Inihatid ako ni Prince sa condominium matapos namin na kumain ng dinner. Yes, ganoon kami katagal na magkasama. I insisted that I didn't want to go home yet. Kaya kong umuwi na mag-isa pero thankful pa rin ako na naroon siya. He even gave me his coat in case I felt cold because of the evening wind. “Salamat, Prince, hindi mo na ako kailangan na ihatid pa sa unit ko. Thank you, ah?” Matamis na ngumiti siya sa akin. Bahagyang lumiit ang mata niya dahil sa pagngiti niya. Napangiti rin ako dahil ang cute niya tignan. “No worries, Tamara. Pwede mo akong tawagan kung gusto mo na lumabas o bumalik sa ice cream parlor na pinuntahan natin. I am one call away.” Hindi ko alam na may tinatagong kabaitan si Prince. Well, mabait na siya sa akin noon pa man pero hindi ko lang inaakala na mararana

