Kahit na lasing na lasing ako ay hindi ako nakatulog. Prince looked problematic because he thought that I already knew about it. Ngumingiti ako sa kaniya para ipakita na okay lang sa akin ang nalaman ko… pero hindi. Hindi ako pinatulog ng isipang iyon. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko kung bakit humantong sila sa ganoon. Kung nasaan si Marco at bakit si Tiffany lang ang naiwan. Sa sobrang daming tanong ay dalawa lang ang pinakagusto kong malaman… kung nasaan siya at kung nasa maayos ba siya na kalagayan. Pinanood ko si William sa mahimbing niyang pagtulog sa sofa ko. Ngayon ako lalong nalungkot para sa kaibigan. He was unaware of my whereabouts, and at the same time, he could not find his cousin. Hindi ko ma-imagine ang stress na nararamdaman niya noon at hanggang ngayon. H

