Kabanata 8

2235 Words
Simula noong nalaman na nagloloko si Papa kay Mama, ay ang araw din na natakot ako na magtiwala sa mga lalaki. As time passed by, it grew stronger because men kept on disappointing me. They are all walking red flags, two heads but all they care about is their díck. Anong ipinagkaiba ni Marco sa kanila? Bakit pa ba ako nagulat nang makita na may kasama siyang na babae, buntis pa? Did I really assume that I am the only one he can get pregnant? Kahit siguro sinong babae ay bubuntisin niya kapag nagustuhan nita. However, in our case, we are both incapacitated because of alcohol. Hindi ko rin siya masisi dahil alam ko na kasalanan ko rin. “Of course! Mana sa akin,” magiliw na sagot ng babae kay Marco. Natatawang umiling na lang si Marco. Nang ibalik niya ang tingin sa tinitignan na damit ay nagtama ang tingin naming dalawa. The shock was evident on his face while I remained serious. Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago ko napagpasyahan na umalis na. “Tamara, wait!” Sinubukan ko na maglakad ng mas mabilis ngunit naabutan niya pa rin ako. He held my arms firmly to stop me from walking away. Mula rito ay tanaw ko na si William na nagtataka na rin ngayon na nakatingin sa aming dalawa. “Bakit mo iniwan 'yong kasama mo?” malamig ang boses kong tanong sa kaniya. Luminga-linga pa ako para hanapin 'yong buntis na babaeng kasama niya pero hindi ko na matanaw. “Balikan mo, panigurado ay hinahanap ka na niya.” I could feel the weight of his stares. Naninimbang at pilit binabasa ang kung ano man ang nasa mga mata ko. Nilabanan ko ang tingin niya. “She's my friend,” unang sinabi niya. Muntik ko na siyang tawanan sa sinabi niya. Malamang iyon ang sasabihin niya. Mas magugulat pa ako kung sasabihin niya na girlfriend niya iyon. If I know, lahat ng babaeng nakakalandian niya ay kaibigan ang lagi niyang pakilala. “Hindi ko tinatanong,” masungit kong wika. Iwinasiwas ko ang kamay niya na nakahawak pa rin sa akin. “Kasama ko si William, nagtitingin-tingin lang kami ng gamit ng anak ko. Mukhang ganoon ka rin naman kaya bumalik ka na roon.” Lalong kumunot ang pagkakakunot ng noo niya. “We have a problem again, huh?” Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na siya pinansin at nilapitan na lang si William na nagpapatay malisya sa nangyari. Problem? Wala namang problema sa akin. Siya lang itong nag-iisip na may problema. As if pinipigilan ko siya sa gusto niya dahil lang siya ang nakabuntis sa akin, hindi naman. He is free to do whatever he wishes. “Tara na,” aya ko sa ko kay William. “Umuwi ka na, William,” mariin na utos ni Marco sa kaibigan ko. Marahas ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. “Ikaw ang umuwi mag-isa mo,” inis na sabi ko sa kaniya. “Kumalma nga kayong dalawa, wala kayo sa bahay, ah. Ikaw naman, Marco, huwag mo ngang ini-stress itong kaibigan ko. Ako ang nagdala sa kaniya rito kaya ako rin ang mag-uuwi.” Mabuti naman! Akala ko ay ipagtatabuyan na naman ako ng sarili kong kaibigan. Inirapan ko pa ng isang beses si Marco bago lumabas ng bilihan na 'yon. “Ano bang problema at galit ka na naman sa pinsan ko? Parang wala ng ginawang tama, e.” Bahagya siyang tumatawa habang nagmamaneho. “Ilan na kaya ang nabuntis niya? May nakita akong kasama niya kanina, buntis din. Sa tingin ko ay kabuwanan na noong tiyan niya at namimili sila ng gamit pambata.” “So, iyon ang dahilan kung bakit parang dragon ka kanina? Sounds like a jealous lover to me.” Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. “Yuck! For your information, hindi ako galit kanina. I am calm as fuçk. Iyong pinsan mo lang ang mahilig mag-assume na lagi akong galit kaya kahit hindi naman ay natutuluyan akong magalit, nakakapikon!” Umiling-iling siya. He makes it look like I am doomed or something. “Nakita kita, lalapitan mo na siya kung hindi lang dumating 'yong babae. Iyong totoo, iyon ang kinaiinis mo kanina? Saka, bakit ka lumayo noong lalapitan ka na niya?” Napalunok ako bago umiwas ng tingin sa kaniya. Bakit nga ba? “See, you are—” “Maybe because I was the one feeling disrespected for my child. Bakit ganoon siya, William? Sa totoo lang, ayaw ko ng ganoong ama sa anak ko—kung sino-sino ang makikitang kasama na babae. Ayaw ko na malalaman niya na marami siyang kapatid sa tatay. Do you understand me? Like, mabuti pa na hindi niya kilala sa Marco, kapag ganoon ay pwede kong sabihin na namatay na lang ang tatay niya o kaya naman ay iniwan kami kaysa malaman niya na ganoon pala.” Mabilis na nagkaroon ng harang ang lalamunan ko, naging mahirap bigla ang pagsasalita at paghinga. Hindi ko pa nahahawakan ang anak ko pero iniisip at pinakikitamdaman ko na siya. I could feel the amazing connection between us. Thus, I want the best for my his or her. Malalim ang naging buntong-hininga ni William. “I know where you are coming from. Hindi ako babae pero alam ko kung paano magmahal ang mga ina kahit pa na nasa sinapupunan pa lang nila ang kanilang anak. Pero, Tamara… don't you think it is unfair for Marco? The hatred, frustrations, and irritations that you are throwing at him are unjust. Sa 'yo na nanggaling, the two of you are here because of your child. Ano na lang ang mangyayari kung hindi niyo pakikinggan ang isa't isa? Besides, I know Marco more than you do, hindi niya kaano-ano ang pinagbubuntis ng babaeng 'yon.” Umiling ako, hindi gustong intindihan ang sinasabi niya tungkol kay Marco. I am afraid to indulge my life with him because the moment I let him into my life, he also entered my child's life. Natatakot ako, hindi para sa akin, kung hindi para sa bata na nasa sinapupunan ko. Paano kung matulad din pala siya ni Papa balang araw? Katulad ng Tatay niya? Paano kung mare-realize niya na hindi pala niya tanggap ang anak ko kung kailan nasanay na ang bata? Paano… there are so many what-ifs, and I don't want to take a risk. “Sis, kung para sa baby, edi go! Hayaan mo si Marco na alagaan kayo. Kung ayaw mo sa kaniya, edi go rin, hindi kita pipilitan na gustuhin siya—as long as hindi maapektuhan ang pamangkin ko.” Nang makababa ako sa parking lot ay umalis na rin agad siya dahil may iniuutos sa kaniya si Tita. I sighed. Wala sa sarili akong naglakad papasok sa elevator dahil laman ng isip ko ang mga sinabi ni William. Tama siya… pero ang hirap lalo na kung ang magiging desisyon ko ay maaaring makabuti o makasama sa anak ko. “Tamara,” Nagulat ako nang makita ang mukha ni Marco. Pumasok din siya sa loob. Nakikitaan ko ng takot, pangamba, at pag-aalala ang kaniyang mukha. “Bakit?” walang emosyon kong tanong sa kaniya. “Let's talk please, hmm?” “Okay, sa condo.” Halatang hindi nito inaasahan na isasagot ko iyon dahil bahagyang namilog ang mata niya pero agad din na nakabawi saka tumabi sa akin. Siya na rin ang pumindot ng button papunta sa floor ng unit ko. Nang makarating ay pareho kaming tahimik, pinakikiramdaman ang isa't isa. “Kumain ka na?” tanong ko rito. Hindi siya nakapagsalita agad. “H-Hindi pa. Do you want to eat first? What do you want? I'll cook it.” Naglakad ako papunta sa refrigerator para kumuha ng frozen goods. I crave adobo, iyon na lang ang iluluto ko. “Bakit hindi kayo kumain ng kasama mong babae kanina? She's pregnant, alam mo na hindi dapat ginugutom ang buntis.” “Tamara, she's my longtime friend. Kasama namin ang asawa niya kanina. Sumama rin ako kasi…” Tinignan ko siya dahil sa paghinto nito sa pagsasalita. I could see mixed emotions in his eyes. “Kasi?” muntik ko ng itaas ang kilay ko pero pinigilan ko ang sarili. I promised myself to have a normal talk with him, iyong kalmado lang. He swallowed hard. “I want to shop for you, and for our child. Masyado pang maaga kaya nahihiya ako na ayain ka at baka hindi ka rin pumayag. Hindi ko lang talaga mapigilan. I know you won't believe me but I can't wait to shop for our child, buy baby clothes, shoes, small utensils… and have him or her in my arms.” Akala ko ay mabibingi na ako sa sobrang lakas ng pagtambol ng dibdib ko. There is a spark in his eyes, he seems to imagine a small child in his arms. Hindi ko naiwasan na gawan ng larawan sa aking isipan ang imahe niya na buhat-buhat ang maliit na sanggol. Warmness spread throughout my heart. “Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon mo kanina pero naiintindihan ko na naiinis o nagagalit ka dahil iniisip mo lang ang kapakanan ng anak natin.” Humakbang siya palapit sa akin. Nanatili akong nakatayo at nang makalapit na siya ay napatingala ako dahil sa katangkaran niya. Bahagya naman siyang nakayuko sa akin. “Next time, I will update you. I don't want you overthinking those things. Stress is not good for you and for our baby.” I hate him… but why is he making my heart flutter? Umakyat lahat ng dugo ko sa katawa. Nagkaroon bigla ng mantra sa isip ko na lahat ng ito para sa anak ko… namin. “Hindi mo kailangan gawin iyon,” halos pabulong kong wika sa kaniya. A small smile formed on his lips. “Gagawin ko with or without your approval. I wished you could do the same thing, also for the sake of my peace of mind.” Tila naubusan ako ng sasabihin. Bumukas ang bibig ko pero walang salita na lumalabas kaya isinara ko na lang din ulit. His eyes went down to my lips. I saw his adam's apple harshly go up and down. Pakiramdam ko ay hinihipnotismo ako ng mga mata niya. I should be distancing myself from him but I did not step back when he closed the remaining distance between us. I couldn't move. My brain is telling me to step back and do whatever business I am going to do but my body won't cooperate. “If I kiss you right now, magagalit ka?” he asked, almost in a whisper. Ang mga mata nito ay namumungay na. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. His raspy and enticing voice and the deep but shallow emotions in his eyes are hypnotising. My stomach churned from the unfamiliar feelings. My whole body feels like it is not mine, but his. “No...” bulong ko. Why would I say that? Talaga ba na ako ang sumagot? It is not me, nor my voice. Mula sa mata ko ay muling bumaba ang tingin sa mga labi ko. Wala sa sarili na dinilaan ko ang ibabang labi dahil para akong nauubusan ng nauubusan ng laway—nauuhaw ako bigla. Ilang segundo pa siyang nakatitig sa mga labi ko bago unti-unti na nilapit ang mukha sa akin. I unconsciously closed my eyes and waited for his lips. Ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa mukha ko, when a loud ringtone interrupted. Mabilis akong napalayo sa kaniya saka siya itinulak palayo. Tinalikuran ko siya at nagmamadaling naglakad papunta sa kwarto ko. Muntik na! Pagpasok ko ng kwarto ay malalim ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwala na muntik an kaming maghalikan! For the record, we are not under the influence of alcohol! Siguro siya pwede oo, pero ako? I am in the fuckíng right mind. Nagpunta ako sa banyo para maghilamos. Ilang beses kong kinastigo ang sarili ko sa pwedeng nangyari kanina. But why do I feel a little disappointed about it? I internally screamed to stop myself. “Umayos ka,” mariin na wika ko sa repleksiyon ko sa salamin. “Isipin mo ang anak mo, anak mo lang ang dahilan kung bakit siya narito. Huwag kang mahuhulog sa bitag niya.” Nang kahit papaano ay kalmado na ay saka ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko siya na nasa kusina. Nakayuko sa lababo habang ang dalawang kamay ay nakadantay sa lababo. Umayos lang siya ng tayo nang maramdaman ako. “S-Sa sofa ka muna, ako na ang magluluto,” utos ko sa kaniya. “Yes, sa sofa muna ako.” Mabilis akong umatras para makadaan siya. Nang malagpasan niya na ako ay nagmamadali akong naglakad papunta sa kusina. Inasikaso ko na ang pagluluto habang ilang beses na pinakikiusapan ang sarili na manahimik at huwang pansinin ang init ng katawan ngunit habang tumatagal ay para akong nagliliyab. Alam ko na namumula ang mata ko. Iniwan ko na muna ang hinihiwang manok para uminom ng tubig. Sakto naman na nakatingin siya sa akin habang nakaupo siya sa sofa. Tulad kanina, mainit at may pananabik pa rin sa mga mata nito. “Manuod ka lang ng TV diyan, huwag mo akong panoorin.” “You are more interesting than any drama or movie.” Napasinghap ako sa sinabi niya. “K-Kadiri!” sabi ko na lang saka nanumbalik sa hinihiwang manok. Fuçk him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD