“This is your fault, Arturo! Kung hindi mo hinayaan na landiin ka ng babaeng iyon, hindi masisira ang pamilya natin!”
“Ako na naman?! Ang kitid ng utak mo kahit kailan! Nakakasakal ka na!”
Nagsumiksik ako lalo sa loob ng cabinet kung nasaan ako nagtatago. Ang dalawang maliit kong kamay ay nakatakip sa akong tenga ngunit parang wala iyong silbi dahil dinig na dinig ko pa rin ang sigawan ni Mama at Papa.
“Paanong nasasakal ka?! Bilang asawa mo, obligasyon ko lang na masiguro na tama ang pinupuntahan mo! Masama na ba ngayon na tanungin ka kung nasaan ka?! Tapos kung hindi ko pa kayo nahuli ng babae mo ay, ano?! Pagmumukhain mo akong tanga!”
Matapos ang malakas na sigaw na iyon ni Mama ay sunod-sunod na pagkabasag na ng gamit ang aking narinig. I heard Papa telling Mama to stop throwing him things.
Tears flowed down my ears. Mahal ko silang pareho, ayaw ko na nakikita at naririnig sila na nag-aaway.
Nang matapos ang sigawan ay sunod kong narinig ang pagtawag sa akin ni Mama. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko habang tinatawag ang pangalan ko.
“Tamara?”
Dahan-dahan akong lumabas ng cabinet. Nagulat si Mama nang makita ako na nagmula sa cabinet pero lumambot ang tingin sa akin.
“Halika, anak. Gusto mo ba na bumisita sa mga pinsan mo sa probinsiya?” malambing na tanong niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang luha sa mga mata niya.
“Bakit po?” tanong ko sa maliit na boses.
Bago pa makasagot si Mama ay pumasok na sa kwarto si Papa.
“Kung aalis ka, umalis ka. Iwan mo si Tamara rito.”
Sumibol ang takot sa akin dahil sa sinabing iyon ni Papa. Sunod-sunod akong umiling sa kaniya. Halatang hindi nito nagustuhan ang pag-iling ko dahil nagtangis ang bagang niya.
Ayaw kong umalis kami ni Mama. Gusto ko nandito lang kaming tatlo na magkakasama.
“May magagawa ka? Hindi mo kami naisip ng anak mo noong nagloko ka, kaya hayaan mo kami na umalis ng anak ko. Walang tatay na manloloko ang anak ko.”
Sa murang edad na walong taong gulang ay hindi ko lubos maintindihan ang kanilang sinasabi. Anong nagloko? Bakit manloloko si Papa?
“Tangina! Kanina pa ako nanggigil sa 'yo! Sumosobra ka na, ah!”
Napasigaw ako nang hampasin ni Papa si Mama. Natumba si Mama sa maliit kong kama kaya agad ko siyang dinaluhan habang umiiyak.
“Papa, tama na po!” pagmamakaawa ko sa kaniya.
“Ikaw! Isa ka pa! Manang-mana ka sa nanay mo! Pareho kayong walang kwenta! Lahat na lang isinisisi niyo sa akin! Edi magsama kayo! Wala kayong mga silbi!”
Nadurog ang puso ko sa puntong ito. Iyon ang unang beses na magsalita ng ganoon si Papa, lalo na sa amin ni Mama. Parang hindi siya ang Papa na kinalalihan ko. Hindi siya ang Papa na ipinagmamalaki ko sa mga classmates ko. Hindi siya… iba na siya.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa akin. Nagising ako na humihikbi. Wala akong maaninagan ng maayos dahil sa luha sa aking mga mata.
It took me a minute to regain my senses. Natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa isang kama sa loob ng puting kwarto. May nakakabit din na swero sa kamay ko. Napapikit ako dahil sa bahagyang pagkirot ng ulo ko.
Why am I here?
Bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang lalaki na ni katiting ay hindi ko inaasahan na narito. Dahil sa pagdating niya ay saka ko naalala ang lahat, pati na rin ang nangyari bago ako mawalan ng malay.
“You're awake. Kumusta ang pakiramdam mo?” maingat ngunit may diin nitong tanong sa akin. “May masakit ba?” sunod nitong tanong sa akin, siguro dahil sa luha sa aking mga mata.
Luminga ako sa paligid. Nasaan ang kasama niyang babae kanina? Siya ba ang nagdala sa akin dito sa hospital?
“Uuwi na ako,” wika ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga.
“Hey! Hey! Hindi pa pwede. Kailangan ka pa ma-check ng mabuti ni doc,” pigil niya sa akin.
Pinigilan niya ako sa pag-alis sa pamamagitan ng paghawak sa aking balikat. I inhaled sharply because of the physical contact. Since I became pregnant, my body temperature is always high.
Huwag mong sabihin na touch deprive na ako?
Sandali akong natigilan pero mabilis na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. I could sense the seriousness in his aura by the way he looked at me. Hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Hindi niya dapat malaman na nagdadalang tao ako.
“O-Okay na ako, uuwi na ako.”
Nanginginig ang kamay ko at akmang aalisin ang nakalagay na swero sa akin pero mabilis niyang hinawakan ang isa kong kamay.
“Hindi… Hindi ka uuwi nang walang sinasabi ang doktor. You will stay.”
Muli kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
“Aalis na ako,” may diin at pagkaseryoso sa boses ko. Matalim ang mga tingin na ipinukol ko sa kaniya ngunit kahit kaunti yata ay wala itong naramdaman na takot.
“You are pregnant… and I am pretty sure that I am the father,” seryosong wika niya.
Marahas ang naging pagsinghap ko dahil sa sinabi niya. Para akong nabingi. Nagsalubong ang mata naming dalawa. His jaw is clenching so hard. Malalim ang paghinga nito na tila pinipigilan ang pagkawala ng samu't saring emosyon.
“N-No, hindi ikaw ang tatay ng—”
He smirked without a trace of humor. “Maglolokohan pa tayo? I know what we did was a mere one-night stand but didn't you think that I deserve to know about this? Ang doctor na mismo ang nagsabi, you are four weeks pregnant. Unless you had s****l intercourse with another guy after me?” Naningkit ang mata niya sa akin, tila nang-aakusa.
What the héll?! I will not sleep with a different guy in a day or even a week.
“Y-Yes, I did.” Umiwas ako ng tingin dahil natatakot ako na mahuli niya akong nagsisinungaling.
Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyon na ito? Is it destiny playing with me? Kung kailan may desisyon na ako sa isang bagay—iyon ay ang huwag ipaalam ang pagbubuntis ko, lalo na sa tatay ng magiging anak ko—pero ano ito?!
“Okay, then,”
Mabilis akong napatingin sa kaniya. Walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya, seryoso at naninimbang.
“Kung pwede na, we need to have a DNA test. And If I am the father…” he trailed off.
“A-Ano? Sinabi ko na hindi ikaw ang ama. Hindi mo na kailangan gumastos para sa DNA—”
“Sa akin ang bata. Hindi problema sa akin ang pera, kaya kong gumastos ng malaki lalo na kung napatunayan ko na anak ko ang nasa sinapupunan mo. If that is my child, better prepare your worthy reasons.”
Napalunok ako tila naubusan ng laway dahil sa kaba. Seryoso ba siya? This is the first time I encountered someone who is obviously a certified playboy to acknowledge that he impregnated someone.
Hindi na ako nakapagsalita, sakto ay pumasok ang doctor para tignan ulit ako. Nasabi na pala ng doctor na buntis ako habang wala akong malay. They still need to check on me until later or tomorrow if necessary.
The baby is weak—iyon ang sinabi ng doctor. Ang pagbubuntis ko ay sensitive kaya pinaalalahanan niya ako. Lahat ng kailangan kong iwasan, gawin, kainin, at inumin ay sinabi niya.
I could not focus on what the doctor was saying because of the person next to me. Kung titignan ay para kaming mag-asawa. I shivered with my thoughts.
“Doc, how many weeks or months can we have a DNA test or paternity test?”
Halata sa mukha ng doctor na hindi nito inaasahan ang tanong ni Marco. Tumingin sa akin si doc kaya umiwas ako ng tingin. Kung pwede lang ay mahiga ako at magtalukbong ng kumot dahil sa kahihiyan.
“Oh, as early as seven weeks in the first trimester.”
Nang umalis na ang doktor ay kaming dalawa na naman ang naiwan. Humiga ako patagilid para hindi ko siya makita ngunit ramdam na ramdam ko siya na nakatingin sa akin.
“May gusto ka ba na kainin? Bibili ako ng pagkain natin.”
“Wala,” malamig na sagot ko.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Lumingon ako sandali para tignan, tama nga, umalis na siya. Umayos ulit ako ng pagkakahiga.
I hate him… I hate his guts. Sobrang confident niya sa sarili niya. How could he asked that question earlier? Hindi man lang niya ako tinanong kung payag ba ako sa test na gagawin? I hate him!
Napahawak ako sa tiyan ko. “Sana huwag kang magmana sa kaniya, halatang playboy, hindi ba? Kanina lang may kasamang babae, kaya siguro sumama ang pakiramdam mo kanina? Do you even know that he is your father?”
Inabala ko ang sarili ko sa pagkikipag-usap sa nasa loob ng tiyan ko hanggang sa nakatulugan ko na ito.
I woke up feeling dizzy. Napabangon ako agad at itinakip ang palad sa bibig.
“What happened? Oh, shít. Wait, kukuha ako ng plastic.”
Hindi ko na inisip kung bakit pa siya nandito. Parang binabaliktad ang sikmura ko.
Nang makahanap siya ng plastic ay agad nitong ibinukaka para doon ako makasuka. I throw up nothing. Nagsusuka ako pero halos wala naman akong nasusuka bukod sa tubig na ininom ko kanina.
Nang mahimasmasan ng bahagya ay kinuha ko ang plastic. Bumangon ako para magpunta sa banyo. Agad siyang nakaalalay sa akin. Hindi ko na siya pinansin, itinuloy ko ang pagsusuka sa bowl.
Naramdaman ko na lang na tinitipon niya ang buhok ko. Nang matipon niya na ay sunod kong naramdaman ang malaki at mainit nitong palad na humahaplos sa likod ko.
Nang matapos na ako ay nanghihina akong napaupo. Umalis siya sandali para abutan ako ng tubig. I don't have the energy to get up and walk back to bed.
“Bubuhatin na kita,” paalam niya.
Hindi na ako nakipag-argumento pa. I can't believe I lost my energy just by throwing up water and saliva. Binuhat niya ako, napahawak ako sa batok niya dahil sa takot na mahulog.
Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama.
“T-Thank you,” nahihiya kong sagot.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil pakiramdam ko ay binabasa niya ang mata ko.
“Kung hindi ako ang ama, sino? Bakit mo siya tawagin at papuntahin dito? I want to meet him.”
Kung okay lang ay pakiramdam ko ay nairapan ko na siya. He is so demanding! Noong una naman kaming nagkakilala ay hindi siya ganito. Iyong totoo, siya ba ang naglilihi sa aming dalawa?
“My… friend,” alanganin kong sagot. Napatingin ako sa kaniya para tignan ang reaksiyon niya.
Kumunot ang noo niya. Hindi makapaniwala sa sinagot ko sa kaniya.
“You f**k with your friend? Ano iyon, some sort of friends with benefits?”
Nagsisimula na akong mainis sa kaniya. Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang phone ko na nasa side table na. Dapat kanina ko pa ito ginawa e—I dialed William's number.
“Hello?”
“Siya na ba iyan? Tell him to come here, we need to talk,” sabat niya. Hindi ko na napigilan na irapan siya.
[“Hello, Tamara?”]
“I am at the hospital right now. Can you pick me up?”
Narinig ko ang eksahederang tili nito sa kabilang linya. [“Anong nangyari? Are you okay? Saan 'yang hospital na 'yan? I am on my way.”]
Sinabi ko sa kaniya ang hospital kung nasaan ako. Hindi na niya hinintay ang sagot ko sa mga tanong niya dahil pinatay niya na, magda-drive na raw ito.
“Ano? Papunta na ba?” kuryosong tanong ni Marco.
Sandali ko lang siyang tinignan. “Papunta na si William. Pwede ka ng umuwi.”
Narinig ko ang malalim nitong paghinga. Hihiga na sana ako pero nararamdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa pala ako kumakain simula kanina.
Napatingin ako sa mg prutas na binili niya. May vegetable salad din na nakalagay sa transparent na lalagyan, mukhang masarap.
“Kumain ka na muna,” bigla nitong sinabi.
“Hindi ako nagugutom.” Nahiga ako. Tumalikod ulit ako sa direksiyon niya.
I am hungry but I don't want to eat the food he bought.
“Hindi ka pa kumakain simula kanina,” wika niya.
Nakagat ko ang ilalim na labi para pigilan ang pag-iyak. My pregnancy hormone is acting up again. Why is he being nice to me after I act like a bítch to him?
Napasinghot ako ng hindi sinasadya—tuluyan na akong naiyak. Gutom na ako tapos naiinis pa ako sa kaniya.
“H-Hey, are you crying? May masakit ba?”
Nasa harapan ko na siya bigla. Puno ng pag-aalala ang mata niya. Natulala ako sa mukha niya. He has thick eyebrows, honey-coloured eyes, pointed and tall nose. Kung lalaki ang magiging anak ko, sana ay mamana niya ang maganda nitong ilong. Bumaba ang tingin ko sa natural na mapupula niyang labi. Lalo akong naiyak dahil gusto ko rin na mamana ng anak ko ang labi niya.
Ano na lang ang mamanahin ng anak ko sa akin?
Nataranta siya ng husto dahil sa paglakas ng iyak ko. Napalabi ako para pahintuin ang pag-iyak ko pero sumasakit ang dibdib ko dahil sa haluhalong emosyon at mapaglarong pag-iisip.
“A-Aalis na ako, tahan na. Sa labas na lang muna ako maghihintay hanggang dumating si William. Kainin mo rin ang mga prutas, at salad na binili ko. Come on, stop crying, lalabas na ako.”
Nagawa niya pa akong abutan ng isang balot ng tissue bago siya umalis. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko dahil nang mawala na siya sa paningin ko ay lalong sumama ang pakiramdam ko.
Akala niya ba ay umiiyak ako dahil ayaw niyang umalis? Kaya umalis siya para patahanin ako?
“Oh, gosh,” bulong ko sa gitna ng paghikbi.