Kabanata 7

2151 Words
His eyes were masked with coldness and the underlying seriousness in it. Nakakapanghina pero nilabanan ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya. “Hi! Gabi na, anong ginagawa mo rito?” I did my best not to stutter. Hindi ko ba alam pero para akong nanlambot sa klase ng tingin niya. “Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? Do you know what time is it?” Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. “6:33 PM,” Umigting ang panga nito, halatang hindi natutuwa sa naging sagot ko sa kaniya. What? Tinanong niya ang oras, sinasagot ko lang. Humakbang siya palapit sa akin. Hinubad niya ang suot niyang coat. Nagulat ako nang ipatong niya iyon sa akin. In an instant, his smell invaded my nostrils. “What I mean is, you are preg—“Nahinto siya sa pagsasalita. Kumunot ang noo bago bahagyang inilapit ang mukha sa akin para amuyin. “Did you drink? What the fuçk, Tamara?” Hindi na ngayon matago ang galit sa mga mukha niya. Isang beses niya pa na inilapit ang mukha para amuyin ako. He cursed under his breath. It must be the spilled liquor on my dress. Pwede rin na kumapit sa akin ang amoy ng alak. “I did not!” inis na sagot ko sa kaniya. Nauna na akong naglakad paalis. Sumakay ako sa elevator paakyat sa floor, nakasunod agad siya sa akin. “Bakit amoy alak ka? Saan ka galing?” “Birthday,” maikli kong sagot. “Who?” “Iyong naghatid sa akin. Siya ang may birthday, okay?” Humalukipkip ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Did he really think that I was going to drink while I was pregnant? Ginawa naman niya akong walang kwenta at hindi nag-iisip kung gagawin ko iyon. “Is he aware that you are pregnant with my child?” seryosong tanong niya. In the midst of my frustrations, I cannot help but laugh sarcastically. “Seryoso ka ba? Kung alam man niya na buntis ako, hindi na importante kung alam ba niya o hindi kung sino ang ama.” Nang bumukas ang elevator ay nauna ulit akong lumabas. “Anong sabi mo?” tanong nito habang nakahabol sa akin. “Anong ibig mong sabihin?” Hindi ko na siya pinansin dahil napapagod lang ako sa kakasalita at kasasagot sa mga walang kwenta niyang tanong. Why is he being like this? Noong siya naman ang pumunta sa bar ay hindi ako nagtanong sa kaniya. Ngayong naki-birthday lang ako ay puro tanong naman ito sa akin. “Umuwi ka na, matutulog na ako.” “Nag-uusap pa tayo.” Pumasok din siya sa loob. Siya na mismo ang nagsara ng pintuan ko. “We know that your pregnancy is sensitive. Maraming pwedeng mangyari sa labas. Isa pa, you reek the smell of liquor.” Padabog kong ibinagsag ang aking shoulder bag sa sofa. Naupo ako roon, isinandal ang sarili sa sandala. Pumikit ako dahil sa pagod na nararamdaman. “Alam ko ang ginagawa mo. And I told you, I did not drink. Kahit patak ay hindi!” Naglakad siya papunta sa pwesto ko. Naupo siya sa pahabang sofa kung nasaan ako pero may maliit na espasyo sa pagitan namin. I closed my eyes because the tiredness was making me drowsy. Nakasandal ang ulo ko ngayon sa sandalan ng sofa habang nakapikit. “Nag-aalala lang ako para sa kalagayan niyong dalawa. You could have told me about your plan. Inihatid sana kita at sinundo.” “Stop talking nonsense, will you? Buntis ako, hindi baldado. Ang sabihin mo, iniisip mo na kaya kong pabayaan ang sarili ko at natatakot ka na maapektuhan ang bata. Iyon naman, hindi ba?” He inhaled sharply. “Of course not! Hindi ganiyan ang iniisip ko, Tamara. I am talking about your safety, lalo na at buntis ka. For you to smell like ab alcohol even though you did not drink means that you have been in a place that—” Dumilat ako. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kaniya. “Iniisip mo na pababayaan ko ang sarili ko? Ngayong araw lang ako umalis pero parang ang tingin sa iyo ay inilagay ko na sa kapahamakan ang anak mo. Kapag ikaw pwede magsaya, ako hindi? Let me remind you, I am not your fuçking girlfriend.” Tumayo ako. Nagpupuyos sa galit akong naglakad papunta sa kusina para uminom ng tubig. Ramdam ko na naman na nakasunod siya sa akin. “That is not what—” “Shut up! Iyon ang dating sa akin,” malamig kong wika. I heard him take a deep breath. I rolled my eyes at him after finishing a glass of water. “Okay, let's calm down. Okay na, ang importante ay ligtas ka na nakauwi.” Humalukipkip ako na hinarap siya. Ganoon na lang? Matapos niya akong akusahan na nagiging pabaya ako. “Pero iniisip mo na uminom ako, tama ba?” Umiwas siya ng tingin. “Noong naamoy kita, akala ko uminom ka. But after you said that you didn't, naniwala ako.” “See?! Inisip mo talaga na nagiging pabaya ako.” Kung kanina ay inis ang nararamdaman ko, ngayon ay gusto ko na maiyak. “You think I can do something that can harm my child.” Nanginig ang labi ko na nakatingin sa kaniya. From the frustrations on his face, it was replaced by concern and softness. Umawang ang labi niya na nakatingin sa akin na nagbabadyang maiyak. Kung may pinakakinaiinisan akong side effect ng pagbubuntis ko, iyon ay ang mabilis ako maiyak sa kahit anong bagay. Kahit cartoons lang ang pinanood ko ay naiiyak pa rin ako. “Amoy alak ako kasi natapunan ako ng alak, hindi dahil uminom ako. Hindi naman ako nagpunta sa bar at nakipag-inuman, pumunta ako sa birthday party. I am not like you, sinungaling!” “Yes, yes, I believe you did not drink. I am sorry for thinking that way.” Now he is acting like a well-behaved kitten. Tumulo ang luha ko sa sobrang inis sa kaniya. Masama pa rin ang tingin ko. Marahas kong pinunasan ang tumulo na luha bago siya talikuran. “I am sorry, Tamara,” halos tunog malambing na iyon sa pandinig ko. “Umuwi ka na… Ay! hindi, pumunta ka sa bar at humanap ng babae doon at baka sakali na maliwanagan ka na hindi mo 'ko pagmamay-ari para umasta ng ganiya. You know what? You acted like an irritated boyfriend earlier. Cringe, hindi ba?” His eyebrows furrowed. Humakbang siya ulit papalapit sa akin, ako naman ay umatras. Napansin niya iyon kaya huminto siya sa pag-abante. “Hindi ako uuwi ng hindi tayo maayos. And what bar are you talking about? I am not going to a bar tonight.” Hindi ko na lang siya pinansin. Pumasok na ako sa kwarto at doon nagkulong. Kinain ng unan ko ang sigaw ko dahil sa sobrang pagkairita sa kaniya. Naligo ako at nahiga na. Nakatingin lang ako sa kisame nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Hey. Uuwi na ako. Nagluto ako ng dinner mo, kumain ka na rin… And I am sorry for making you feel that way.” Ilang minuto pa akong naghintay bago lumabas ng kwarto. Wala na siya roon pero may bagong luto na ulam na nasa lamesa. I quietly sat on the chair and ate what he cooked. Ngayon na ako na lang mag-isa ay saka ko napagtanto na mali ako. I burst out of nowhere. Normal lang para sa kaniya na mag-alala dahil ako ang nagdadala ng anak niya. Saka, bakit ba ako naiinis na concern lang siya sa akin dahil sa bata? Inubos ko ang kinuha kong pagkain. Matapos kong hinugasan ang ginamitan ko ay bumalik na ako sa kwarto. My phone beeped. From: Marco I hope you've eaten your dinner. I am sorry for my attitude earlier, I didn't mean to disrespect you in any way. Hindi ako sumagot. Kinatulugan ko na ang paulit-ulit na pagbabasa sa mensahe niya. How could he be so soft yet dangerous? “Hindi kaya nahuhulog ka na sa kaniya?” intriga ni William. Nasa isang coffee shop kami ngayon, katatapos lang ng klase. Hindi ako nag-order ng kape, juice lang. Natawa ako sa sinabi nito. “Asa! I will not fall for that guy, and any guy.” I sipped on my drink. Nagde-delusion na yata itong kaibigan. He shrugged his shoulder. “Sabagay, gumunaw na yata ang mundo ay hindi mo pa rin aaminin na may minamahal ka na.” I winced because of his choice of words. Just thinking about falling in love is making my stomach hurt. “Kung may masasabi man akong mahal ko, iyon ay ang nasa sinapupunan ko. Romantic love is overrated, lahat ng tao ay nabubulag sa klase ng pagmamahal na 'yan.” “I can't see I'm blind…. blind…” biglang kanta nito habang nakapikit. Natawa na lang din ako sa kaniya. Ang balita ko ay sila pa rin ng boyfriend niyang si Jacob. Ito na siguro ang pinakamatagal niyang naging karelasyon. I am genuinely happy for him because he is the happiest right now. “Pero paano kung mahulog ka kay Marco? Ikaw na rin ang nagsabi na maaalaga siya sa 'yo. Hindi lang bare minimum ang ibinibigay niya sa 'yo.” “Anong sa 'kin? Sa anak niya kamo. Lahat ng ginagawa niya ay para sa anak niya. At impossible na mahulog ako sa pinsan mong iyon, ang daming babae! Sinungaling pa.” William burst into a laugh. “Madaming babae nga iyong si Marco, tingin niya sa babae ay isang hamak na parausan lang. Naku, alam mo ba noong college lang 'yan ay maraming umiiyak na babae kay Tita Margaret at sinasabi na nabuntis sila ng anak niya? Pero ni isa ay walang inako si Marco dahil lagi raw siyang protektado.” Inaasahan ko na ganoon siya pero ang marinig sa ibang tao ay nakakasuka. He is like that before? Dapat ba ako na magpasalamat na gusto niya akong panagutan? “But there's a reason behind it. Iyong tatay niya kasi ay nag-cheat kay Tita noon. What's worse is that, maliit pa lang si Marco ay isinasama na siya ng tatay niya sa kung saan-saang lugar para makipagkita sa mga babae niya dahil si Tita Margaret ay nagtatrabaho sa ibang bansa. To conclude, he developed a trauma because of his father. During his high school and college days, he is a completely a manwhore and playboy.” I suddenly felt bad for him. Wala ni katiting sa isipan ko na may ganoon pala siyang pinagdaanan. Paano nagagawa ng isang magulang iyon sa harap mismo ng kaniyang anak? Umiwas ako ng tingin kay William. “Parang hanggang ngayon din naman.” Natawa siya. “Teh, kung alam mo lang. Kung tatanungin mo ako, parang changed person na siya ngayon. Kung sino-sino na nga ang nagme-message sa akin kung nasaan na ba si Marco.” “Baka naman may isang pinagkakaabalahan na?” taas kilay kong tanong. “Hindi lang isa, dalawa pa, dzai! Ikaw at iyang junakis mo.” Sandali akong natigilan pero hindi nagpadala sa kantyaw niya. He almost got me there. Nakakatawa. Matapos namin sa coffee shop ay sinamahan ko siya na maglakad-lakad sa mall. Hindi na ako nagtaka nang dumiretso kami sa baby section. “Sana girl, 'no? I want to dress her. Ako ang magiging paborito niya sa lahat.” Napangiti ako sa sinabi niya. Pinanood ko siya na tignan ang mga damit pambata na naroon. “Huwag ka na muna bumili ng maraming pambabae, malay mo lalaki.” “Bibili rin ako ng panlalaki, 'no.” Naiiling na lamang ako sa kaniya. Sandali akong humiwalay para tignan ang ibang gamit na naroon. I was busy analyzing the small baby shoes when I noticed something. “Miss, may iba't ibang kulay ba kayo nito?” tanong ng pamilyar na boses. I stiffened when I saw Marco checking baby clothes, not far from me. Unfamiliar emotions came rushing to my system out of nowhere. Parang dinadaga ang tyan ko habang nakatingin sa kaniya. “Sir, pang-ilang buwan po ba?” Hindi agad siya nakapagsalita. “A-Ah… hindi pa kasi siya lumalabas. Just give me what is available.” “Sige, Sir, sandali lang po.” Mariin akong napalunok. Obviously, he is buying baby clothes. Apat na buwan pa lang ang tiyan ko kaya naman hindi ko inaasahan na mamimili siya. Humakbang ako palapit sa kaniya, para na rin makausap siya tungkol sa naging ugali ko noong nakaraang araw. Should I say sorry? “Ito, tignan mo… okay ba?” Nahinto ako sa paglapit nang may lumapit sa kaniyang babae. Kusang bumaba ang mata ko sa malaki at bilugan nitong tiyan. Inugat ang paa ko sa semento. “Yes, it looks cute. I know for a fact, bagay iyan ni baby,” nakangiting wika sa kaniya ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD