The body that they have found is subject to autopsy. Hindi lamang ang Mama ni Marco ang may gusto dahil pabor iyon sa pamilyang Ong. Hindi raw nila iuurong ang kaso hanggang hindi napapatunayan na ang bangkay na natagpuan ay si Marco nga. “Teacher, friend niyo po ba si Kuya Coco?” one of my students asked. Nilagyan ko siya ng star stamp sa kaniyang kamay. Her eyes twinkle with excitement upon seeing the start on her hand. “Yes, friend kami. Why?” malambing kong tanong sa kaniya. “Talaga po?! Kaibigan ko rin po siya. Kahapon po kasi ay sinamahan niya ako na maglaro, binigyan niya rin ako ng candy. Tapos nakita ko po na nagsabay kayo na umalis kaya naisip ko po na baka friend niyo rin po siya.” Ngumiti ako sa kaniya. “Yes, friend po siya ni teacher. Masaya ka na pareho tayo ng frie

