Tumagal pa ng isang linggo ang pagtuturo ko sa bagong paaralan at naging maayos naman ang lahat. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang low quality na mga kagamitan sa classroom tulad ng mga lamesa at upuan ng mga bata. Noong isang araw ay may batang umiyak dahil natusok siya sa pako na nakalawit sa upuan na gawa sa kahoy. I already reported this concern to the principal but they still won’t do anything about it. Kaya ang ending, ako na lang ang nagkusa. “Saan mo naman gagamitin ang martilyo? May nasira na ba agad diyan sa apartment mo?” takang tanong ni William. Ngayong araw din kasi ang byahe niya papunta rito dala ang ilang mga gamit ko sa condo. “Aayusin ko lang ang mga sirang upuan ng mga bata. Kinakabahan kasi ako baka mapano sila.” “Okay, noted. Siya nga pala, sasama rin si Prince s

