakurap-kurap na nakamata. . . sa kanyang magiging asawa!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HANNAH: NANGINGITI akong nakasakay ng taxi habang nakalapag sa lap ko ang dala kong chocolate cake na paborito ni Evans. It's our first anniversary today and I want to surprise him. Mukhang abala ito sa trabaho kaya hindi manlang naalala na anniversary namin ngayong araw na ito. Mamayang gabi ko pa sana siya dadalawin dahil nasa trabaho pa ito. Pero bigla na lang akong hinila ng aking mga paa na lumabas ng bahay at puntahan ang nobyo ko. Kanina ko pa kasi hinihintay na batiin niya ako. Pero maski good morning, babe na madalas niyang pagbati sa akin sa umaga ay wala akong natanggap. Lately ay napapansin kong nanlalamig siya sa akin. Nasabi naman niya na abala sila ngayon sa kumpanya. Isang executive manager si Evans sa Smith's Corporation. Bagong promote kasi itong manager kaya naman abala na ito sa kanyang trabaho. Iniisip ko na lang na nahihirapan ito sa adjustment ng trabaho niya bilang executive manager ng malaking kumpanya. Kaya nabawasan na ang oras niya sa akin. Tipong halos hindi na niya ako maalalang itext kahit batiin manlang sa umaga. Napatitig ako sa bigay nitong promise ring sa akin noong sinagot ko na siya. Isang taon na rin pala. Ang bilis ng panahon. Isang taon ko na palang nobyo si Evans. Sinagot ko siya sa araw mismo ng graduation ko. Dalawang taon din kasi siyang naghintay sa akin. I was eighteen when we first met. Nakilala ko siya sa debut ko. Kabilang kasi siya sa nag-abot ng 18'th roses sa akin at isinayaw sa gitna. Nag-aaral pa ako noon kaya hindi ko pa siya sinagot. Matyaga itong naghintay sa akin. Palagi niya akong pinapadalhan ng mga regalo at bulaklak. Every sunday ay dumadalaw ito sa bahay. Kasama namin siya ng mga magulang ko na nagtutungo sa simbahan. Kaya maging sina mommy at daddy ay boto dito dahil nakilatis na nila ito. Hinahayaan naman kami ng mga magulang kong lumabas paminsan-minsan. Pormal kasi akong ipinapaalam ni Evans sa kanila. Hindi rin naman ito lumalagpas sa boundaries naming dalawa. Noong nanliligaw pa lang ito, kahit holding hands ay hindi namin ginagawa. Napaka gentleman niya na tipong nakahanda siyang protektahan ka. Mabait si Evans. Marespeto, magalang, family oriented at hard working sa trabaho nito. Sa loob ng dalawang taon, hindi ito nagsawang ligawan ako at maghintay sa akin. Kaya noong graduation ko, ibinigay ko na sa kanya ang matamis kong oo. Sa harapan mismo ng mga magulang ko, sinagot ko siya. Naiyak pa ito sa labis-labis na tuwa at gulat na sinagot ko na siya! Hindi naman nagbago si Evans nang maging kami na. Sa weekend lang kami nagkikita kasi may trabaho ito sa weekdays. Ako naman ay abala din sa pagtulong sa mga magulang ko sa maliit naming vineyard. Dumadalaw ito sa bahay at ipinapaalam niya ako kina daddy kapag lalabas kaming dalawa. At kahit nobyo ko na siya, hindi pa rin ito lumalagpas sa boundaries namin. Hanggang holding hands at yakap lang muna ang nagagawa namin. Nagki-kiss naman kami pero 'yong sakto lang. Smack kiss, forehead kiss, cheeks kiss o kaya ay nose kiss lang muna ang nagagawa namin. Alam niyang hindi pa ako handa at iginagalang niya iyon. Alam kong may mga pangangailangan din siya na hindi ko pa naibibigay. At ilang taon na rin itong naghihintay sa akin na ipagkaloob sa kanya ang bagay na iyon. Natatakot kasi ako. Gusto ko, kapag ipagkaloob ko na ang sarili ko sa isang lalake, siya na 'yong mapapangasawa ko. 'Yong makakasama ko habang buhay. Gusto kong ipagkaloob ang kalinisan ko sa lalakeng magiging katuwang ko hanggang sa aking pagtanda. Pero sa ngayon, hindi ko pa kasi nakikita ang husband material kay Evans. Hindi ko alam pero. . . parang hindi ko pa kasi siya kabisado kahit tatlong taon ko na siyang kilala. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nakikilala sa mga kaibigan nito. Ang sabi nito ay wala daw talaga siyang mga kaibigan sa trabaho. Sa probinsya din naroon ang pamilya niya. Kaya ni minsan ay hindi ko pa sila nakilala dahil hindi pa naman kami nagpupunta doon ni Evans. Dati ay nakatira ito sa apartment. Pero nang ma-promote ito bilang executive manager sa kumpanyang pinagtatrabahuan nito, may nagagamit na itong sariling kotse at condo mula din sa kumpanya! Masaya ako kasi nakikita kong umaasenso na ang boyfriend ko. Pero may lungkot din dahil naging abala na ito. Na halos hindi na niya ako maalala dahil sa kanyang trabaho. Inuunawa ko na lamang siya dahil alam kong hindi biro ang sitwasyon niya ngayon. Kailangan niyang galingan sa trabaho at magampanan ng maayos ang posisyon niya. Dahil sa isang pagkakamali lang nito, maaari siyang bumagsak at mawalan ng trabaho! NAPABUGA ako ng hangin nang makarating na kami sa Smith's Corporation. Napakataas ng building na mangangalay ang leeg mo sa pagtingala dito. Matapos kong magbayad sa taxi, bumaba na ako dala ang cake na binili ko. Maga-alasdose naman na ng tanghali kaya tiyak kong lalabas na si Evans ng opisina nito. Napapikit ako na humugot ng malalim na hininga bago pumasok ng kumpanya. Magiliw naman akong pinapasok ng mga guard at na sinuri lang ang laman ng bag ko at dala kong cake. Hinanapan din nila ako ng ID at tinanong kung sino ang pakay ko sa loob. Mabuti na lang at isa ng executive manager na si Evans. Madali lang nilang natandaan ito sa dami ng empleyado sa kumpanya. Kabado ako habang nakasakay ng elevator paakyat sa floor kung saan naroon ang opisina ni Evans. Sinabi naman sa akin ng mga nasa front desk kung saang floor ang opisina nito. Dahil isa ng executive manager si Evans dito sa kumpanya, naging mas popular na siya sa mga empleyado dito. Habang hinihintay na bumukas ang elevator ay pabilis naman nang pabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam pero. . . kakaiba ang bilis ng t***k nito ngayon. Para akong mabibingi na hindi maipaliwanag ang kabang nadarama. Napapikit ako na ilang beses nag-enhale exhale para maibsan ang kabang nadarama ko. Effective naman dahil dama kong humupa ang bilis ng t***k ng puso ko. Napabuga ako ng hangin na pilit ngumiti hanggang sa huminto na ang elevator at tumunog. Akmang lalabas na sana ako nang tila nag-slowmotion ang pagbukas nito nang mag-angat ako ng mukha at may pumasok na naka-formal attire! May kausap ito sa cellphone habang nakapamulsa ang isang kamay. Napalunok ako na nagkarambola ang pagtibok ng puso ko! Dama ko ang pangangatog bigla ng mga tuhod ko na hindi makakilos sa kinatatayuan. Nakasuot ito ng reading glasses, bahagyang salubong ang mga kilay at nakakapanghina ng mga tuhod ang pabango nito lalong-lalo na ang angking kagwapuhan! Para akong nakakita ng artista sa pagkakatulala ko sa kanya! Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 6'9 din ang height niya! Napakaperperkto ng pagkaka-build ng katawan nito na tila ang sarap magpakulong sa kanyang bisig! Sa liit ko ay nagmukha akong paslit na maitapat sa kanya. Hanggang dibdib niya lang kasi ako kaya nakatingala ako sa kanya. "Aren't you going out, ms?" tanong nito na napakalalim ng baritonong boses! "Ha?" tulalang sagot ko. Natawa pa ito na lalong ikinalutang ko habang nakatitig sa kanya. Para akong malulusaw sa mga mata nitong nakatitig sa akin na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. "I'm on my way, dude. Sige na," pamamaalam nito sa kausap na ibinaba na ang linya at ibinulsa ang cellphone. Napasuri pa ito sa kabuoan ko mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy mapigilang pamulaan ng pisngi dahil simpleng white blouse at black pencil skirt ang suot ko na tinernohan ko ng black stiletto. Light makeup lang din ang ayos ko na nakalugay ang mahaba, unat at itim kong buhok. Napatango-tango pa ito na nakapaskil pa rin ang pilyong ngisi sa mga labi. "Damn. So young and fresh," mahinang usal nito na umabot pa rin sa pandinig ko. "Lalabas ka ba? O sasama ka sa akin?" seryosong tanong nito. Saka lang ako natauhan na ikinataranta ko! Hiyang-hiya ako sa kanya na nakatulala na pala ako sa kanya at nawala sa isip na lalabas na ako ng elevator! "P-pasensiya na po, sir." Utal kong paumanhin na nagmamadaling lumabas ng elevator. Dinig kong mahina itong natawa na nakasunod ng tingin sa akin. Huminto ako na nilingon ito at papasara na ang elevator. Kita ko pa naman siya mula sa loob at bago tuluyang nagsarado ang elevator, kitang-kita kong kumindat pa ito na nakangising ikinapitlag kong parang lumukso ang puso ko palabas ng ribcage nito! "Gosh! Napakagwapo naman niya! Sino kaya siya? Ang swerte naman ng girlfriend o asawa niya," usal ko sa isipan na tulalang naglakad ng hallway. Napapikit ako na kinastiguhan ang sarili. "Tumigil ka nga, Hannah. Ang boyfriend mo ang pinuntahan mo dito. Anniversary niyo ngayon. Kilabutan ka nga." Piping usal ko na napatampal sa noo. Muntik pang malihis ang pakay ko dito sa kumpanya dahil sa lalakeng iyon. Kung bakit naman kasi ang lakas ng dating e. Idagdag pang napakabango nito na kay sarap singhutin! Kahit sinong babae ay kikiligin na makita siya lalo na ang ginawa niya kaninang pagkindat sa akin na may makahulugang ngising nakapaskil sa mga labi! Nang nasa tapat na ako ng pinto ng opisina ni Evans, tumuwid ako ng tayo na inayos ang buhok ko. Napangiti na hinaplos ang pangalan nitong nasa pintuan. "Executive manager Evans Aguilar." Basa ko sa pangalan nito. Napatikhim ako na magkasunod na kumatok sa may pinto bago dahan-dahang binuksan iyon. Napadungaw pa ako ng ulo na sinilip ang loob pero. . . wala si Evans sa swivel chair nito. Nangunotnoo ako na tuluyang pumasok at maingat na isinarado ang pintuan. "Ang sabi naman sa baba nandito siya a. Bakit wala siya? Nasa pantry na kaya siya?" usal ko na napangusong napagala ng paningin sa opisina nito. Maayos, malamig at tahimik ang opisina nito. Mukhang si Evans lang ang nandidito dahil mag-isa lang ang office table na nasa sulok. Sa ibabaw ng mesa nandoon ang laptop nito, ilang folder na nasa ibabaw ng mesa at maging ang coat nito na nakasabit sa gilid. "Oohhh--more, baby. Fvck me harder!" Natigilan ako na nanigas sa narinig kong halinghing mula kung saan! Kinilabutan pa ako dahil parang nahihirapan na nasasarapan ang boses ng babaeng pamilyar sa pandinig ko! "Aahh! s**t! Aaahh! Sige pa! Sige pa, baby! Malapit na--aahh!" Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan na muling narinig ang ungol na ikinatuod ko sa kinatatayuan na malingunan ang pinto ng restroom sa sulok nitong opisina! Tulala ako na parang nahihipnotismong dahan-dahang naglakad palapit doon. Parang may boses ang nag-uudyok sa akin na silipin ang nangyayari sa loob kahit dama kong nangangatog na ang mga tuhod ko sa halo-halong nadarama ko! Dinig ko ang pagsasalpukan ng kung ano mula sa loob. Kasabay ang ungol ng dalawang tao na tila may milagrong ginagawa sa loob ng banyo! Napalunok ako. Napakapit ng mahigpit sa dala-dala kong box ng cake. Sumilip ako sa may pinto at bahagyang nakabukas iyon! Pero para lang akong natuklaw ng ahas sa nakita at hindi kaagad nakakilos! Nanigas ako sa kinatatayuan na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na makita kung sino ang dalawang tao mula sa loob ng banyo at kung ano ang ginagawa nila! "E-evans. . . M-maris?" nanginginig ang boses kong sambit. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko na nakamata sa dalawa sa loob! Nakatukod ang kamay ni Maris sa countertop ng lababo habang nasa likuran nito si Evans. Inosente man ako pero alam ko naman kung anong ginagawa nila. Na dapat ay hindi nila ginagawa dahil una sa lahat, boyfriend ko na si Evans. At si Maris? She's my best friend! Paano nila naatim gawin ito sa akin? At sa araw pa mismo ng anniversary namin?! Para akong tinutusok ng libo-libong karayom sa puso habang nakamata sa kanila na nasasarapan! Nakahawak pa si Evans sa dibdib ng best friend kong sarap na sarap na nakatuwad sa boyfriend ko. At itong boyfriend ko naman ay sarap na sarap din sa ginagawa nitong pambabayo kay Maris! Hindi ba nila ako naiisip habang ginagawa ang bagay na ito? Kailan pa? Kailan pa ako niloloko ng dalawang ito? Bakit? Anong nagawa ko sa kanila para gawin sa akin ang bagay na 'to? Hindi ko na kinaya ang mga nakikita ko. Nabitawan ko ang cake na naglikha ng ingay na ikinalingon nilang dalawa sa akin! Namilog ang kanilang mga mata na makita ako! Malalaki ang hakbang na pumasok ako ng banyo at sinugod ang mga ito! "Mga hayop kayo! Taksil!" sigaw ko na dinakma ang mahabang buhok ni Maris at sinabunutan itong inginudngod sa countertop! Napaatras naman si Evans na kita ko sa peripheral vision kong nagmamadaling itinaas ang brief at pants nito! "Hayop kayo! Paano niyo naaatim mag-s*x dito sa banyo?! Kailan niyo pa ako niloloko?!" sigaw ko na pilit nginungudngod sa countertop ang mukha nito kahit nanlalaban siya! Nanginginig ang katawan ko at para akong sinapian bigla sa mga sandaling ito! Para akong bulkang sumabog sa pag-aalboroto! "Kailan pa? Pwes matagal na, Hannah!" palabang sigaw ni Maris sa akin na ikinatigil ko! Sinamantala niya iyon na itunulak ako at inayos ang buhok nitong sabog-sabog. Namumula na ang mukha nitong inginudngod ko sa countertop. "A-ano? Matagal niyo nang ginagawa ito habang magkarelasyon kami ni Evans?" hirap na hirap kong tanong ditong ngumisi na hinila si Evans sa tabi nito. Napalunok ako na napababa ng tingin sa kamay nitong pumulupot sa braso ni Evans. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko na nag-angat ng tingin sa kanilang mukha. Hindi naman makatingin sa akin ng diretso si Evans. Habang si Maris ay nakangisi sa akin na tila tuwang-tuwa pa na nakikita niya akong luhaan dahil sa kanilang dalawa. "Oo, Hannah. Matagal na namin itong ginagawa ni Evans. Bakit? Because you're boring. Ni hindi ka marunong humalik. Anong makukuha ni Evans sa'yo? Hello? Wala na tayo sa panahon nila Maria Clara at Ibarra, Hannah. Na gagawin niyo lang ang pagtatalik kapag ganap na kayong mag-asawa. Kaya hindi mo masisisi si Evans na tumikim ng ibang putahe dahil hindi mo naibibigay ang mga pangangailangan niya. Ikaw ang nagkulang, Hannah. Kaya hwag na hwag kang manunumbat. Nagtaon lang na nandidito ako. Nakahandang ibigay ang mga pangangailangan ni Evans bilang lalake." Pagmamalaki pa nito na wala manlang bahid ng kunsensya ang mukha at boses. "At proud ka pa sa ginagawa mo? Proud ka na ikwento sa aking best friend mo kung paano ka magpakamot ng kati mo sa boyfriend ko?" hindi makapaniwalang tanong ko dito na pagak na natawang dinampot ang panty nitong nasa sahig. "Oo. Bakit pa ako mahihiya? E totoo naman iyon. Hindi lang isang beses, Hannah. Kundi maraming beses na. Dito sa banyo, sa bawat sulok nito. Sa buong opisina ni Evans. Sa mesa niya. Sa kotse lalong-lalo na. . . sa condo niya. Ginagawa namin ang nakita mo, Hannah. Nagsisex kami ni Evans. Araw-araw. . . gabi-gabi. Bakit? Kasi gusto namin. Gusto namin iyon, Hannah. Gusto namin ang ginagawa naming dalawa." Pagyayabang pa nito na ikinahikbi kong napaatras. "P-paano niyo naaatim gawin sa akin ito? Naging mabuti akong kaibigan at kasintahan sa inyong dalawa. Akala ko ay masasandalan ko kayo. Minahal ko kayong dalawa. Pero heto at. . . niloloko niyo lang pala ako," puno ng pait kong panunumbat. Ngumisi lang naman si Maris sa akin. Na tila nang-aasar pa ang tingin at ngisi. Bumaling ako kay Evans na tahimik lang at hindi ko mapigilang bumuhos ang luha. "Bakit, Evans? Hindi ka ba makapaghintay ibigay ko ang katawan ko sa'yo? Evans, sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Kapag kasal na tayo saka ko ipagkakaloob ang katawan ko sa'yo. Worth it naman ang paghihintay mo dahil birhen pa ako. Wala pang nakakagalaw sa akin. Malinis akong makukuha mo. Pero bakit? Bakit siya, Evans? Mas matatanggap ko pa kung sa ibang babae e. Pero kay Maris? Si Maris talaga?" luhaang saad ko dito na malamlam ang mga matang puno ng guilt na nakamata sa akin at hindi makasagot. Napailing ako na bumaba ng tingin sa kamay ko. Masakit sa aking gawin ito pero hindi ko kayang tanggapin ang mga nalaman ko. Dahan-dahan kong hinugot mula sa daliri ko ang promise ring na isinuot nito sa akin. "Hindi ko na ito kailangan. Malaya ka na." Walang emosyon kong saad na ibinato dito ang singsing na bigay niya. Nagpahid ako ng luha na taas noong bumaling ng tingin kay Maris na nakangisi sa akin at kitang nagtagumpay sa pang-aagaw sa boyfriend ko. "Nakakadiri kang maging kaibigan. Iyong-iyo na siya. Pareho kayong hayop. Bagay na bagay kayo sa isa't-isa," pang-uuyam ko ditong napataas ng isang kilay. Naglakad ako ng tuwid na lumabas ng banyo. Hinawakan pa ako ni Evans sa kamay nang magtapat kami. Pero binawi ko ang kamay ko at walang kalingon-lingon na lumabas ng tuluyan sa opisina nito. Dinig ko pang tinatawag ako ni Evans na hinabol ako kasunod si Maris na pinipigilan ito. Kaya hindi ko na sila nilingon pa at pabalang isinarado ang pintuan! Paglabas ko ay nanlambot ng tuluyan ang mga tuhod ko na napaluhod ng hallway. Napahagulhol na lamang ako sa sobrang panghihina ko. Ngayon palang kasi nagsi-sink-in sa utak ko ang mga nangyari at nalaman ko sa loob. Kung saan ang dalawang taong pinagkaka tiwalaan ko ay trinaydor ako! Gusto kong tumakbo para makalayo sa kanilang dalawa. Pero wala ng lakas ang mga binti ko para makatayo. Gusto ko na lamang maglahong parang bula sa mga oras na ito at makalayo kay Evans! "Damn. I knew it." Dinig kong saad ng baritonong boses. Napalunok ako na natigilan sa paghagulhol na makita ang itim na leather shoes sa harapan ko na sobrang nangingintab! Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha dito na parang nakakita ng masasaklolohan na makilala siya. Siya 'yon. 'Yong lalake kanina sa elevator. "Please, help me, Sir. Ilayo mo ako dito. Hinang-hina na po ako," nanginginig kong pakiusap na tuluyang nanghina! "Fvck!" dinig kong napamura ito at bago pa man ako bumagsak ng sahig. . . nasalo na ako ng matipunong braso nito kasabay ng pagkarga nito sa akin na naglakad!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
308.2K
bc

Too Late for Regret

read
275.4K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
136.3K
bc

The Lost Pack

read
379.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook