Halos malagutan ako ng hininga sa klase ng titig niya kaya ako na ang naunang umiwas ng tingin. Kinatok ko ang bintana para maagaw ang atensiyon ni Sir Harvey na nasa labas pa rin at nakatitig kay Coco. I am afraid that he might do something to him. Agad naman na pumunta sa kabilang side si Harvey at sumakay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natamo niya. Kahit na ayaw kong paniwalaan, hindi rin imposible na si Coco nga ay may gawa nito. Kung tutuusin ay higit na mas malaki ang katawan ni Coco kaysa kay Harvey. However, Coco is not the violent type. Oo nakapagnakaw, nakapagpaiyak ng mga bata pero hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito. “Kung hindi lang kita kasama ay baka nasunggaban na niya na ulit ako,” bahagya pa siyang umiling. Naroon pa rin si Coco sa pwest

