“I don’t know if you are blooming because you’re pregnant, pero may iba eh! Ibang klase ang glow mo ngayon. Para kang kumikintab sa sa sobrang glowing mo.” Napailing ako sa sinabi ni William. Nandito kami ngayon sa condo ko. Wala si Marco dahil maaga itong oumasok pero tulad ng nakasanayan ay hindi niya hinayaan na umalis ng bahay na hindi ako kumakain ng almusal at hindi nagluluto ng kakainin ko sa pananghalian. Mental health break din kaya maraming time ngayon si William. Nag-aya siya ng sleep-over kaya pumayag na rin ako. Isa pa, nalulungkot ako kapag mag-isa. Hindi ko ba alam, dati pa namna akong nag-iisa at sanay na walang kinakausap na kahit sino—pero ngayon para na akong nade-depress. “Syempre, dahil ito sa anak ko ‘no. Ngayon pa lang ay mahal na mahal niya na ako kaya hindi niya

