“Maybe it is destiny playing with you? Pasalamat ka at nandoon ang pinsan ko, paano na lang kung wala? My goodness! Sa susunod na may kailangan ka ay sabihin mo na lang sa akin.”
It's been an hour since Marco left. Nakain ko na rin ang ilan sa pagkain na binili niya kanina dahil hindi ko na kinaya ang gutom. Hindi na rin sumilip man lang o nagpaalam ang lalaki nang dumating si William, pabor naman iyon sa akin dahil hindi ko talaga alam paano siya pakikitunguhan.
“Hindi ko naman inaasahan na magiging ganoon ang pakiramdam ko. Kung alam ko lang ay hindi na ako lumabas.”
Tinaasan niya ako ng kilay. Ipinagbabalat niya ako ngayon ng orange na dala rin ng pinsan niya. “Anong kung alam mo lang? Kung alam mo lang na mangyayari sa 'yon, o kung alam mo lang na makikita mo siya roon?”
Umiwas ako ng tingin sa kaniya, sa binabalatan nitong prutas ako tumingin. “Both.”
“You know what, sis? Ang pinsan ko na mismo ang nagsabi na alam niyang sa kaniya ang bata diyan sa tiyan mo. Anong problema?” Kahit na parang nanay siya na nanenermon ay ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala.
Bumuntong-hininga ako. “I don't know. I want to keep my child to myself. Kung maaari lang ay gusto kong magpakalayo—”
Padabog niyang inabot sa akin ang nabalatan na orange. “Iyan ang huwag mong gagawin! Naku, ah. Wala kayo sa nobela o teleserye na itatakas mo ang bata sa kaniyang ama.”
Bahagya akong natawa dahil sa naging reaksiyon niya. Naisip ko na noong una na lumayo na muna pero alam kong mahihirapan ako.
I should have taken a birth control shot or remembered to take a morning pill. Masyado akong nakampante na walang mabubuo. But what else can I do now? Nandito na.
“Naiintindihan ko naman na mahirap na para sa 'yo na magtiwala na sa lalaki dahil sa naging relasyon mo sa tatay mo. But girl, walang mangyayari kung magkukulong sa takot na mag-commit sa isang bagay. Isipin mo na lang, hindi na lang sarili mo ang nakasalalay dito, may bata na rin.”
Memories flood like water. Walong taong gulang ako nang masira ang perpektong pamilya sa akin. Hindi kami natuloy na umalis ni Mama na umalis ng araw na iyon. Kinagabihan ay naging okay na rin silang dalawa na parang walang nangyari.
Nagbago ang tingin ko sa sarili kong ama dahil sa pangyayaring iyon. Pwede pala iyon? Na ang tinitingala kong lalaki sa buhay ko ay siya mismo ang kauna-unahan wawasak sa puso ko.
Akala ko maayos na sila hanggang sa naging sunod-sunod ang kanilang pag-aaway. Nagsisigawan, nagtatapon ng kung anu-ano sa isa't isa, at nagbibitaw ng masasakit na salita sa isa't isa. Ngunit kahit sa murang edad ay alam kong si Papa ang may mali.
Uuwi ito galing trabaho at pinagbubuntungan lagi si Mama. May pagkain na sa lamesa, kakain na lang ito pero magrereklamo pa sa maliit na bagay. Minsan ay gusto nitong mag-uwi ng mga kaibigan sa bahay para mag-inom pero ayaw ni Mama, mas mabuti na sa ibang bahay na lang sila mag-inom pero ang tingin na ni Papa ay sinasakal ito sa lahat.
I remember him telling my mother that he would punch her in the face if she was not a woman. That sends a bitter spill in my stomach. How could he say such a thing?
Hanggang sa nagsimulang namayat si mama. Akala ko ay wala lang iyon dahil minsan ng nagbiro sa akin si Mama na nagpapapayat siya. Natuklasan ko na lang na may sakit na pala siya nang nakita ko ang mga reseta ng gamot sa kaniya.
The stress is too much and it causes hyperthyroidism. Naalala ko iyak ako nang iyak sa gabi dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Mama pero ni minsan ay hindi niya ipinakita sa akin na mahina siya.
As day passed, palamig nang palamig na rin ang trato ko kay Papa. Sa loob-loob ko ay siya ang sinisisi ko kung bakit nagkasakit si Mama.
Akala ko kahit papaano ay magbabago si Papa, pero hindi. Kung umakto ito ay parang lumala pa siya. He would come home drunk and say harsh words to my mother. Lahat ng pwedeng isumbat niya ay sinasabi nito. Maski gamot ni Mama ay pinanghihinayangan niyang bilhin.
Hanggang sa dumating ako sa punto na hindi ko na natiis. Nasagot ko siya isang gabi dahil umuwi na naman itong lasing. Ako rin mismo ang nakakita sa social media ang lantaran nitong pambabae. Tulad ng lagi niyang ginagawa kay Mama, tumaas ang boses ko sa kaniya, nagbitaw ako ng masasakit na salita.
As expected, he lay his hands on me. Sinaktan niya ako ng gabing iyon. He slapped me, pulled my hair, and threw me around the house. I did not fight back because I knew that this should be done. Alam ko na sa oras na saktan ako ni Papa ay magigising si Mama sa katotohanan na hindi namin kailangan si Papa sa buhay naming dalawa.
“Pareho-pareho lang sila, William. Siguro nakokonsensiya lang siya sa ngayon pero hindi ako susugal. Hindi ako katulad ni Mama.”
Para sa akin, kung magkakaroon ka man ng anak, ang pinakamagandang maireregalo mo sa kanila ay ang isang mabuting ama. Kung hindi mo kayang ibigay iyon, mabuti na huwag mo na lang silang dalhin sa mundo na ito. Pero sa sitwasyon ko, nandito na siya at ngayon pa lang ay gusto ko ng humingi ng tawad sa magiging anak ko.
Kinagabihan din ay pinauwi na ako. Inihatid ako ni William sa condo unit namin ni Hency pero bago iyon ay dumaan na muna kami sa grocery store para makabili ng stocks ko. Ngayon na ako lang mag-isa, kailangan ko na tumayo talaga sa sarili kong mga paa.
“Hindi ako panatag na ikaw lang ang mag-isa rito. Gusto mo ba na dito na lang muna ako habang wala pa 'yong kasama mo?”
And what? Makita at marinig niya ang mga breakdowns ko? Sisiguraduhin mo na magiging okay lang ako. Hindi na pwede na mangyari pa ulit ang nangyari kaninang umaga.
“Hindi na, kaya ko na. Saka, gusto mo ba na mapagkamalan na ama ng dinadala ko? Iyong boyfriend mo baka magtampo o magselos.”
“Hindi naman iyon magseselos—”
“Hep! I can take care of myself, William. Masyado na kitang naaabala.”
Wala na rin siyang nagawa kung hindi umuwi. Pagkaalis niya ay inayos ko na ang mga pinamili namin. Matapos kong mag-ayos ay naligo na ako at nahiga sa kama.
I busy myself on my phone. Natigilan ako sa pag-scroll sa social media nang may mapadaan na isang post kung saan naroon si Marco.
Naka-tag din si William kaya nakita ko. Family picture iyon. Malawak ang ngiti ni William na nakaakbay sa kaniyang magulang. Sa gilid naman ay naroon si Marco, may maliit na babae na sa tingin ko ay nanay niya na nakayakap sa bewang niya.
I unconsciously zoom in on the picture to them. I can see the similarities in their facial traits. Probably, he looks like his father.
Nasaan kaya ang tatay niya? I scoffed. Why would I care?
Pinatay ko na rin ang phone ko at pumikit pero hindi ako mapakali. May gusto pa akong malaman pero pinipigilan ko ang sarili ko. Napalipat-lipat na ako ng posisyon sa higaan pero wala pa rin.
I gave up. Kinuha ko ulit ang phone ko para lang pindutin ang pangalan ni Marco na naka-tag sa post na iyon.
Marco Jaime Politano
Add friend Message
Hindi naka-private ang account niya. Bumungad sa akin ang profile picture niya kasama ang nanay niya noong graduation yata niya. Nakasuot siya ng itim na toga pero ang medalya at diploma nito at nasa nanay niya. Ang cover photo naman niya ay larawan ng papalubog na araw.
Nag-scroll pa ako sa timeline niya. Dahil public ang account niya ay lahat ng basic information sa kaniya ay nakikita ko. Maging ang kung anu-anong post na naka-tag siya at nakikita ko.
Humihinto ang daliri ko sa paggalaw sa tuwing may nakikita ako na babae na nasa timeline nita.
Thank you for your time @Marco! A day well spent with you, baby!
Sa ibaba ay ang larawan nilang dalawa na nasa loob ng kotse. Nakangiti ang babae habang si Marco ay seryoso na nagmamaneho. Kahit sa picture lang ay nakikita ko kung gaano siya kakisig.
Marami ng comment ang post na iyon kaya tinignan ko.
[Hala, kayo na ba?]
[Bagay kayo!]
[Ship!]
[Sabihin mo ikaw naman next na sakyan!]
Pasimple akong napairap sa mga nabasa. May iilan din sa comment na hindi natutuwa sa post na iyon.
[Mukhang ka niyang nanay, tbh.]
[I bet nagkunwari ka na walang masakyan. knowing Marco, hindi talaga iyan makakatanggi]
[Di bagay!]
Napahawak ako sa tiyan ko kahit na flat na flat pa ito. “Sobrang dami ng babae niya,”
Umalis na ako sa profile niya dahil parang sumama na naman ang pakiramdam ko. Hihinto na ako sa paggamit ng phone nang makatanggap ako ng notification.
Marco Jaime Politano sent you a friend request
Confirm Delete
Umawang ang labi ko dahil sa gulat. Kanina lang ay ini-stalk ko siya tapos ngayon ay gusto niya na agad ako maging friend? Pinindot ko ang delete request dahil wala namang dahilan para maging friend kami sa social media.
Wala pang isang minuto ay naka-receive ulit ako ng notification na nag-send na naman siya ng friend request sa akin. Muli kong inalis ang request niya.
Akala ko magre-request ulit siya pero lumipas ang ilang minuto ay wala na. See? Madali lang magsawa ang mga lalaki.
I was startled when my phone beeped, indicating that someone had sent me a text message.
From: Unknown
Iyong order niyo po
Natigilan ako at napaisip nang mabasa ang message na iyon. As far as I remember, I did not order anything. Lalo na ngayon ay nagtitipid ako kaya iniiwasan ko na talaga na gumastos.
To: Unknown
Ano po 'yan?
Well, maybe have forgotten about it?
From: Unknown
Ama ng anak mo
I feel like the time has stopped for a moment. Wala naman na akong ibang naiisip na iba na magpapadala ng ganitong mensahe. How did he get my number? Of course, sa magaling niyang pinsan.
Hindi na ako nag-reply pa sa kaniya. Dali-dali kong tinawagan si William pero hindi na ito sumasagot.
From: William
sorry. pinilit niya ako na ibigay number mo dahil ilang beses mo raw kina-cancel friend request niya. kapag hindi ko raw ibibigay ay sasabihin niya kay papa at mama ang pinaggagawa ko :(
To: William
whatever!!!
Pinilit ko na talaga na matulog matapos ng message ko na iyon kay William.
Maaga akong nagising dahil may klase pa ako. Naplano ko na tatapusin ko na muna ang second semester bago huminto sandali sa pag-aaral. Ilang buwan lang iyon, maitatago ko pa sa school ang pagbubuntis.
As usual, nagising ako na nasusuka na agad. I don't feel like eating anything but I need to eat. Naggatas ako at naglaga ng itlog.
Pagdating ko sa school ay natigilan agad ako nang makita kung sino ang nasa gate.
“Tamara, let's talk please. Hindi ko kaya talaga na wala ka.”
Tulad ng hangin, inignora ko siya. Sumunod si Oliver sa akin pero hindi na rin natuloy dahil pumasok na ako sa room ko.
Nasira sa isang iglap ang araw ko. Idagdag pa na ang ingay ng mga nasa room.
“Tamara,”
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Kaklase ko at partner ko sa isang activity namin.
“Prince, bakit?”
Naging malikot ang tingin niya. Halata na nag-aalinlangan siya sa sasabihin niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Kung hindi ko lang siya kilala ay aakalain ko na natatae siya.
He is always been like this—quiet and shy. Suddenly, I found him really cute. Natulala ako sa mukha niya dahil mukha siyang Korean idol. Bahagya pang namumula ang magkabila niyang pisngi.
“Tungkol sa presentation natin next week sana. Naisip ko lang kung nabasa mo na ba iyong part mo na sinend ko sa 'yo?” maingat nitong tanong.
“Ah, oo nabasa ko. Mamayang gabi ay baka mag-input na ako ng slides ko sa ppt. Bakit?”
Napahawak siya sa tenga niya bago umiling. “W-Wala lang, gusto ko lang malaman ang progress. S-Sige, balik na ako sa pwesto ko.”
Hindi na niya ako hinintay na magsalita pa, bumalik na siya sa pwesto niya. Kung kanina ay sira ang araw ko, ngayon ay parang maayos na ang lahat.
Ngayon ko lang napansin si Prince, ang cute niya pala. Natigilan ako... don't tell me, pinaglilihian ko siya?
Tumikhim ako dahil sa naisip. Mas mabuti na iyon kaysa maglihi ako doon sa isa.
Binuklat ko na ang libro na dala nang may ma-receive akong panibago na text message.
From: Unknown
Don't forget to drink your vitamins. Don't strain yourself, take everything easy. This is Marco, btw. Text me when you need anything.
Napasimangot ako. Seriously? Ipinaglihi siguro siya ng Mama niya sa mga bata dahil sobrang kulit ng isang 'to.
From: Unknown
It is for the sake of our baby.
Pahabol na mensahe niya iyon. Umirap ako. As if naman iniisip niya na inaakala ko na concern talaga siya sa akin? We will have no interaction at all if it is not because of my pregnancy.
To: Unknown
Don't bother, kaya ko.
From: Unknown
Alam ko na kaya mo, but I can help. Hindi pa naman natin alam kung hindi ko ba talaga anak. As long as I believe that I am the father, you can't ignore me.