Kabanata 11

2150 Words
Walang nangyari. Am I disappointed about it? Freakíng yes! Am I wanting it to happen? Fuckíng yes. I am a woman, plus pregnant, I have my sexuàl needs. Iyong sinasabi niya na dessert after ng dinner? Hindi natuloy. This man is playing with me! I hate him to the bones! Bakit ba ako pumayag na dumito na muna siya? Dapat ginawa ko ang mga ginagawa sa pelikula at inihagis na lang ang gamit niya sa labas. Today is another day. Sa maliit na sofa siya natulog, hindi ko alam kung paano niya napagkasya ang sarili niya. Wala akong pakialam kung maging kuba pa siya sa pamamaluktot. “Good morning! Hindi na ako magugulat kung nakasimangot din ang anak natin paglabas.” Inirapan ko siya saka naglakad papunta sa lamesa. Agaran na nanuot sa ilong ko ang bagong luto na garlic fried rice, tocino, at sunny side up egg. “Wala ka bang pasok?” iritadong tanong ko. Hindi na ako makapaghintay na masolo ang condo. Simula kahapon ay hindi na gumanda ang mood ko dahil sa lalaking ito. Parang mapapaanak ako ng maaga dahil sa inis sa kaniya. Titignan ko lang ang mukha niya ay nasisira na ang araw ko. Sinandukan niya ako ng pagkain. “Mayroon pero hindi naman maaga. I can still join you for breakfast. Magluluto na muna rin ako ng lunch para may makain ka mamaya, ipainit mo na lang.” We both ate in silence. Nang matapos kumain ay mas nauna siya sa akin na ligpitin ang pinagkainan. Nagprotesta ako pero hindi niya pinansin. Sumunod ako sa kaniya sa lababo. “Ako na ang maghuhugas.” “Ako na, maupo ka na lang doon,” he said, dismissing my initiative. Hindi ko na pinilit pa. Bahala siya, kung gusto niyang magpaka-yaya rito aba ay mabuti para naman may silbi siya. He's not here rent-free. Inabala ko ang sarili sa panonood ngunit paminsan-minsan ay tinitignan ko siya, naku-curious kung ano na ang ginagawa niya. Naaamoy ko rin ang panibagong ulam na niluluto niya. “Can I use your bathroom?” biglang tanong nito. “Sa kwarto ko. Huwag kang magkalat sa banyo ko.” Mapang-asar niya akong tinaasan ng kilay. “Anong kalat ibig mong sabihin?” The invisible smoke started coming out of my nose. Ang kapal ng apog niya na magsimula ng paglalandi pero hindi naman kayang panindigan. “I don't know. Any kind of mess is prohibited,” mataray ko na sabi sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa TV. Halos kinse minutos bago siya lumabas ng kwarto ko. Paglabas niya ay tanging maliit na tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan niya. Napatayo ako sa gulat. I blinked many times, and blood went up to my head. May mumunting butil ng tubig na mula sa buhok niya na tumutulog pababa sa pisngi niya, padausdos sa leeg, papunta sa dibdib, hanggang sa tiyan nito. Never ko pa siya na nakita na nag-gym o nag-workout kaya hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang katawan niya. It seems like a good sculptor took his time doing the body of Marco. Muscles are in the right places. He is not the buff type but a well-proportioned muscles with his height. “Sorry, I used your towel, wala kasi akong naidala. And, I forgot to bring my clothes.” Natulala ako sa kaniya lalo na nang magsimula siyang maglakad papunta sa direction ko. I gasped when the sweet scent filled my nose. He freakíng used my bath and body shower gel. Hindi ko alam na sa ganoon lang ay magwawala ang buong kalamnan ko. I didn't know that smelling my scent in him could make my body on fire. Bahagya siyang yumuko sa harapan ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nadismaya ako nang ang duffle bag nito na nasa upuan ang kinuha niya. “Pahiram ulit ng kwarto, magbihis lang ako.” Naiwan akong nakatulala sa kawalan—unable to comprehend anything. Inaasar niya pa rin ba ako? I am literally going nuts! Napaupo ako paglabas niya, ayaw ko na siyang tignan. Humalukipkip ako at seryosong nanuod ng TV. Kinastigo ko ang sarili ko na huwag tumingin sa kung saan-saan at sa palabas lang. “Mauuna na ako, Tamara.” I hummed as an answer, still not looking at him. Nang marinig ko na tumunong ang pintuan ko ay nakahinga ako ng malalim. When did I become a slave to my libido? I am one of the hórny bítch! A phone call interrupted me. “Yes?” maagap na sagot ko, hindi ko na tinignan kung sino iyon. [“Ma'am! Buti sumagot po kayo agad. Si Debs po ito, Ma'am. M-Ma'am, si Sir po k-kasi…”] Hindi ko na masyadong maintindihan ang iba dahil napangunahan na siya ng iyak. “Ate Debs? Anong nangyari? Kumalma ka nga muna!” Wala pa siyang sinasabi pero kumakabog na ang dibdib ko sa pag-aalala, lalo na ay may kinalaman sa gusto niyang sabihin si Papa. [“M-Ma'am… sorry po. Ibinilin niyo po sa akin na huwag papasukan ang ama niyo sa kwarto nila dati dahil nandoon ang mga importanteng gamit ng Mama niyo pero, Ma'am… hindi ko po gusto na ibigay ang susi… tinakot niya po kami rito—” Pinutol ko na siya sa pagsasalita. “Pupunta ako,” mariin kong sagot bago patayin ang tawag. Wala na akong oras para mag-ayos. Nagpalit na lang ako ng damit na maluwang sa akin. Sumakay ako ng bus dahil wala pa naman akong kotse. Hindi naman ako nahirapan dahil walang masyadong pasahero ngayon. Nang makaupo sa tabi ng bintana ay saka ko napansin na hindi normal ang paghinga ko. I was breathing heavily, trying to contain my rage not to burst. Habang nasa byahe ay wala akong maisip kung ano ang magagawa ko kung sakali na maabutan ko roon si Papa. I am not a perfect daughter, or a good person. Kung si Mama ang pinag-uusapan dito ay wala na akong pakialam sa ibang bagay. I could go beyond anything. Nang makarating sa terminal ng bus ay hindi na ako nagdalawang isip na sumakay ng tricycle papunta sa amin. Literal na nanginginig ang mga kamay ko sa galit na nararamdaman para sa lalaking naroon. “Ma'am…” naiiyak na tawag sa akin ni Ate Debs. Sinalubong niya ako sa sala. Inilibot ko ang tingin ko rito pero wala si Papa. Agad naagaw ng pansin ko ang namumula nitong pisngi. Napansin niya ang titig ko roon kaya tinakpan niya pero marahas ko na inalis ang kamay niya. “Siya ang may gawa nito?” Nang hindi siya nakasagot agad ay napatunayan ko na siya nga ang may gawa. Binitawan ko siya at walang pag-aalinlangan na umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Mama. “Ma'am! Huwag na po kayong lumapit at baka masaktan lang kayo—” “Subukan niya,” nangangalaiti kong wika habang patuloy na pag-akyat paitaas. Mabigat at marahas ang bawat hakbang na ginagawa ako. Wala akong ibang marinig kung hindi ang galit sa loob ko. Wala akong ibang maramdaman kung hindi pagkamuhi sa kung ano man ang maaabutan ko. Naabutan ko ang kwarto na makalat. Dumapo agad sa matandang lalaki na naroon ang tingin ko. Nag-slowmo ang lahat sa akin nang makita kung ano ang nangyayari sa loob. I witnessed how my father put some of my mother's clothes into a large can and burned it using a match. “No!” nakakabinging sigaw ko. Naramdaman ko ang kamay ni Ate Debs na pumigil sa akin pero masyado akong nadadala ng emosyon ko ngayon. Patakbo akong pumunta at tinulak siya palayo. Natumba siya dahil sa tulak ko. Parang gripo ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa mga damit na unti-unting nasusunog. I lost my sense of control. Using my bare hands, I tried to save my mother's clothes from the fire. A burning sensation enveloped my hands and arms. Hindi rin nagtagal iyon dahil nahila na ako ng kung sino palayo. Ang mismong ama ko ang humila sa akin palayo. Hawak niya ng mahigpit ang isang braso ko. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” I screamed at the top of my lungs. “Demonyo ka! You are fuckíng evil!” Humawak na rin ang isa niyang kamay sa kabila kong braso. Masakit ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi ko iyon inalintana. I glared at him. I wish my eyes could burn someone alive. I want him dead! “Kailangan kong gawin ito, anak! Matagal ng patay ang Mama mo pero hindi niya pa rin ako pinapatahimik! Gabi-gabi ay dinadalaw niya ako sa aking panaginip—” “Nababaliw ka na?! Mabuti naman kung ganoon! I want you to live in your conscience! Ang sabihin mo, kinokonsensiya ka lang sa ginawa mo kay Mama!” Kahit na gaano kasama ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya ay hindi pa rin humihinto ang luha sa pagtulo. Nagpumiglas ako na bitawan niya ako, nagtagumpay na ako. Nanghina ako bigla nang makita na wala na ang mga damit ni Mama, itim na lang ang nakikita ko. “Tangína mo talaga, eh! Wala na si Mama pero perwisyo pa rin ang dala mo!” Humihikbi kong sabi sa kaniya. “Bakit ikaw pa ang nandito? Sana ay ikaw na lang ang nawala… sana ikaw na lang ang nagkasakit… sana ikaw na lang ang namatay! Sana hindi na lang ikaw ang naging Tatay ko!” A hard slap stops me from talking. Napatingin ako sa gilid dahil sa sobrang lakas noon. “Ayan ba ang turo ng nanay mo sa 'yo? Ang maging bastos—” Sinipa ko siya sa gitna niya. Agad siyang namilipit sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko. My head was blank, all I could see was darkness along with the hatred. Kinuha ko ang mga nasunog na damit ni Mama na walang apoy para ibuhos sa lalaking namimilipit pa rin sa sahig. Nabalot ang buong katawan niya ng itim. One last tear fell from my eyes. “I hope you will live forever in my mother's nightmare. Sana hindi ka makatulog sa gabi kakaisip kung paano namatay ang nanay ko dahil sa 'yo. Sana ay hindi ka na muna pala mamatay, I want you to rot living this world as if you are living in hell. I wish you would go crazy.” Hindi rin nagtagal ay may dumating na pulisya, tinawag pala ni Ate Debs. Agad nila na dinampot si Papa. Gusto pa nila akong sumama pero hindi ko gusto kaya si Ate Debs na lang ang pinasama ko para magbigay ng statement sa nangyari. Nilinis ko ang kwarto ni Mama nang wala na sila. Iyak ako nang iyak habang inaalis ang itim na nagkalat sa kwarto. Itinupi ko rin ang ibang damit niya na nagkalat pero bago iyon ay inaamoy ko na muna. “Alam mo anak, hindi naman ako natatakot mamatay,” biglang sabi nito habang sinusuklay ang buhok ko. “Mama naman, huwag ka nga magsalita tungkol sa patay-patay na 'yan. Gagaling ka, okay? Hindi ka pwedeng mawala.” Lagi na lang siyang ganito. Sa katunayan ay naiinis na ako kapag binabanggit niya ito dahil natatakot ako na mangyari nga iyon dahil paulit-ulit niyang sinasabi. “Alam mo kung saan ako natatakot?” Hindi ako nagsalita ngunit napaisip din dahil kahit minsan ay hindi ko pa nakita na uminda sa sakit si Mama. Lagi siyang nakangiti sa akin, parang walang sakit. May sakit na siya pero nagagawa niya pa rin ako ipagluto, tumulong sa mga assignment ko, makipagkwentuhan sa akin, at alagaan ako. Kung hindi ko lang alam na may sakit siya ay hindi ko iisipin na may sakit nga siya. Ganito ba talaga ang mga nanay? Magaling magpanggap na okay lang sila kahit na hindi? “Mas natatakot pa ako na maiwan ka na mag-isa rito kaysa matakot ako sa kamatayan. I am afraid that no one will take care of you once I am gone. Natatakot ako na wala ng magluluto para sa 'yo. Na wala ka ng mapagsasabihan ng problema ko kapag wala na ako. I am afraid for you, my princess.” “Mama naman!” naiiyak ko na suway sa kaniya. “Kaya huwag mo akong iiwan, ah! Hindi ako marunong magluto, magugutom ako, hindi ba ayaw mo ako na magutom?” Bahagya siya na natawa. Humalik siya sa pisngi ko kaya napapikit ako. “Hindi ako magagalit kung maaga kang magkakapamilya, basta piliin mo iyong lalaki na mamahalin at aalagaan ka ng higit sa kaya kong ibigay ko sa 'yo.” Little did she know that a mother's love above all, cannot compete with anything else. No one can give me love the way she loves me. I cried harder because her scent was still there. I miss my mother so much. Kung may kailangan akong gawin para bumalik siya, walang pag-aalinlangan kong gagawin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD