Bahagya kong kinurot ang sarili ko para tigilan ang kung anu-anong naiisip. I am going insane for thinking such things! Kailan ko pa na-appreciate ang itsura ng lalaking ‘to?! Lumapit ako sa kama ko para gisingin siya. Para akong napapaso nang hawakan ko ang balikat niya at malakas na yinugyog. Umungol siya pero hindi ginawang imulat ang mga mata. I know that he is faking it! Madali lang magising si Marco, kahit sa kaluskos ay nagigising siya pero ngayon ay nag-iinarte?! “Marco, doon ka sa sofa! Tabi kami ni William!” sambit ko sa kaniya habang patuloy pa rin siyang ginigising. Dahil sa sinabi ko ay napamulagat siya. Masama ang tingin niya sa akin. “You’re more comfortable sleeping with him than me? For f**k’s sake—we had séx multiple times, what’s the deal?” he said using his husky

