Kabanata 5

2113 Words
Dalawang buwan na ang tyan ko, hindi pa rin visible ang baby bump ko. Patuloy pa rin ako sa pagpasok sa school. I am in my 3rd year now, I can't just stop. Hindi rin natuloy ang balak ni Marco tungkol sa DNA o paternity test. Bakit pa ba niya itutuloy kung umamin na ako? Kaya lang ay mas naging noisy siya sa buhay ko. He would always send healthy food. May listahan din siya ng mga vitamins ko kaya lagi akong tinatanong kung malapit na ba maubos. He would also ask if I have cravings—kapag mayroon ay ako lang din ang bumibili. Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na madali ang nararanasan ko ngayon dahil hindi. From the day I knew that I was pregnant, I also became a whole different person. Ang mga kaibigan ko ay nagtataka na rin kung bakit panay ang tanggi ko sa mga aya nila. Pwede naman ako na sumama kung wala lang involve na alak sa mga ganap. Tulad na lang ngayon, walang klase at mag-isa lang ako sa condo. Wala ng naging paramdam sa akin si Hency. I tried contacting her through her social media, and phone number but to my dismay, she responded to none. Isang katok ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Si William iyon, may dala na pagkain. Kagabi niya pa sinasabi sa akin na pupunta siya rito para bisitahin ako. “Ang tagal mo, kanina—” Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa lalaking nasa likod niya. “Marco?” nakakunot ang noo kong tanong. “Hi,” Malalamig ang matang tinignan ko si William na ngayon ay matamis na ang ngiti sa akin. Nag-peace sign siya sa akin bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Naiwan kaming dalawa ni Marco sa may pinto. “Anong ginagawa mo rito?” Naging malikot ang tingin niya tila nahihiya sa pagpunta ng walang paalam. However, something about him being here ignited my brain to produce endorphins and serotonin. Why is that? “I… I just want to check on you. Hindi ka na kasi nagre-reply sa mga messages ko.” Napalunok ako bago umalis sa daanan para makapasok siya. Ano pa nga ba magagawa ko, nandito na siya. Alangan naman na paalisin ko—I am not that cold-hearted. Isa pa, nandito lang naman siya kasi concern siya sa bata na nasa tiyan ko. Nasa maliit na hapag-kainan na si William, inaayos ang mga pagkain. Si Marco namay ay dumiretso sa kusina para hugasan ang mga prutas na dala niya. Ako ay nagpunta sa kwarto para magpalit ng damit. Nagsuot-suot pa ako ng sando at cycling short sa pag-aakala na si William lang. Hindi naman sa nahihiya ako na makita niya na ako na ganito—my goodness, he had seen everything—ayaw ko lang dahil nabawasan ang confidence ko. I've gained four kilograms because I always eat. Hindi na rin clear ang skin ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang epekto ng pagbubuntis. Lumabas na rin ako pagkatapos kong magpalit ng sando, nagsuot na lang ako ng malaking T-shirt. Naabutan ko ang dalawa na parehong nasa lamesa na, halatang hinihintay na lang ako. “Halika na, sis. Kain na us.” Tahimik ako na naupo sa tabi ni William. Akmang kukuha na ako ng pinggan ko nang maunahan ako ni Marco. Siya na rin ang naglagay ng gulay na dala nila at karne. Sinalinan niya rin ako ng isang basong tubig. Natulala ako sa pinggan ko bago tinignan si William na parang wala lang ang ginawa ng pinsan dahil nagsimula na ito sa pagkain. “Ubusin mo ‘yan para may sapat na lakas at sustansiya ang katawan mo. I suggest that you should also do minimal exercise like walking.” Sino siya? Doctor? Hinayaan ko na lang siya at kinain ang sinandok niyang pagkain para sa akin. Gutom ako kaya agad ko rin na naubos iyon. “Oo nga pala. Anong gagawin mo sa sembreak? Uuwi ka?” tanong sa akin ni William. “Wala, dito lang. Ano namang gagawin ko?” Isang buwan ang Christmas break namin pero bago iyon ay kailangan na muna namin mag-take ng final exam. Sisimulan ko na nga mag-review mamaya… kung hindi ako aantukin. “As in dito ka lang? Tutulala?” Tumango ako. “Ano pa nga ba?” Sa sobrang tamad ko ngayon ay wala akong maisip na pwede kong gawin bukod sa mahiga sa kama ko buong araw, sa susunod na araw, at habang buhay. Tulad ngayon, katatapos ko lang kumain pero inaantok na ako. “Tamang-tama, aalis kasi kami ng boyfriend ko. Walang kasama si Marco sa bahay, hayaan mo na muna siya rito.” Sunod-sunod ang naging ubo ko dahil bumara bigla ang kinakain kong gulay sa lalamunan. Mabilis na kumilos si Marco—tumayo siya para magpunta sa tabi ko. Marahan niyang tinapik ang likod ko habang ang kamay naman niya ay umalalay sa pag-inom ko ng tubig. “William, what the hell?” inis nitong tanong sa pinsan. “What? Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Iyon ang sinabi mo na—” “Shut up, manahimik ka muna,” mariin nitong sambit. Samantalang ako ay ubo pa rin nang ubo. Ubos ko na ang isang baso ng tubig nang kumalma ako. Masama ang tingin na tinignan ko si William na may naglalarong ngiti na sa labi ngayon. Patuloy pa rin siya sa pagkain habang ang pinsan niya ay panay pa rin ang haplos sa likod ko. “Okay na.” Lumayo ako ng bahagya sa kaniya para pahintuin siya. Bago siya umupo sa pwesto niya ay nilagyan niya ulit ng laman ang baso ko. Nang makaupo na siya ay saka ko nagtama ang mata namin. There is concern dripping in his eyes. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko makaya ang timbang noon. OA niya, hindi naman mawawala ang nasa tiyan ko dahil sa simpleng pag-ubo. “Ano, teh? Payag ka na para may titingin naman sa 'yo rito. Huwag mo akong bigyan ng alalahanin habang nasa bakasyon kami ng boyfriend ko, parang awa mo na.” Inirapan ko siya. “Kaya ko mag-isa, rito lang naman ako.” “Pero hindi ba maganda kung may kasama ka pa rin? Paano kung bigla kang mahilo, o mahimatay? Sinabi ng doctor na sensitibo ang pagbubuntis mo, a lot of things can happen while you are alone.” Si Marco ang nagsalita. Tignan mo rin ito, balimbing. Kanina ay galit sa pinsan dahil sa sinabi, ngayon ay parang gusto na ibenta ang sarili sa akin para payagan ko siya. “No,” I said with a final tone. Bumagsak pareho ang balikat ng magpinsan. Nagpalitan pa sila ng tingin na tila silang dalawa lang ang nakakaalam kung ano ang ibigsabihin ng mga iyon. I sighed. “But you can visit.” Hindi naman ako ang pupuntahan niya. Dahil nasa sinapupunan ko ang anak niya ay normal lang na mag-alala siya. He might be thinking that I am not taking care of myself, that is why he wants to monitor me. “Oh, okay.” Matapos namin na kumain ay kinuha ni Marco ang hiniwa niyang prutas at binigay sa akin. Awkward ko na kinain ang mga iyon dahil nakatingin siya sa akin, bantay sarado ang bawat subo. Nang sumapit ang araw nang bakasyon ay bumisita agad siya. May kung anu-ano siyang dala pero wala roon ang gusto kong kainin kaya sumama ang timpla ko dahil doon. “Bakit? Ayaw mo ba? Ako ang nagluto nito.” Tukoy niya sa dala na mga pagkain. “Wala akong gana, iuwi mo na lang.” Naupo ako sa sala. Tamad na inabot ko ang remote para buksan ang TV. Comedy ang palabas pero bakit naiiyak ako? Mula sa aking peripheral view at nakita ko siya na umupo sa single na sofa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang sama ng loob ko na wala sa mga dinala niya ang gusto kong kainin. “Hey, what's wrong?” malambing nitong tanong. Hindi ako sumagot, hindi ko inalis ang tingin ko sa TV kahit wala na akong naiintindihan. “May gusto ka ba na kainin? Sabihin mo, gagawan ko ng paraan.” Napantig ang tenga ko. He will do everything to get what I want to eat? Unti-unti akong lumingon sa kaniya. Diretso at malamlam ang tingin sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. Why not make use of him? Tutal siya naman ang bumuntis sa akin, kailangan niya akong pagsilbihan para naman kahit papaano ay hindi masama ang loob ko na narito siya. “Inihaw na talong,” nahihiya kong sagot. Akala ko ay magrereklamo pero ngumiti siya sa akin. My eyes got fixed on his face with a sweet smile on his lips. Naiinis ako sa kaniya pero hindi ko maitatanggi na he looks adorable when he smiles. “Inihaw na talong, copy. Hintayin mo ako, bibili lang ako ng talong.” Nang tumayo siya ay tumayo na rin ako. Nagtataka niya akong tinignan. “Sama ako,” wika ko. Tumango siya, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Nang nasa supermarket na kami ay nakasunod lang ako sa kaniya. Dahil mabagal akong maglakad ay binagalan niya rin ang sa kaniya. Hindi niya hinahayaan na maiwan niya ako. Kulang na lang ay hawakan niya ang kamay ko na parang magulang na takot maiwanan ang anak. Natawa ako sa naisip dahil doon ay nilingon niya ako na puno ng pagtataka ang mukha. “Wala. Asan na 'yong talong?” kunwari ay inip kong tanong. Nang makabili kami ng talong ay umuwi na rin kami. Sa rooftop kami kakain dahil hindi naman pwede mag-ihaw sa loob ng condo. “Maupo ka na muna roon dahil mausok.” Nakinig ako, naupo ako sa medyo kalayuan pero nang magsimula na maamoy ang usok ng iniihaw na talong ay tumayo ulit ako at lumapit. “Tamara, mausok—” “I love the smell, hayaan mo ako.” Para akong tanga na nakatayo sa gilid niya habang sinisinghot ang usok. Pakiramdam ko ay nabubusog na ako sa amoy pa lang. Wala na akong pakialam kung mag-amoy usok din ako dahil sobrang bango naman para sa akin. “Tapos na. Come here, let's eat.” Sumunod ako sa kaniya sa lamesa dala ang inihaw niyang talong. Sinandukan niya ulit ako ng kanin, at nilagyan ng bagong ihaw na talong sa pinggan. Imbis na kumain ay pinanood ko siya na kainin ang talong. Kumuha siya ng kaunting piraso, isinawsaw sa toyo na may kalamansi saka inilagay sa ibabaw ng kanin niya saka isinubo. I am entertained while watching him eat. Ngumunguya ito nang mapansin niya na hindi ko ginagalaw ang pinggan ko. Nilunok na muna niya ang nasa bibig bago magsalita. “Bakit hindi ka kumakain?” bakas na naman ang concern sa boses niya. Umiling ako. “Ayaw ko na ng talong. Gusto kong mag-ulam ng bagoong na maraming mantika.” Umawang ang labi niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Pero ang sabi mo ay inihaw na talong ang gusto mo?” mahinahon ang boses niya pero parang sa pandinig ko ay nanunumbat siya. “Kasasabi ko lang na ayaw ko na, hindi ba? Eh, kung ayaw mo, ako na lang ang bibili ng bagoong at magluluto. Kumain ka na muna diyan, hihintayin kita.” I pursed my lips to stop myself from crying. Mahirap ba na kunin ang gusto ko? Bumuntong-hininga siya. “I will cook you bagoong with lots of oil later, okay? Kumain ka na muna ngayon dahil anong oras na, oh? Hindi maganda na malipasan ng gutom.” Iwinasiwas ko sa isip ko na nag-aalala siya dahil hindi pa ako kumakain. Nag-aalala siya dahil kapag hindi ako kumain ay maaapektuhan din ang anak niya sa sinapupunan ko. Kahit ayaw ko na ng talong ay kinain ko na rin. I had the urge to throw up because the taste of the eggplant was not as good as how it smelled, but I resisted it. Nakakahiya naman kasi na ako na ang pinagluto pero ako pa itong magrereklamo. True to his words, bago siya umuwi ay ipinagluto niya ako ng bagoong na may baboy at maraming mantika. Hindi lang iyon, bumili na rin siya ng mangga. Bago rin siya umalis ay pinaalalahan niya ako sa pagkain nito dahil hindi maganda ang sobra. “Message me when you need anything.” Hindi ako sumagot, pinanood ko lang siya na umalis. Nang maiwan na ako mag-isa ay nakaramdam ako ng lungkot. I crave his presence even though I always show him that I don't want him here. Iba pa rin pala talaga kapag may nag-aasikaso. I cried that night for some unknown reason.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD