We were both silent as we ate. Iyong hinihiwa niyang steak kanina ay para pala sa akin dahil pinagpalit niya ang pinggan naming dalawa. I appreciate it. Matapos namin na kumain ay umalis na rin kami. “Can you see the difference between how I walk before and now? Para na akong penguin.” Hindi ko mapigilan na ngumiti habang sinasabi ko iyon sa kaniya. Yumuko siya para tignan ang paglalakad ko. There is also a ghost of a smile on his lips. “Mabigat ba?” “Ang alin?” litong tanong ko. Tinignan ko ang mga paper bag ng gamit ni baby, nasa kaniya naman lahat. “Si baby, 'yong tiyan mo.” Kusang lumapat ang kamay ko sa bilugan ko ng tiyan. Napaisip din ako. Hindi naman gaanong mabigat ang tiyan ko, nahirapan lang ako na kumilos. Tulad na lang ng pagsusuot ng medyas, hindi ko na kayang gaw

