Marco did not fail to be present at every check-up. Madalas ay siya pa ang maraming tanong sa doctor tungkol sa pagbubuntis ko. Maging ang susunod na schedule ay siya ang may alam kaya siya na ang nagpupunta sa akin sa condo para sunduin ako.
Apat na buwan na buwan na ngayon ang tiyan ko. Visible na ang maliit na baby bump ko. Napuno na nga yata 'yong library ko ng mirror shot kung saan hawak ko ang tiyan ko kahit na maliit pa lang ang bukol.
Habang tumatagal din ay mas kapansin-pansin ang pag-iiba ng itsura ko. Lalo akong nagkaroon ng timbang dahil oras-oras yata ay kumakain ako. The doctor even warned me to watch my diet because if I didn't, I might have a problem giving birth.
Isa pa, hindi na makinis ang balat ko dahil sa naglalabasan na stretch mark. Ilang araw ko rin na iniyakan iyon. Hindi rin naman ako basta-basta makagamit ng beauty products dahil baka hindi maganda para sa nasa sinapupunan ko.
The only good thing that I like is that my boobs got bigger, while my hips got wider. Kaya kahit papaano na tumaba ako ay masasabi na proportion pa rin naman ang katawan.
“What's wrong?” nag-aalalang tanong ni Marco.
Narito na naman siya ngayon, dala ang mga bagong biling vitamins, at stock ng pagkain. Dahil halos isang buwan na rin kaming ganito ay nasanay na ako. There is no doubt that he will be a good partner someday… not just to me because I don't like him.
Sa loob ng mga araw na iyon ay kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa kaniya. Madalas na rin akong mag-update sa tuwing may hindi ako nararamdaman na maganda, agad naman siyang pupunta para tignan ako. Kapag may cravings din ay siya ang sinasabihan ko.
“Nothing…” mahinang sagot ko.
Halata sa mukha niya na hindi naniniwala sa akin. Nanatili ang tingin niya sa akin ba parang sinusubukan na basahin ang mata ko. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi.
“Dali na, ano iyon?” pamimilit niya.
I purse my lips because of the threatening tears. How can I tell him that I am not okay because I look so ugly? Ano naman ang pakialam niya roon, hindi ba?
Umiling ako bilang sagot. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang kinakain ko na prutas—inihanda niyang snack para sa akin. Kaya lang ay nasisiraan na yata ako ng bait dahil pagkasubo ko sa hiniwa niyang mansanas ay tumulo ang luha ko.
“M-Mukha na akong si Stitch. Tignan mo… I have a pregnancy nose… ang lapad-lapad na rin ng katawan ko. And my skin! It is the worst.”
Wala akong balak na mag-rant sa kaniya pero ayaw ko rin na sarilinin dahil ang bigat sa pakiramdam. Alam ko na normal lang din ang mga nangyayaring pagbabago pero… bakit? I just don't understand why women have to face difficulties in carrying a child in their womb, and giving birth… and still have unjust physical changes. Samantalang 'yong bumuntis sa kanila ay parang glowing pa.
Tulad ni Marco—sa tuwing nagkikita kami ay parang ang laki lagi ng pinagbago niya. He always looks hot and ravishing. No wonder, girls flock to him.
Dahil naka-follow na kami sa isa't isa sa social media ay nakikita ko na rin ang mga babae na panay ang tag sa kaniya. Kung alam ko lang ay baka pagtapos niyang bumisita sa akin ay nagpupunta siya sa mga babae niya para lumandi. Wala naman akong kaso roon.
Nagulat siya nang sabihin ko iyon dahil bahagyang nanlaki ang mata niya pero napalitan din ng ngiti sa labi. Lalo akong nainis dahil tila nang-aasar pa siya. I get it, pangit na nga ako pero kailangan niya pa ba na tawa—
“What do you mean? You are literally glowing. Your nose? Ang cute kaya. And your body?” Bumaba ang tingin nito sa katawan ko. Nakita ko ang mariin nitong paglunok bago mabilis na ibinalik sa mga mata ko ang tingin niya. “I-It's luscious,” saka siya umiwas ng tingin.
Maging ako ay sandaling nahigit ang hininga. I think the room temperature rose—naiinitan ako bigla.
It's been months since the last time I got laid. Maraming beses tuwing gabi ay hindi ako makatulog dahil sa init ng aking katawan. This is a normal craving when you are pregnant—kaso ay mahirap i-satisfy, lalo na sa lagay ko.
I always have the urge to call him… mabuti na lang ay may natitira pa akong kontrol sa sarili. Ano na lang ang iisipin niya kung tatawagin ko siya sa kalagitnaan ng gabi? To tell him that I want him?
Kinalibutan ako sa naisip.
Tumayo ako kaya tumingin siya sa akin.
“Sa kwarto lang ako sandali,” hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya habang sinasabi iyon.
“Okay,” halos namamaos nitong sagot sa akin. Ang mga mata naman nito ay namumungay, parang inaantok.
Nang makapasok sa kwarto ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. What was that? I don't want to think that there is a séxual tension going on between us.
Ilang minuto akong nanatili sa kwarto bago muling lumabas. Naabutan ko siya na nag-aayos na ng kaniyang gamit. Nakahugas na rin ang pinggan na pinaggamitan namin.
“Uuwi ka na?” tanong ko.
Sandali niya lamang akong tinignan. “Yes. May gusto ka pa ba na kainin o ipabili sa akin? I'll buy it before going home.”
“Wala na. Sige, ingat ka.”
“I will,” Isinuot na niya ang Louis Vuitton na messenger bag niya. “Take care.”
Tumango ako bilang sagot. Pinanood ko siya na lumabas sa ng pinto. I sighed.
I am lusting over him and this is not good.
Kinabukasan ay nagising ako na masama ang pakiramdam dahil sa masamang panaginip. I keep dreaming about what happened before. Pilit kong kinalilimutan pero lalo lamang lumalala—to the point na hindi na ako nakakatulog ng maayos.
Nag-agahan ako bago naglaba at naglinis ng bahay. I am feeling extra tired today. Hindi ko na nagawang makapagluto ng lunch at napilitan ako na mag-delata na lang. Matapos ay naupo na ako sa sofa bitbit ang isang tub ng ice cream habang nag-s-scroll sa social media.
I came across a reel that is tagged to Marco. Magulo ang video, nakadagdag pa ang nakakaliyong ilaw at tugtog. Hindi ako pwedeng magkamali, bar ito, kung saan halos manirahan na ako noon.
I can feel something bitter spilled in my stomach. Akala ko uuwi na siya?
Nakaupo siya sa isang pahabang sofa, sa tabi niya ay ang magagandang babae na sexy ang mga suot. Wala siyang ginagawa bukod sa pagtungga ng alak pero ang mga kamay ng babae ay kung saan-saan humahawak sa katawan niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paggapang ng isang kamay mula sa hita niya paakyat. Mabilis niya iyong napigilan kaya nakarinig ako ng malakas na tawanan sa background. However, Marco remained serious while looking at the girl who almost touched his crotçh.
Hindi ko na tinapos ang video. Ibinaba ko ang cellphone sa tabi ko saka natulala ako sa kung sa kawalan.
I feel like vomiting from that video. Sinabi niya kahapon na uuwi siya pero bakit naroon siya? Lying to me is unnecessary because I am not stopping him from his usual activities, but still… I don't know how to feel about that.
Ako lang naman ang nabuntis niya kaya anong pakialam niya sa mararamdaman ko? I know him like that… hindi ko dapat pa na asahan na magbabago siya dahil nakabuntis siya.
He can fuçk all the girls he wants. He can be lusty all he wants, I don't care. Walang namamagitan sa aming dalawa, itong bata lang na nasa sinapupunan ko.
But why is there disappointment for him?
Nagising ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon—Marco is calling. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.
[“Hi, Tamara. Kumain ka na?”] he casually asked.
“Yes. Nanunuod na lang ako ng TV now.”
Kailangan kong kastiguhin ang sarili ko sa nararamdaman ko. He is a man. Pareho-pareho lang silang mga lalaki… they will do everything they want, even if it causes you pain.
“Is that so? May kailangan ka ba?”
Mula sa background niya ay nakakarinig ako ng iba't ibang boses. May tumawag pa sa kaniya na 'Sir Marco' pero sinabi na mamaya na lang dahil may kausap pa. For sure ay nasa trabaho pa rin ito.
“Wala naman. Ibababa ko na, focus ka muna sa trabaho mo.”
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, pinatay ko na ang tawag. I rolled my eyes to no one because of the growing frustration for him. Iyong nararamdaman kong inis sa kaniya noong una ay muling nanunumbalik.
I got up from my sofa and went to my room. Naligo ako at nagsuot ng isang strap flowery yellow dress at white doll shoes. Hinayaan kong ilugay ang hanggang balikat kong buhok.
To: Sam
Hey! I changed my mind, I will come :)
Last week niya pa ako inaya sa birthday ng kaniyang nakakatandang kapatid na gaganapin sa bahay nila dahil pool party daw. Agad akong tumanggi noong una at sinabi na marami akong gagawin.
From: Sam
Nice! See you!
Hindi naman ako maliligo kaya nag-dress na lang ako. Uuwi rin naman ako mamayang hapon. Gusto ko lang na maglibang kahit papaano. Kahit pala na gustong-gusto mo na mag-stay na lang sa bahay ay darating ang time na gusto mo rin na lumabas sandali.
Nag-taxi lang ako papunta roon. Nang makarating ay sinalubong agad ako ni Sam ng yakap.
“Mabuti naman ay nakapunta ka! Hinahanap ka ni Kuya, alam mo ba?” She gave me a playful smile.
I smiled awkwardly. Matagal na niya akong nirereto sa kapatid niya kaya lang ay masyadong prim at proper ang kuya nito. Ang balita ko ay papasok pa siya sa law school pagtapos niyang makuha ang kaniyang Legal Management degree.
Iginaya niya ako sa loob ng bahay nila para pakainin. Sinamahan niya rin ako na maupo sa lamesa. Mamaya na raw niya ako ipapakita sa kuya niya, busy pa raw ito sa kaniyang kaibigan.
Wala akong makita na kakilala ko bukod sa mga kaibigan ni Sam. Kumaway at ngumiti sila sa akin, iyon din ang ginawa ko.
“By the way, you've gained weight, 'no? Hindi naman sobrang taba pero may nagbago sa 'yo.” Bumaba ang tingin nito sa exposed kong dibdib. “Paanong lumaki rin iyan? I mean, malaki na noon pero lumaki lalo.”
Umiwas ako ng tingin. Nagkunwaring inaayos ang pagkain na nasa pinggan ko.
“Hindi ko rin alam… siguro sa pills na iniinom ko.”
Pills?! Eh, buntis na nga ako dahil hindi ko gustong uminom ng pills!
Tumango-tango siya, mukhang naniniwala sa sinabi ko. “O siya, kumain ka na muna riyan. Asikasuhin ko lang 'yong ibang bisita ni kuya.”
I nodded. Tinignan ko ang kinuna kong pagkain. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa dami ng pagkain.
“Avoid eating greasy food, okay?” rinig kong boses ni Marco sa isip ko.
Natigilan ako sa akmang pagsubo ng pagkain. Tinitigan ko iyon, nagmamantika. Napapikit ako at akmang isusubo pero muling natigilan dahil nakikita ko ang seryosong mukha ni Marco habang hinahabilin iyon.
Kainis! Pumunta nga ako rito para kalimutan sandali ang nangyari sa condo pero binabagabag naman ako.
Ang ending ay gulay at prutas ang kinain ko. Inabutan din ako ng softdrinks pero hindi ko ininom dahil kinastigo ko ang sarili na magtubig na lang.
Tapos na akong kumain nang makatanggap ng message mula kay Marco.
From: Marco
Where are you?
I ignored it. Tumayo ako para hanapin na si Sam. Lumabas ako sa pool area at doon nakita ang mga naka-bikini na babae, half-naked men na nagtatampisaw sa tubig.
I could feel the vibration of my phone inside my shoulder bag.
“Tamara!” tawag ng kung sino.
I smiled when I saw some of my classmates walking in my direction. Tulad ng iba ay ganoon din ang suot nila.
“Hindi ka ba maliligo? Parang naging anghel ang itsura mo ngayon, ah?” biro ng isa.
Natawa ako. “Pagbigyan niyo na, minsan lang 'to.”
Inaya nila ako sa isang table. Nabura ang ngiti ko nang makita na puno ng alak ang naroon. Pinaupo nila ako sa isang upuan, nagsiupuan na rin sila.
“Guys! Guys! Nandito si Tamara! Grabe, ang tagal ka rin namin na hindi nakasama sa inuman. Panay ang reject mo, eh.”
Nahihiya akong ngumiti. Namilog ang mata ko nang abutan nila ako ng shot glass na may laman na alak. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.
“Juice na lang ako,” sagot ko na ikinaungot nilang lahat.
“Changed person ang peg?” kantyaw ng isa. “Sige na! Minsan lang, oh!”
They chanted “i-shot na 'yan” so loud. Maging ang ibang bisita at nasa amin na ang tingin.
“Sorry, hindi na muna.” Kinuha ko ang pitsel na may lamang juice, nagsalin ako sa baso. Nag-ungutan na naman sila dahil sa pagtanggi ko.
“Hindi ikaw 'yan, mima!”
Nakisakay na lang ako sa tawanan nila at biruan. Tumayo na ako nang mapansin na magdidilim na. Nagiging wild na rin ang paligid.
“Guys, una na ako, ah!” paalam ko sa kanila. Hindi na maayos ang tingin nila sa akin dahil sa alak.
Pagtalikod ko ay sakto na may padaan na lalaki. Natapon sa akin ang hawak niyang alak. I panicked when I almost lost my balance, luckily the man was fast to hold me.
“Are you okay? Hindi ka naman mukhang lasing na.”
Siya ang kapatid ni Sam base na rin sa pagkapareho nila ng itsura.
“Sorry,” maikling sagot ko. “Happy birthday pala. Mauuna na ako.”
Nilagpasan ko siya at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng bahay. Hinanap ko si Sam pero hindi ko siya nakita. Nag-message na lang ako sa kaniya na uuwi na ako.
Paglabas ko ay naroon ulit ang Kuya ni Sam, nakasandal sa hood ng kotse.
“Ikaw 'yong kaibigan ni Sam, hindi ba? Pinaalalahanan niya ako na ihatid ka kapag uuwi ka na. Lasing na 'yong kapatid ko, natutulog na sa kwarto.”
“Okay lang, kaya—”
“Gusto mo ba na sabunutan ako ng babaeng iyon?”
In the end, sumakay na rin ako sa sasakyan niya. Tahimik kaming pareho sa byahe. Ibinigay ko ang address, sinusundan niya sa direction na nasa phone niya.
Huminto ang sasakyan sa parking lot ng condominium.
“Thank you… Happy birthday ulit.”
He smiled sweetly. “Welcome, and nice to meet you, Tamara.”
Tumalikod na ako nang mawala ang sasakyan niya. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita roon si Marco na nakasandal sa gilid ng kotse niya—nakahalukikip at seryosong nakatingin sa direction ko.