Chapter 30

2044 Words

RUSSEL'S POV: NANGINGITI akong inaasikaso ang asawa kong hinang-hina. Nakatulog na nga ito na hindi na nakayanan ang pagod sa ilang beses naming pagniniig dito sa kama. Pigil-pigil ang pag-ungol naming dalawa at baka magising ang kanyang ina. Wala pa namang kurtina na nakatabing sa pagitan ng kama namin at ina nito. Kaya makikita niya kami ni Hannah sa aming ginagawa kapag nagising namin siya dahil sa ingay. “Goodnight, my little wife. I love you,” bulong ko na magaang kinintilan ng halik sa noo at mga labi niya bago maingat na pinaunan sa braso ko. Hinila ko ang kumot namin at itinabing sa aming mag-asawa at niyakap ito. May ngiti sa mga labing nagpatangay na din ako sa antok ko na nakakulong ang asawa ko sa bisig ko. Kampante ang isip at puso ko na matulog at kasama ko ito ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD