“Let me court you,” ang bungad niyang sabi sa akin. Gabi na, hindi pa ako nakakauwi sa apartment ko para lang kitain siya. Sa isang 24/7 coffee shop ang sinabi niyang tagpuan. “Iyon ang kondisyon?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. He sipped his coffee. “Yes, madali lang hindi ba? I mean, we will benefit each other. I want to date you, while you save your so-called friend.” Gusto kong magalit, gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang tanungin kung nasaan ang konsensiya niya. Alam niya naman pala na si Coco na lang ang kasama ng Lola pero ginawa niya pa talaga na dahila ito, para ano? To date me? Lilipad muna ang mga baboy bago ko siya magustuhan. “Alam mo ba na nasa hospital sila ngayon?” tanong ko. Natigilan siya sandali. He slowly put his cup down. “The old woman do

