“Bakit bigla ka na lang umalis? Pinuntahan din kita sa apartment mo pero wala ka. Saan ka nagpunta?” kunot noong tanong ni Harvey nang magkita kami kinabukasan sa school. “Pinuntahan ko ang kaibigan ko, bawal?” walang emosyon kong tanong sa kaniya. I saw him gulp hard. “Hindi naman, ang sa akin lang ay magpaalam ka o magtext ka kung saan ka pupunta dahil alam mo naman na ihahatid kita pauwi.” Hinarap ko siya at ngumiti. “Akala ko nanliligaw ka? You should still let me do things without informing you. Nanliligaw ka pa lang pero nasasakal na ako.” “Tamara, wait!” Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang papasok sa classroom. I am actually very much tired of him. Kung hindi pa siya magtitigil sa kakaganiyan niya ay masasagad na talaga ako. Matapos ang klase ay hinanap ko siya pa

